Chapter 36 -- Let The Flames Begin

Magsimula sa umpisa
                                    

Biglang lumungkot ang mukha ni Helaena. "Masaya na nga sana, Cahli. Kaso may isa pang problema."


Napatitig si Cahli sa kaibigan at hinihintay ang mga kasunod na sasabihin nito.


"Si Mr. Lorenzo Samaniego. Ang Ama ni Brylle. Gagawin niya lahat, mag hiwalay lang kami ng anak niya."


"Edi lumaban ka, girl."


"Lumalaban ako, kung alam mo lang. Hindi ko lang alam kung ano pa ang mga hakbang niya para maging miserable ang buhay ko. Para layuan ko na si Brylle. It seems like I'm walking on shattered glasses, barefoot with a blindfold." Sabay buntong hininga sa naisip niyang 'yon.


Habang nag lalakad sila sa hallway ay pinag titinginan ng mga estudyanteng nadadaanan nila si Helaena at nag bubulung bulungan pa.


"O, ano'ng problema ng mga 'to?" Pansin ni Cahli sa mga estudyanteng naka tingin sa kanila, kay Helaena rather.


"May mali ba sa'tin?" Tanong ni Helaena.


Napa kibit balikat lang si Cahli sa tanong ng kaibigan.


Nang madaanan nila ang kumpulan ng mga estudyante at lahat sila naka tingin sa bulletin board. Nang mapansin nila si Helaena ay isa isa silang tumabi palayo sa bulletin board na para bang binibigyan ng daan si Helaena papunta dito.


"Ayan na siya." Bulong ng isang estudyante. Pero narinig parin 'yon nina Helaena.


Nagulat nalang sina Helaena at Cahli nang makita kung ano ang naka lagay sa bulletin board. Lumapit sila at tinignan isa isa ang mga naka dikit na larawan ni Helaena na nakalagay sa isang bond paper at nakadikit sa board. Bawat isang bond paper ay may letrato niya at may isang word na nakasulat...


Slut

Whore

Gold digger

Famewhore

Hooker


Hindi maka galaw si Helaena sa kanyang kinatatayuan. Napanganga siya sa mga nakikita. Isa isa niyang tinignan ang mga 'to. Hindi niya alam ang mararamdaman. Magagalit ba siya o maiiyak?


Halos lahat ng estudyanteng nandoon ay nakatingin sa kanya at nag bubulungan.


Kinuha ni Helaena ang isang bond paper at pinagmasdan ito.


Ilang sandali pa at inagaw ni Cahli ang bond paper sa kanya. "This is is absurd!" Galit na sabi nito. Isa isa niyang kinuha ang mga bond paper sa bulletin board. "Kung sino man ang may gawa nito, humanda siya kay Brylle." Pagpapatuloy pa nito. "May inggit lang sa'yo ang gumawa niyan. At ang duwag niya, huh! Bakit hindi siya magpakita ngayon at harapin ka?"


"Cahli, hayaan mo na." Mahinang sabi ni Helaena.


"Hindi, Helaena. Hindi mo pwedeng hayaan lang ito. Kapag pinalampas mo 'to, uulit ulitin lang niya ang kawalang hiyang ito sa'yo." Pagkatapos alisin ni Cahli ang mga bond papers ay hinarap niya ang mga estudyanteng nandoon. "Kayo? Kung wala kayong magandang sasabihin at mag tsi-tsismisan lang kayo diyan, umalis na kayo. Hindi artista ang kaibigan ko para sa mga walang kwentang tsismis niyo."


"Cahli." Awat nitong si Helaena. "Wala akong pakialam kung ano man ang sabihin nila tungkol sa'kin, dahil alam ko naman sa sarili ko at ng mga taong nakakilala sa'kin na hindi ako masamang tao, hindi tulad ng iniisip ng ibang mga taong makikitid ang utak tulad ng may gawa niyan."


My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon