Chapter 12: Laptop

Start from the beginning
                                    

Naistorbo lang ang panunood namin nang tumunog ang phone ni Ate Cass. Speaking of phone, wala ng battery ang phone ko at nakalimutan ko na manghiram ng charger sa kanila.

"Istorbo naman 'to. Nanunood ako dito," reklamo ni Ate Cass pero tumayo rin. "Maiwan ko muna kayong dalawa sandali. Sasagutin ko lang 'tong tawag ni Ry."

Wala pa man din 5 seconds magbuhat nang makaalis si Ate Cass ay bigla nang nilipat ni Ice ang channel at nilagay sa basketball. Ang bastos! 'Yung Phineas and Ferb ko!

"Hoy, ano ba?! Huwag mo ngang ilipat!" reklamo ko sa kanya.

"TV namin 'to kaya wala kang pakialam kung gusto ko ilipat ang channel nito," katwiran niya habang sobrang kumportable na nanunood ngayon.

"Bisita ako kaya sundin mo ang gusto ko!"

"Bahala ka sa buhay mo. Basta manunuod ako dito." Napakaantipatiko! Naiimbyerna na talaga ako sa impaktong 'to.

Tumayo ako at lumapit sa kanya para agawin ang remote pero bago ko pa makuha 'yun ay tumayo na siya sa sofa at tinaas ang kamay niyang may hawak sa remote.

"Akin na 'yan!" sigaw ko habang pilit kinukuha ang remote.

"Tumigil ka nga. Ano bang problema mo?! Alis! Para kang bata!"

"Ibigay mo muna sa akin 'yan!"

"Ayoko. Layas!"

Pilit ko pa rin inaabot ang remote pero mas matangkad siya sa akin at nakatungtong pa siya sa sofa kaya hindi ko makuha. Ah, sinusubok talaga ako nito ha. Sige.

Tumalon ako para makuha ang remote kaya lang pagtalon ko ay namali ang pagkakabagsak ng paa ko kaya bumabagsak ako... kasama si Ice. Bumagsak ako sa kanya. Well, at least siya lang ang nasaktan at hindi ako.


"Z...zoe?"

Napatingin ako sa tumawag sa akin.

Oh. Si Ayu pala. Bakit ganito mukha nito? Bakit parang gulat? Maski 'yung iba pala nandito na. Kaya lang bakit ang funny ng mga mukha nila? Mga hindi maipinta. Parang nakakita ng multo. Parang – teka...

Pakshet! Alam ko na! Nasa sahig pa rin pala kam ni Ice!

Mabilis pa sa alas quatro akong tumayo at pinagpag ang damit ko saka sila nginitian na parang walang nangyari.

"Uy, nandyan na pala kayo," kaway ko pa sa kanila. Wala nga lang ni isa ang nagbalik ng pagkaway ko.

"B... bakit.. bakit ganu'n ang pwesto niyo?" takang taka na tanong ni Sab.

"Kasi ano – "

"Kasi nainip siyang umupo sa sofa. Kaya naisip niyang itry 'yung ganung posisyon. 'Yung inabutan niyo kanina. Para raw masaya. Dahil sa mabait naman ako sa mga babae, pinagbigyan ko na. Nag-enjoy naman siya kaya ayun, hindi tumayo kaagad."

Sinasabi ng walanghiyang 'to?! Napakakapal ng mukha para gumawa ng kwento!

"Gago! Siraulo! Walang modo! Impakto! Gagawa ka pa ng kwento diyan hinayupak ka!" Sa sobrang inis ko ay siniko ko ang tiyan kaya ayun, bagsak na naman ang walanghiya. "Huwag kayong maniwala dyan. Inagaw ko lang 'yung remote. Tinalon ko kasi ayaw niyang ibigay. Namali landing ng paa ko kaya sa kanya ako naglanding." Maniwala kayo, please.

"Oh. Okay. We believe you," kibit balikat ni Sab. "Maniniwala na sana ako sa statement ni Ice kaya lang may sinabi pa siyang mabait siya sa mga babae. Dahil doon halata nang nagsisinungaling siya."

"Pero bakit nandito ka kila Ivan? Paano mo nalaman 'yung bahay nila? Nauna ka pa sa amin," tanong naman ng isa ko pang kagrupo habang si Josh ay walang pakialam na lumapit kay Ice at hinila siya papunta sa kusina dahil nagugutom daw siya.

Pinaliwanag ko naman kung paano ako napunta sa bahay nila Ice. Matapos kong magpaliwanag ay bumalik na si Ate Cass at Ash para ibigay ang pagkain namin kasunod si Ice at si Josh na my dala ng sarili niyang pagkain.


Nang makaayos na ay pinaliwanag na ni Ayu ang mga gagawin namin. At syempre, nagreklamo na kaagad si Josh. "Research paper lang 'to. Bakit ba kailangan pang magkita kita para gawin 'to? Sana tinext mo na lang sa amin kung ano gagawin. Daming kaartehan pang nalalaan."

"Para siguradong gagawa kayo. Malamang kasi hindi gawin ng iba ang nakatoka sa kanila. Lalo ka na. Halatang tamad ka. Walang uuwi hangga't hindi pa tapos 'yung gagwin nilang part. Try niyo lang tumakas at paniguradong wala kayong grade." Paninindak ni Ayu.

"Grade conscious masyado. Tsk," bulong ni Ice.

"Tatahimik ka ba dyan o wala kang grade?" Pagtataray ni Ayu sa kanya. Pagdating talaga sa grade sobrang seryoso ni Ayu.

Nagbukas na ng kanya kanyang laptop 'yung groupmates ko at pumwesto na para simulan ang part nila. "Laptop mo Zoe?" tanong ni Sab sa akin.

"Naiwan ko." Nakayuko kong sagot. Medyo mahina lang din kasi baka marinig ni Ayu. Sesermonan ako niyan panigurado.

"Ano?! Zoe naman! Paano ka gagawa kung wala kang laptop? Dami daming pwedeng iwanan ayun pa talaga?! Ano ka ba naman?!" sabi na nga ba. Manenermon talaga 'to. "Ice, pahiramin mo ng laptop 'to," utos niya kay Ice na kasalukuyang nagtatype sa iPad niya dahil tinatamad daw siyang ibaba ang laptop niya.

"At bakit ko papahiramin 'yan? Ayoko."

"Damot mo!" sigaw ko sa kanya.

"Talaga."

"Hoo! Nako, Ice. Baka naman ayaw mo lang na may matapos ako para hindi ako makauwi. Para nandito lang ako sa inyo. Hindi mo sinabi gusto mo palang nandito lang ako." Panunukso ko sa kanya. Baka sakaling effective at mabwisit at pahiramin ako ng laptop. Alam ko namang ayaw niya talagang nandito ako. Kaya kapag wala akong laptop, wala akong gawa. At kapag wala akong gawa, hindi ako makakauwi.

Napatigil si Ice sa pagtatype, tiningnan ako ng masama at saka sumigaw, "Ash! Magbaba ka nga ng laptop dito! Pahiram daw si Zoe!" Aha! Effective.

Mabilis namang dumating si Ashley at binigay sa akin ang laptop. Nagthank you lang ako at umakyat na ulit siya. Bubuksan ko na sana 'yun pero hindi natuloy nang biglang hablutin ni Ice ang laptop.

"Hoy, ano ba?!"

Hindi niya ako pinansin at umakyat lang sa taas nila. After ilang minutes ay bumaba na ulit siya na may dalang ibang laptop. Kay Ashley ata? Nilapag lang niya 'yun sa harap ko at bumalik na ulit sa pwesto niya para ituloy ang ginagawa niya.

Uhm... okay?

Teen Clash (Boys vs. Girls)Where stories live. Discover now