MAGKMHMU: 27

630 28 0
                                    

Niel's POV

Wrong timing naman si ex-boss kung palayasin ako sa bistro na yun! Take note, ang baba ng rason niya hah! Nahiya naman ako, akala ko may kinalaman sa performance ko, yun pala dahil lang sa NAGING LALAKI niya, or should i say, yung taong pinaglaruan lang siya.

*Flashback

Andito na ako sa campus ng Meindra ng biglang tumunog yung cellphone ko. Agad ko namang kinuha yun at nakalagay "Si Flirty Boss" calling. Sinagot ko yung tawag, baka may ipagawa sa akin 'to o ihabilin mamayang gabi sa bistro.

["Good Morning po boss! Ano po ang maipaglilingkod ko?"] tanong ko agad. Ang galing no? Wala man lang akong sinabing "hi" or "hello, boss kamusta?"

["Asan ka ngayon Daniella?"] sabi ni boss sa kabilang linya. That's odd? Parang nanay lang kung makatanong ah?

["Asa school ko po? Bakit?"] sagot ko naman.

["What a liar. Ang ayoko sa lahat yung pinagsisinungalingan ako eh."] sabi naman niya. Huh? Ako sinungaling? Ano bang sinabi ko sa kanya? Eh totoo namang nasa campus ako ng Meindra ah?

["Eh, totoo naman pong nasa campus ako ngayon eh. Kailan pa ba ako nagsinungaling sa inyo?"] pagkukumbinsi ko sa kanya.

["I don't wanna here your explanation. Starting today, you are FIRED miss Guevarra from your job."] sabi niya. H-ha? Tama ba ang rinig ko? Tanggal na ako sa trabaho?

["Hala ma'am bakit naman po? ang ganda naman ng working performance ko sa bistro ah? Bakit tanggal ako agad?] tanong ko naman. Lord, tell me hindi ito nangyayari sa akin! Please...

["Ang ayoko sa lahat, nilalandi ang Louie ko, at nagawa mo pa siyang mairap-irapan? I can see you from here you know. So don't bother act like an innocent kitten. Kaya naman pala halos ipagtabuyan na ako ng Louie ko, ng dahil lang pala sa'yo you little ---"] okay, binabaan ko na siya! Nakakainis. Maling akala talaga yung boss kung yun. Tell me? Magkamukha ba akmi ng Bff ko? Eh ang alam ko si Gina ang napagkakamalan nilang kamukha ni Sam? PEro ako? Hmpft! Bahala siya diyan! Edi tanggal ka na kung tanggal! bakit? Siya lang ba ang nag-iisang may-ari ng bsitro sa siyudad?

*End of Flashback

Andito ako ngayon sa room, at nakatingin lang sa labas ng bintana. Buti na lang, kahit isang subject lang, hindi ko katabi si "master" Sly, pero katapat ko naman. Bale siya ang nasa harapan ko, at ako, you know nasa likuran niya. Hindi ko pinapakinggan ang discussion ng prof ko dahil abala ako sa pag-iisip. Saan ba kamo? Ano na lang sasabihin ko kay Kuya Nathan, na "Hi kuya! Nga pala tanggal na ako sa trabaho kasi akala ng boss ko nakikipaglandian ako dun sa lalaking self-proclaim niya na bf niya dati," ganun ba? hay kainis naman. 

"Hey slave, what the hell are you doing?" tanong sa akin ni "master" SLY. Huh? Ano nga ba ang ginagawa ko?

"Ah eh, nagde-daydream?" sagot ko. 

"Are you daydreaming about your pretty handsome master?" bulong niya while wearing his very infamous grin. What the Heck?! Ang yabang! Nung nagpasabog yata si Lord ng kayabangan sa mundo, mostly, siya ang nakakuha noon! Pero teka,

"Naintindihan mo ba sinabi ko? Eh tagalog yun ah?!" sigaw ko pero siyempre, yung kaming dalawa lang yung makakarinig.

"Even though i'm not fund of talking in the native and usual language of Filipinos, still i can understand you. What do you think of me? Some kind of D*mb@ss alien?" sabi niya. Now na mention na yun, tingin ko sa kanya ay isang stupid and arrogant guy.

Mr.Arrogant Gangster King Meets His Ms.UnstoppableDonde viven las historias. Descúbrelo ahora