Prologue

0 0 0
                                    


Faye Dimacali POV***

"Di ka ba napapagod Faye?" Tanong sa akin ni Dennise.

"Bakit mo naman naitanong iyan? Malamang napapagod ako, tao rin kaya ako..."

"Yun na nga... Di mo ba naisipang sumuko ni minsan. K-kasi tingnan mo, ganyan buhay mo! Wala ka ng mga magulang, namatay kapatid mo dahil sa sakit... Yung boyfriend mo loko-loko! Tapos nagta-trabaho ka para makapag-aral, dahil doon halos wala ka ng tulog. Tapos, may sakit ka pa sa puso... Diba parang nakakapanghina naman?? Baka lalong grumabi kalagayan mooo.."

"Dennise... Hangga't kaya ko, lalaban ako... Dahil sa mga pagsubok na iyan naging matatag ako at matibay kaya huwag kang mag-alala okay?" Tinanggal ko na yung suot kong apron at itinabi iyon sa locker ko. "Una na ako, baka malate pa ako sa klase ko ehh..."

"Sige mag-iingat ka Faye..." Paalam namin sa isa't-isa.

Pumara ako ng jeep daretso sa school namin nang makalabas ako sa coffee shop na pinagta-trabahuan ko. Napag-isip-isip ko naman yung mga sinabi ni Dennise sa akin...

Tama lahat ng sinabi nya... Nakakapagod nga siguro ang sitwasyon ko, na kahit sinong lumugar sa lugar ko ay siguradong mahihirapan lang din at baka sumuko. Pero iba ako, may pangarap ako sa buhay at gusto kong matupad lahat ng pangako ko sa mga magulang ko bago sila mawala.

Pagkadating ko sa school namin, nakasabayan kong pumasok sa room si Jaime, binati nya ako ng nakangiti.

"Hi Faye! Kamusta??"

"Okay lang naman.." Ngiti ko sa kanya, tapos bigla syang sumimangot.

"Okay.." Tapos naupo na sya sa upuan nya.. ?___? Anyare?

"Insecure na bata..." Narinig kong bulong ni Loise sa likod ko.

"Ano?"

"Si Jaime..." She whispered again. "Insecure sa iyo kaya sumimangot sya nung ngumiti ka... Hindi kasi nya matanggap na mas maganda ka sa kanya... Ahaha"

"Hindi naman siguro.."

"Ahaha, nakita pala kita kagabi!"

"Ohh? Saan?"

"Sa coffee shop ng tita ko, doon ka pala nagta-trabaho?"

"Ahhh... Oo ehhh, tita mo pala may-ari?"

"Diba may sakit ka sa puso??"

"Meron nga, pero... Kailangan kong magtrabaho ehh.." Napayuko kong tugon.

"Oo nga pala... Ulilang lubos kana... Gusto mo bang kausapin ko si tita na i-scholar ka na?"

"Ayy! Ano ka ba Loise wag na... Nakakahiya naman..."

"Ano ka ba, okay lang iyan... Tulong narin sa iyo... Baka kung ano pa mangyari sa iyo eh. "

"Okay lang naman ako ehhh, kaya ko naman."

"Ahh kaya pala nung dati inatake ka ng sakit mo na halos magkagulo buong school kasi hindi nila alam nangyayari sa iyo." Napakamot ako sa ulo ko nun. "Kaya hayaan mo akong tulungan ka okay?..."

"B-bahala ka sige... salamat."

Fastforward

"Faye! Sabay na tayo?" Tanong sa akin ni Loise, dismissal time na kasi at balak kong makipagkita kay Vince...boyfriend ko.

"Iba daan ko eh Loise... Magkikita kasi kami ng boyfriend ko."

"Ganun ba ... O sige mauna na ako." Ngiti nya at umalis, kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Vince pero cannot be reach cellphone nya kaya napagpasyahan kong puntahan nalang siya sa apartment na inuupahan nya.

Pagdating doon, tahimik lang akong pumasok sa loob. Wala ng katok-katok kasi kilala naman ako dito as his girlfriend, isusurprise ko sana sya kasi anniversary namin ngayon ^___^

Nung nasa sala na ako, may narinig akong boses ng babae sa kwarto nya...

Natigilan ako sandali at nagdalawang isip na pumasok doon dahil natatakot akong malaman kung sino yung babaeng yun... Bigla na lang akong kinabahan, sumisikip na yung dibdib ko.

I step forward sa door ng room ni Vince and touched the knob...

"Ahaha! Ano ba Vince!! Wag dyan!..." Sigaw ulit ng babae sa loob...

Bago ko pa man mabuksan ang pinto, may mga luha ng nagbabadyang tumulo sa mga mata ko... I saw this girl wearing a long sleeve white polo na pagmamay-ari ng boyfriend ko habang nakayakap sakanya si Vince at topless...

And again... I felt my heart broke into pieces. Felt the same feeling before, that I felt when my parent's passed away and my little sister's died...

Natigil sila sa paghaharutan ng makita ako, napabitaw si Vince sa babae at halatang nabigla sa pag-dating ko...

"Faye... W-what are you doing here...?"

"I should be the one who's asking you... What are you doing ...?" Umiiyak kong tanong, napahawak ako sa dibdib ko dahil di ko yata kakayanin ang sakit na nararamdaman ko ngayon, lumapit ng wala sa oras si Vince sa akin at hinawakan ako sa wrist pero tinanggal ko iyon.

"Are you okay?"

"You think... I'm okay with what you've done???" Lumuluha kong tugon and gave him a hard slap on his face. "Happy Anniversary Vince... And I'm letting you go..." Ngiti ko sa kanya ng mapait.

Agad akong lumabas ng apartment nya at tumakbo sa daan, alam kong hindi makakabuti sa akin ang tumakbo pa pero hindi ko talaga kaya ang sakit! Dahil kung nanatili pa ako doon baka magcollapse na lang ako bigla sa harapan nila!

Nanlalabo na mga mata ko dahil narin siguro sa walang tigil kong pag-iyak, tumigil na ako sa pagtakbo at napahawak sa mga tuhod ko... Why life is so cruel??...

Tumingala ako sa langit at nakitang paulan na... Pati panahon dinadamayan ako. Umayos ako ng tayo at napahawak muli sa dibdib ko....

Ikamamatay ko yata ang sakit na nararamdaman ko ngayon... But... The hell, ano pa ba ang sense if itutuloy ko ang buhay ko???

Nag step ako sa highway, lilipat sana ako ng daan para makapara ng taxi. Pero nanghihina na talaga ako, mom,dad... Help me...

'BEEEEEEEEEEEEP'

'BOOOGSH...'

The Hardest Goodbye...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon