CHAPTER TWELVE

218 11 6
                                    

Kinain na naman ng kdrama ang sistema ko tapos nawala pa lahat ng nasa drafts ko kaya tinamad talaga ako magupdate hindi ko alam kung paano sisimulan but anyway, here you go!~

***



"Tsk. Bagay talaga sa'yo ang pangalang Cry. Masyado ka kasing iyakin."


Sisigawan ko sana kung sino man yung pakialamero na nagsalita mula sa likod ko pero hindi ko nagawa dahil bigla siyang umupo sa tabi ko at sinubsob niya sa mukha ko yung panyo niyang kulay pink.


Kunot-noong tiningnan ko siya.



Ang weird niya talaga. Kanina basta na lang siyang sumulpot sa likod ko, tinuro kung nasaan sila Ka-- basta ayokong banggitin dahil bitter ako, tinulak niya ako tapos ngayon heto na naman siya kung makatabi akala mo close kame tapos ang mas weird pa ino-offeran niya ako ng panyo. Mukha na ba talaga akong pangit na uhugin dahil sa pagiyak ko? Ah basta, wala na akong pakialam kung anong itsura ko dahil naiiyak talaga ako.


"Hindi mo ba aabutin? Nangangalay na ako tsaka ang pangit mong umiyak." Reklamo niya habang inaabot saakin yung panyo niyang color pink. Inismiran ko siya bago ko tinanggap yung panyo. Sino ba ang babae na maganda pa din kahit umiiyak? Kahit kaming mga dyosa pumapangit din naman paminsan-minsan lalo na kapag naiiyak tsaka nakakasawa din kaya maging dyosa minsan.


"Salamat dito sa panyo pero bakit kulay pink yung panyo mo tapos hello kitty pa yung design. Bakla ka ba?" Mahinalang tingin ko sakanya. Hindi ko naman siya ija-judge kung sakaling ganun nga kaso sayang, Mababawasan na naman ang populasyon ng mga gwapo na straight kung sakaling kasali siya sa club. Gwapo kase siya eh. Medyo weird lang ngumiti pero malakas yung dating niya dahil sa singkit niyang mata pero familiar talaga siya. Kanina ko pa iniisip kung saan ko siya nakita, Hindi ko kase matandaan but I'm sure nakita ko na siya before.


Tinapunan niya ako ng masamang tingin kaya naman inunahan ko na siyang magsalita, "Uy okay lang naman kung ayaw mong aminin tsaka di naman kita ija-judge." Defensive kong sabi sakanya, Lalo lang kumunot ang noo niya sa sinabi ko.


"That's not mine, that's my sister's. And for the record I'm not gay." Nakahinga ako ng maayos dahil sa sinabi niya. Nakakapanghinayang kase kung ganun, mabuti naman pala. Sa panahon kase ngayon madami kang makikilala na kasing gwapo ni James Reid pero tagilid dahil si James Reid  din ang gusto.


"You look familiar, Nagkita na ba tayo dati?" Tanong ko sakanya, Ngumisi naman siya sa sinabi ko. May nakakatuwa ba sa sinabi ko? Nakakatakot na talaga siya sa ginagawa niyang pagngisi kahit wala naman nakakatawa sa sinabi ko, Kung hindi lang siya gwapo baka inisip kong takas sa Mental ang isang 'to.



"I knew it! You won't even remember me." Mahina niyang sabi habang nakangisi, "Ouch! You really know how to hurt my feelings, Cry Angela. Big time." Tsaka siya umarte sa harapan ko na akala mo nasaktan talaga siya, may pahawak effect pa siya sa puso niya.


Seriously? I really can't remember where did I saw him before but I do have this feeling that I know him. Unang nakita ko siya kanina samay pinto ng classroom nila Kath magaan ang pakiramdam ko sakanya kahit minsan nawi-weirduhan na talaga ako sakanya, Hindi ako natakot na sumama sakanya kahit hindi ko siya masyadong kakilala dahil I have those feelings na hindi siya masamang tao at wala siyang gagawin na masama saakin. Kahit ako nanibago din sa sarili ko dahil sumama kaagad sakanya nung sinabi niyang alam niya kung saan makikita sila Kath, kung sa ibang pagkakataon o ibang lalaki siguro nasungitan ko na ng bongga katulad ng madalas kong ginagawa sa mga lalaking sumusubok na lumapit saakin. Hindi naman ako man-hater, Sa katunayan most of my friends are guys, most of my cousins are guys and I have two older brothers kaya kabisado ko na kung paano sila dumiskarte sa babae kaya malakas ang instinct ko sa mga casanova.

Winter's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon