"Go Red!" sumigaw din siya at alam niyang nakarating iyon sa pandinig ni Red kaya natigilan ito. Naagaw tuloy kay Red ang bola. Napangiwi siya. Distraction ba siya? Sunod naman niyang tiningnan ang mga fangirl ni Red. Masama pa rin ang tingin sa kanya. Inirapan na lamang niya ang mga ito.

Napansin niyang wala pala siyang drinks na iaabot kay Red. May malapit na vendo naman sa labas ng gym kaya lumabas muna siya. Bumili siya ng Gatorade at tubig saka bumalik sa gym. Nang makarating siya sa loob ay agad siyang sinalubong ni Red.

"Saan ka galing?" Medyo nag aalala ang boses nito.

Napakunot ang noo ni Miah. "Bumili ng drinks." Saka naman bumuntong hininga si Red. Pero bago niya iabot kay Red ang drinks ay binuksan muna niya iyon para iinomin na lamang nito.

"Napapansin ko na parang ang weird mo ngayon." Sabi ni Red sabay tungga ng Gatorade.

Namilog ang mata ni Miah. "Ako?" sabay turo sa sarili. "I'm not Michaela."

Tumawa si Red. "I noticed that you are being so nice to me. Why? Siguro may ginawa kang kalokohan sa akin ano? Or may kasalanan ka? You lost my pen again?" humalakhak si Red.

"Yes. I lost your pen... again." Totoong nawala na naman niya ang ballpen nito na hiniram niya. Pero kahit papaano ay ginawa niya iyon panakip butas. Alangan naman aminin niya na gusto niyang sirain ang kaligayahan ng mga fangirl nito.

Gaya ng ginagawa sa kanya ni Red ay hinagpos na naman nito ang ulo niya at ginulo ng konti ang kanyang buhok.

"I don't care if you lost my pen a lot of times. Huwag lang ikaw ang mawala." He said.

"Ha?" hindi niya napakinig ang huling sinabi ni Red.

"Nothing. Mag i-start na ang second set."

Bumalik na si Miah sa kinauupuan niya kanina at iniisip pa rin kung ano iyong sinabi ni Red kanina. Medyo mahina kasi at napaka ingay pa sa loob ng gym.


NANG matapos ang practice game ay agad nilapitan ni Red si Miah sa pwesto nito.

"Nainip ka ba?" agad niyang tanong.

"Hindi."

Ikinangiti ni Red nang abutan siya ni Miah ng towel. Kinuha niya iyon at pinahid ang pawisang katawan.

"Let's go." Kinuha na niya ang mga gamit nila. Si Red na rin ang nagdala ng pink na bag ni Miah. Nakasanayan na niyang siya ang nagdadala ng gamit mga gamit ni Miah simula nang maging close sila. Pabor naman kay Miah. May alalay daw kuno ito. Ang sama talaga ng ugali ng witch na iyon.

"Kain muna tayo ng fishball." Nguso ni Miah san aka-bike na nagtitinda ng fishball, kwek-kwek at kalamares.

"Hindi naman healthy iyan." Kunot noo niyang kumento. Ayaw niyang pinapakain ng ganoon si Miah. Minsan, mapilit talaga ito kaya pati siya napapahataw din.

"Kung ayaw mo ako na lang. Bahala ka d'yan." Iniwan siya nito at lumapit sa vendor.

Napakamot sa ulo si Red. "Okay. Okay." Wala nang nagawa si Red kaya ang nangyari naka tig-bente ata sila ng kain ng streetfoods.

Naglalakad na sila nang may maalala si Red.

"Bakit nga pala naisipan mong manood ng practice game kanina?"

Tiningnan siya ni Miah ng makahulugan. "Hayst. Daming tanong. Nanonood kasi ako ng NBA at PBA minsan at medyo nagkainterest na ako sa basketball. Entertaining sport to watch. Kaya 'yon. Tsaka wala naman akong ginagawa sa bahay pagkauwi. So, manonood na lang ako."

Tumango-tango si Red. "Bukas, manonood ka ulit?" Sana... sana...

"Uh-huh."

Napasuntok sa hangin si Red. Pero alam niyang hindi iyon pansin ni Miah.

"Hindi ka ba nahihiyang dala-dala iyang bag ko?"

"Hindi."

"Type mo siguro ang bag ko?"

Sa sinabi ni Miah ay biglang natisod si Red.

"Ano kamo?! Baliw ka talagang babae ka. Ano'ng akala mo sa akin bakla?"

Humalakhak si Miah. "Ikaw naman masyado kang pikon."

"Oh," abot niya sa bag nito. "Ikaw na ang magdala." Sabay kamot niya sa batok dahil sa inis.

"Ito naman 'di na mabiro." Inirapan siya ni Miah.

Wala tuloy silang imikan papunta sa bahay ni Miah. Siya na ang nagbukas ng gate at inabot kay Miah ang ilang gamit nito.

"See you tomorrow. Kaylangan ko ngayon mag-duty sa coffee shop."

"Okay." Iyon lang at pumasok na si Miah sa bahay nito.

Napailing siya. Sa tagal na nilang nagkakasama ni Miah, ang iniisip pala nito ay bakla siya.

"Nakakainis, ah. Hindi ako bakla." Sabay sipa ni Red sa latang nakakalat sa daan. "Ha! I'll prove to you that I'm not gay, witch!"

At bukas na bukas din mismo. Sa ngayon ay kaylangan muna niyang umuwi sa kanila para mag shower sunod ay bibisita siya sa coffee shop niya.


"JULIE, paano mo masasabi sa isang lalaki na hindi siya bakla." Tanong niya sa crew niyang si Julie nang wala na itong customer na kaylangang i-assist.

"Ano'ng klaseng tanong iyan, Sir?" natatawa si Julie dahil sa tanong niya.

"Just answer my question." Umiling siya at inayos ang pagkakasalansan ng mga tissue paper.

"Ano po kasi, Sir. Sa panahon ngayon, kahit na mukhang lalaking-lalaking tingnan ang isang lalaki, may doubt pa rin ang mga babae na baka bilat itong si Koya. Gan'on po iyon pag hindi niya kilala iyong tao."

Tumango-tango siya. "Kahit na palagi silang magkasama? Tamang pag-isipan pa rin na bakla?"

"Depende po, Sir. For example, madalas silang magkasama at sa dalas na iyon ay puro ka-feminine ang pinapakita... nako. Pag-iisipan talaga ni Ate Girl ang ganoong klaseng lalaki."

Siya? Feminine? Kaylan? Dahil lang sa hindi siya nahihiya na ipagdala si Miah ng pink na bag nito? Bakit nalalabuan siya sa logic ng witch na iyon?

Pero kung pinagiisipan talaga siya ng witch na iyon na bakla siya, siguro kaylangan mayroon siyang gawin.

"So, ano'ng tamang gawin para patunayan sa isang babae na hindi bakla ang isang lalaki?"

"Mostly sa napapanood ko, Sir... hinahalikan nila ang babae once na sinabihan sila ng bakla."

Halos mahulog sa kinauupuan si Red sa isinagot ni Julie.

No! He can't kiss Miah! Takot lang niya na masapak nito.

Umiling-iling siya. "Aside halikan ang babae, ano pa?" sumakit ang ulo ni Red sa mga pinagsasabi ni Julie.

"Maghubad ka Sir sa harap ni Ate Miah at pakita mo sa kanya 'yong dapat mong ipagmalaki!" Sabay halakhak ni Julie. Nanglaki naman ang mata ni Red.

"Bakit napasok sa usapan si Miah dito?!"

"Tigilan mo ako, Sir. Alam kong sarili mo ang tinutukoy mo." Binelatan siya ni Julie at takbong lumabas ng coffee shop dala ang gamit nito. Nang mapansin niya ang oras ay off na pala ng matabil na bibig na bata.

Maghubad daw sa harap ni Miah? He can do that. But the point na hahalikan niya ang witch na iyon, bigla siyang nangilabot.

"Okay, fine. I'll prove to you na hindi ako bakla."

Sabay hugas ni Red sa mga colorful na mug. Nabigla siya nang makita niya ang mga mug sa sink.

Just the GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon