MAGKMHMU: 25

753 28 1
                                    

A/n: Happy 4k sa Mr.Arrogant Gangster King Meets His Ms.Unstoppable. Thank you po sa mga nagbabasa at mga nagvo-vote at nagco-comment. I hope marami pa ang makapagbasa ng mga works ko. I dedicate this chapter to chubbiest. Siya po ang gumagawa ng book cover ko sa isa sa mga story ko po na ipo-post sa wattpad. Dito ko po muna nilagay, kasi gusto ko po munang tapusin lahat ng pending stories ko, pero, dont cha worry, may naka-reserve po kayong dedication sa This fairytale of Mine, i hope you understand, and sana like this dedic.

Niel's POV

Mabait naman pala si Zero eh, sadyang malakas lang siya mang-trip. Alam niyo ba siya kaya naging shield ko sa halimaw 'kong "master" na si SLY? 

*Flashback

Nakabalik na kami ni Zero sa school matapos namin bumili ng pagkain para sa pisteng Sly na yun! Nagulat nga ako kasi sobrang dami ng binili niya ng pagkain. Sabi niya kasi, kapag nagutom si SLY, kelangan pati sila rin daw lima ay kakain. Buti na lang talaga siya ang sumagot sa lahat ng bayarin, kasi kung hindi, nako, wala na akong babaunin na pera for one week! 

Tahimik lang kami naglalakad papunta dun sa sinasabi nitong amo ko na tambayan nila. Spell NGA-NGA? D-A-N-I-E-L-L-A! Kelan pa nagkaroon ng glass house dito?! Ang laki naman nito! Eto ba ang nagagawa kapag may pera, lalo na't kamag-anak mo pa ang isa sa mga mataas na opisyales dito sa eskwelahan?!

"Wag kang mag-alala, dumaan kami sa mahabang proseso para lang mapagawa yang bago naming tambayan. Sariling pera namin ang ipinanggastos namin diyan at hindi pera ng eskwelahan." nakangiting tugon sa akin ni Zero. May lahi ba siyang mind-reader? Magsasalita pa sana ako, pero inunahan na niya ako.

"Wala akong lahi na mind-reader. Nababasa ko lang kasi sa mukha mo kung ano yung mga iniisip mo right now. Tara! pasok na tayo sa loob." sabi niya at pinihit na ang door knob nung glass house nilang tambayan. 

Heto ako ngayon at nakanga-nga pa rin. Bakit? Kung gaano kasi ang ikinalaki at ikinaganda nitong glass house na 'to sa labas, DOUBLE pa ang feautures nito sa loob! Feeling ko wala na ako sa school premises at nasa isa ako sa mga pinakasikat na clubhouse sa 'Pinas. Holy Moly!

"SLY! I'm here with Daniella. Let's eat!" sigaw ni Zero sa "master" ko na nasa taas. Ang kupad kumilos, gusto ko na ring kumain, natatakam na ako sa pagkain na dala-dala ko 'noh! Alam ko namang di ako kasama dito sa pagkain.

"Wait up! Hell! You brought a girl inside of the house?!" sigaw din ni "master". Hello, Earth to Master! Ano ba ang kinuha mong aalipinin, di ba babae?! Ano shungangers lang?

"Wag mong pansinin yun. Tara sa kitchen, ng mailabas na 'tong mga inorder natin sa styro foams." sabi niya habang hawak yung right wrist ko at isinama sa kitchen area. Zero, baka nakakalimutan mong may hawak akong mga pagkain?

Andito na kami sa kitchen area. Hindi ko maiwasang mamangha dahil ngayon lang ako nakakita ng ganitong bahay. Walang panama 'tong glass house nila sa bahay namin, na mukhang kasinglaki pa lang siguro ng sala dito. Nagulat naman ako dahil biglang niluwa ng kitchen door ang piste kong "master".

"Oh SLY, what's with the face? Did something came up?" nagtatakang tanong ni Zero kay SLY. Mukha siyang pinagbagsakan ng langit at lupa, nauna mukha!

"Where's the girl you brought? You know the rules, NO GIRLS ALLOWED in this glass house, unless you have permission from me!" madiin niyang sabi. No girls allowed? Eh ano pang ginagawa ko dito, GO-GORABELLS NA AKO! Lalabas na sana ako sa kitchen area ng hawakan naman ako sa braso nitong bipolar kong amo.

"And just where do you think you're going?" tanong niya sa akin, habang nakangiting aso. Ano ako, matatakot? Not a chance! Atapang a bata ito!

Mr.Arrogant Gangster King Meets His Ms.UnstoppableWhere stories live. Discover now