Nagulat ako nang biglang may umakbay sa akin. Pag tingala ko ay nakita ko si Kuya Beau.

"Let's go, Paige." aniya.

"Pero-"

"I said let's go." hindi pa ako tapos sa sasabihin ay nagsalita na si Kuya Beau at hinila na ko palabas.

Ayaw ko mang iwan si Kairon, wala, eh.

"Bakit ba ayaw mo pang umalis?" tanong ni Kuya habang naglalakad na kami.

"Hindi naman sa ganoon, Kuya. Ayaw ko lang na isipin ni Stephanie na kaya niya akong utos-utusan..." pagdadahilan ko.

"Ako naman na ang nagsabi." ani Kuya. "Anyways, tara. Kain tayo. I'll treat you."

Nagpatiyanod na lang ako kay Kuya Beau.

Hindi kami sa canteen nagpunta kung hindi sa isang restaurant malapit sa mall. Grabe, nalilimutan ko talaga na kakaibang school ito. As in lahat, narito.

Habang kumakain ay hindi ako makapag-enjoy ng lubusan. Paano ba naman kasi? Nakakainis! Bakit ba kailangang biglang lumitaw itong si Stephanie?

Sayang lang ang pagpipigil ko ng ihi!

"Jax called, nangangamusta. Hindi ka raw sumasagot ng tawag." ani Kuya.

Oh my gosh?

"Hala! Hindi ko na nacheck iyong phone ko. How's him? I miss him already!"

Nagkibit balikat lamang si Kuya. "Tawagan mo na lang siya."

Tumango tango ako. Sige, tatawagan ko na lang si Jax sa susunod. I miss my best friend!

Nakabalik na kami sa building ni Kuya. Sakto at naabutan namin ang ibang mga Flamma roon sa lobby. Hindi ko naman maiwasang hindi pansinin ang mga makabuluhang tingin nila.

What are those stares mean?

"Saan kayo nagpunta?" tanong no'ng isang babaeng Flamma. Mukha siyang mabait, pero mukha ring hindi niya ako gusto.

"Kumain lang kami, Thea." sagot ni Kuya.

Halos nalungkot iyong ekspresyon no'ng Thea sa sagot ni Kuya. Alam ko ito! Don't tell me she's jealous of us? May gusto ba siya sa Kuya ko?

Well, she's pretty! Pahaba ang mukha, kagaya roon sa isang sikat na artistang kilala ko. Matangos ang ilong at mapupula ang labi.

"Iniwan mo si Kai?" iyong isang Flamma naman ang nagsalita. Nakabaling siya sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang madalas na nakikita kong kasama ni Kairon.

"Stephanie is with him, Shawn." utas ni Kuya.

Napailing na lang iyong Shawn at umalis na. Si Kuya naman ay hinatak na ako papasok sa elevator.

"Pumasok ka na bukas. Hindi pwedeng hindi... Kung may sakit pa rin si Gonzalez, tumawag ka sa clinic for assistance." bilin ni Kuya.

"Opo," sagot ko sa kapatid kong minsan ay parang tatay ko na talaga.

Natawa si Kuya. He spread his arms and locked me in a one tight hug. Niyakap ko naman pabalik si Kuya at nagsway-sway kami na parang mga bata.

Garnet Academy: School of ElitesWhere stories live. Discover now