MAGKMHMU: 40

609 34 4
                                    

Wednesday,

Niel's POV

"Oh? Baakit ang aga mo ngayon? Five thirty pa lang ng madaling araw. Mamaya pang eight ang start ng klase mo Niella." nagtatakang sabi ni kuya Nathan habang nagbabasa ng dyaryo at hindi man lang ako tinititigan ng mahal kong kapatid.

"Ah, sa kaklase ko lang kuya. Nagpapatulong kasi siya sa akin eh." palusot kong sabi. This time, tinignan naman ako ni kuya at yung mata niya eh nagiging scanner na naman. Pupunta ako kina SLY ngayon, dahil tuturuan ko siya ng mga household chores. Try naman niyang siya ang maglinis ng condo niya di ba? Hindi yung ako pa, katulad ng mga last time.

"Ano yang kaklase mo, babae ba o lalaki? At sa anong klaseng bagay mo naman siya tutulungan?" sunod-sunod na tanong ni kuya sa akin.

"Ah-eh-uhm kasi kuya, may nililigawan siyang kaklase ko. Eh, dadaaanan ko muna siya sa condo niya tapos tutulungan ko siya para hindi siya maging speechless kapag nakaharap na yung kaklase ko." sabi ko habang nakangiti ng sobrang wagas.

"Pero hindi mo pa sinasagot ang tanong na kung babae ba siya o lalaki." sabi naman ni kuya Nathan.

"Siyempre kuya la-lalaki siya. Sino ba sa tingin mo ang nanliligaw? Di ba lalaki." sagot ko naman. Nanginig pa yung labi ko ng sabihin kong lalaki yung kaklase ko. Baka mas lalong hindi ako makaalis sa bahay.

"May baabe na rin kayang nanliligaw ngayon, hindi mo ba alam yun?" tanong ni kuya habang nakataas yung kaliwa niyang kilay.

"Siyempre kuya, conservative pa naman yung iba. Kahit gaanong ka-modern na ang panahon, kailangan pa rin respetuhin ang old traditions, hehehe." sagot ko habang nakangisi.

"Sabagay, sige mag-iingat ka Niella. Kumain ka sa school ng almusal. Pumapayat ka na oh!" pahabol ni kuya habang paalis na ako ng bahay namin.

"Opo, sige po kuya!" pamamaalam ko.

Nathan's POV

Mula rito sa punong kinatatayuan ko, nakita kong pumunta nga sa isang condo ang kapatid ko. Tama kayo ng iniisip, sinundan ko siya. Hindi kasi bumenta yung palusot niya kanina na may tutulungan siyang kaklase sa panliligaw. Yun? Si Daniella? Tutulong yung kaklase niya sa panliligaw? Eh siya nga wala pang nagiging boyfriend dahil bata pa siya at hindi ko pa siya pinapayagan. Kung may magtangkang manligaw sa kanya, dadaan muna siya SA AKIN.

Pumasok na ako sa establishment at nakita kong papasok sa isang elevator ang kapatid ko. Patakbo na ako doon, kaso bigla na lang nagsara yung pintuan ng elevator. Bumalik ako sa front desk para malaman ko kung sino ang pinupunta dito ni Daniella.

"Ahm miss, pwede bang magtanong? Anong floor yung pupuntahan nung babaeng kakapasok lang kanina dito?" tanong ko dun sa babaeng nasa front desk. Parang na-starstruck naman siya ng napatingin siya sa akin.

"Ah, sa penthouse suite siya pumupunta. Sabi niya kasi boyfriend niya daw yung nakatira dun, ba-bakit?" sabi ng babae na nagblu-blush. Boyfriend?! May boyfriend na ang kapatid ko?!

"Eh, ano bang pangalan nung nakatira dun, miss?" pagtatanong ko. Kung sino ka mang lalaki, humanda ka sa akin!

"Stephen Lance Y Dela Vega po yung pangalan niya sir." sabi naman ng babaeng kausap ko.

Dela Vega? Ang surname na iyon. Could it be? Napakaimposible naman, baka nagkataon lang na parehas sila ng surname pati na rin ng middle initial. Pero kung siya nga, may nasabi ba si SKY tungkol sa akin at ginagamit niya ang kapatid ko para magkita kami?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr.Arrogant Gangster King Meets His Ms.UnstoppableWhere stories live. Discover now