Teka pala...dalawang oras nang wala si Uno. Hinihintay namin siya dito sa bar..asan na yun???

====================================





Si Eri:

"saan mo ba ako dadalhin??"

Nag-evil smile siya at binuhay na ang makina..

"Re-rapin kita!!!"

Npalunok ako sa sinabi niyang yun. loko to aaah! ioopen ko sana yung door kaso nilock niya at pinaharurot na yung sasakyan. Anak naman ng patatas oh! ambilis niya magpatakbo!!! Waaahhh.

After ng ilang minutong paglipad namin sa outer space ay nakadating nadin kami sa bahay ko?? lahat na lang ba sila alam ang bahay ko??? tsk...

"ito bahay mo?? Mas malaki pa dito yung banyo ko"

"ikaw na mayaman! Ikaw na!"

Inopen ko na yung door at bumaba na ako kaso andun si papa nakatingin sa akin..ay teka sa amin pala..bumaba din ng sasakyan si Uno.

Hala!! Lalapit si papa..waah..anong sasabihin ko???

===========================================









Si Uno:

Papalapit sa akin yung matandang naka wheelchair. Sama ng tingin ah. Problema nito??

"sino siya anak?"

At aba tinuro pa ako..bubugbugin ko talaga to!!! Pasalamat siya may awa ako kahit papano..

"Siya po si Uno papa.."

Tinignan ako from head to toe. Shit!! sisipain ko na to eeeh.

"ito?? Ito ang lalakeng nagpaputok diyan sa labi mo!?!?!? Aba! Anong ginagwa mo dito ha??? ano nanamang plano mong gawin sa anak ko??"

Katangahan ng anak niyo bakit siya nasuntok!!!

"hinatid niya ako dito papa.."

"sige. Una na ako.."

"pumasok ka sa loob. Kumain ka muna!!"

Sisipain ko talaga tong matandang to!!

"hindi na."

"halika na! Eri dalhin mo yan sa loob."

Tsk..maangas na matanda! No wonder yung anak niya ganyan din..tsk..

"pasok sa loob.."

"ayoko!!"

"bilis na! magagalit yung papa ko.."

Tsk...

==============================





Si Eri:

Kung makapanlait sa lugar namin wagas eeh noh. Kesyo mainit, maputik, amoy kanal, masikip, maliit yung bubong, puro kahoy..tsk..lechunin ko to eh!!

Tapos kanina may pa eew eew pa na nalalaman yun pala..ito hayup na hayup kumain ng gotto!

"isang bowl pa"

>.>"nakakaapat na bowl ka na! paninda namin yan!!"

"edi babayaran ko! sarap eeh!! dali na!!"

Inabot niya sa akin yung bowl niya at nilagyan ko ulit. Ayun kain na..tskk.adik to!!

Pero bigla akong natawa...

Mr. Perfect Gangster! (Complete)Where stories live. Discover now