Chapter 13: Forever is just a word

Magsimula sa umpisa
                                    

Nasa No Name ako ngayon. Umiinom. Nagpaparty. Nangchichicks.

Sa aming apat ako lang ata ang maswerte ngayon. Ako lang nakakapagsaya. Si Ice at Josh, ayun, gumagawang research paper. Ang demanding naman kasi ng leader nila. Si Ken naman gumagawa rin ng research paper pero dahil sa siya ang leader namin at grade conscious siya, inako na niya lahat. Wala raw kasi siyang tiwala sa magiging result ng research paper if may gagawang iba bukod sa kanya. Hindi ko nga alam kung mabwibwisit ako dahil sa wala siyang tiwalang kaya namin gumawa nu'n o kaya naman ay matutuwa kasi dahil sa pag-ako niya ng lahat ng gagawin ay nakakapagparty ako ngayon.

I guess I'll go for the second one.


"Xander." Napatingin ako kay Manager Ry at tinanguan siya nang tawagin niya ako. "Huwag niyo masyadong apihin o seryosohin ang laban niyo ng apat. They may look tough outside pero anong malay natin."

"Are you their dad or something?" pabiro kong tanong sa kanya. Sinamaan niya lang ako ng tingin kaya tinaas ko na lang kamay as if I'm surrendering. "Okay. Okay. Pero Manager, I can't promise you that. Kung nakita mo lang 'yung action scene noong nakaraan sa canteen malamang sa kanila mo 'yan sasabihin at hindi sa amin."

Napabuntong hininga siya at sinabi ko at umiling, "Paano ko ba kayo mapagbabati, mga bata kayo? Baka magmukha na akong matanda dahil sa inyo." Ayun lang at nagwalk out na siya.

Totoo naman kasi ang sinabi ko. Kakaiba 'yung apat na 'yun. Ang lalakas. Pero hindi lang naman kami nakalaban sa kanila kasi nabigla kami sa mga pangyayari. Sa itsyura nilang 'yun hindi mo iisipin na kaya nilang makipaglaban. Akala mo puro pagpapaganda lang ang alam. Baka kamag-anak nila si Pacquiao? Tapos tito nila si Jackie Chan.

Pero kahit na ba. They're really good. I find them interesting. Sila lang ulit naglakas loob labanan kami. Sisiguraduhin kong pagsisisihan nila ang paglaban sa amin. Lalo na 'yang si Yannie. Siya pa lang nangreject sa akin. Ako na nga nag-offer, ako pa nireject. Siya nga lang tinatawag kong sweetie kaya dapat matouch siya. Babe tawag ko sa mga babae ko, ano. Pero ngayon kahit maghabol siya, hindi ko siya papatulan. Bahala siyang maglaway sa akin.


Natigil ako sa pagdedaydream nang may maramdaman akong humahalik sa leeg ko. Nangiti na lang ako sa kanya. Hinarap naman nung isang babae ang mukha ko sa kanya at hinalikan ako. We just keep on making out nang nadilat ako at nahagip ng mata ko ang isang babae. Amazonang babae. Si Yannie. I ended the kiss.

"Wait, babes. May gagawin lang ako," sabi ko sa dalawang babae na hindi ko alam ang pangalan.

Palapit na ako kay Yannie na mag-isang nakaupo sa stool sa may bar at umiinom nang may lalaking nauna sa akin makapunta doon.

"Hi, miss. Mag-isa ka ata? Want me to join you?" Narinig kong tanong ng lalaki kay Yannie.

Hmm. Ano kaya sasabihin nito?

"Yeah. Sure." Woah? Pumayag? Nakakasakit naman sa ego ko 'yan. Mas gwapo ako sa lalaki pero ako nireject. Tapos 'yung lalaki hindi. Malabo ata mata niya. Sagwa ng taste.

"Thanks. So..." Umupo 'yung lalaki sa tabi niya. Tumalikod na ako para balikan ang mga babae ko since mukhang hindi ko mabwibwisit ngayon si Yannie nang marinig ko ang sinabi ni Yannie.

"Umalis ka dyan." Ano?

"Ha? Akala ko ba okay lang sa 'yo na samahan kita?" Nakakatawa ang itsyura ng lalaki. Naguguluhan na. Pero magulo naman talaga. May problema siguro sa pag-iisip si Yannie.

"Oo nga. But I'm not yet drunk kaya kung pwede umalis ka muna. Balikan mo na lang ako kapag lasing na ako."

Nakakunot noo namang umalis ang lalaki. Sus! Maski ako aalis kapag ganun. Maganda nga ang kausap mo pero para namang may sapak sa ulo.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon