Chapter 1✓

18K 188 0
                                    

Velbet's  POV,

Sumandal ako sa pader sa loob ng banyo kahit na wala akung damit. Pinasadahan ko ng tingin ang katawan ko sa salamin. Wala akung saplot sa katawan, nasa bahay ko naman ako. At banyo ko to.

"Your'e driving me crazy my darling Ice." Natatawang wika ko. Yes! Alam niyo naman siguro na baliw ako kay Ice diba?

Aasa ako na kilala niyo na ako, kung hindi naman. Ako si Velbet Either a.k.a agent Heal ng TDR. And yes, I'm a killer. Hindi ko na alam kung ilan ang napatay ko.

Humarap ako sa shower at pumikit pagkatapos hinila ko ang bath towel ko at pinulupot ko sa katawan ko.

Naka tapis ako ng palabas ako ng banyo. Pupunta ako sa TDR ngayon. Kukurutin ko lang ang pisngi ni Volt.

At pagkatapos lalandiin ko na naman ang darling ko. Sino paba edi si Ice Taylor. Ang tigas kasi ng puso niya, naging si Saya at Grey na tsaka si Rain at Thunder pero ako? Heto, linalandi pa si Ice.

Nagsuot ako ng short at hanging na damit tsaka tennis. Inayos ko na din ang buhok ko at kinuha ang susi ng ducati ko. Tumakbo ako pababa ng hagdan ng makasalubong ko ang maids ko.

"Ma'am Vel, nasa baba po si Sir Ice." Wika ng katulong ko kaya napangiti ako.

"Kanina pa?" Tanong ko, himala pumunta si Ice dito. First time, mahal na niya kaya ako?

"Kakarating lang po, mukhang galit nga po." With that napasimangot na ako. Alam ko na ang pinunta niya dito.

"Sige, makakaalis kana." Wika ko at padabog na bumaba sa hagdan.

At tama nga siya, sa mukha palang ni Ice halata na galit na siya. Tsk, akala niya wala kaming pinagsamahan.

Alam naman ni Ice na sobrang mahal ko siya, handa akung makipagpatayan para sa kanya. Pero kahit na kaibigan hindi niya kayang ibigay sa akin. Hangin lang ako sa kanya, kaya nga nagpapapansin ako.

"Ang sweet naman ng darling ko binisita ako." Nakangiting bungad ko sa kanya at kinindatan pa ito. Pero siya poker face lang. Manhid!

"Don't darling me Velbet! Ano ang ginawa mo kay Pia!" Singhal nito sa akin. Sino daw? Oh mas tamang sabihin saan si Pia sa babaeng sinipa at sinabunutan.

"Sino sa kanila si Pia darling?" Malambing na tanong ko at lumapit sa kanya hanggang sa mahawakan ko ang kwelyo niya. Ang bango niya.

"Shit! Fuck Velbet! Ang sinabunutan mo kahapon!" Singhal nito sa akin at tinulak ako, pero dahil na training ako hindi ako natumba.

"Oh that bitch? Ang prostitute na yon pala si Pia? Girlfriend mo?" Tanong ko sa kanya, sanay na ako sa kanya. Pero syempre pinahihiwalay ko sila. Ako pa ba.

"She's not a prostitute Heal! Pwede ba tigilan mo na nga ako! Naging agent kapa na simpleng salita na tigilan mo na ako hindi mo pa makuha!" Singhal nito, malapit nalang at magwawala na siya. As if naman takot ako.

"Okay sabi mo eh. Masaya pa nga ako at naghiwalay kayo." Saad ko at naupo sa sofa. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya dahil sa sinabi ko.

Kung kaming dalawa lang halos kainin na niya ako, pero kapag kaharap namin ang kaibigan namin medyo okay siya sa akin. Kaya sanay na ako sa ugali niya. Ilang taon kuna siyang nilalandi.

"Bwesit! Tangina naman Velbet! Tigilan mo na nga ako!" Sigaw nito, pero ako kinagat ko lang ang susi ng ducati ko.

"I love you darling." Saad ko sa kanya at kinindatan ito, I really love him. Nakita ko na napahilamos ito at frustated na lumingon sa akin.

Nag flying kiss ako sa kanya at tumayo. Mabilis akung lumapit sa kanya at hinalikan siya sa labi pero mabilis lang.

"Tandaan mo Ice, akin ka lang." Bulong ko sa tenga niya at nilampasan ito. Ng makalabas ako ng bahay at nasa harap na ako ng ducati ko, doon na tumulo ang luha ko.

The Mafia's: Bed Warmer (Series3) COMPLETED IN DREAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon