32 - "TADHANA"

710 11 2
                                    

Hello! Sa wakas nakapag-update na rin ako after almost  a year ng ILYMB. Huhu. Sorry na po. Pero heto namotivate ulit ako ituloy ito dahil madami rin pa pala nagbabasa. Sana magustuhan niyo! Hihi!

Dedicated sa kanya. <3 Salamat sa pagbabasa! :*

--- Sase.

CHAPTER 32

-- "TADHANA" --

Yuri's POV

"Grabe ang cute cute naman ng kambal niyo. Ang taba taba pa." Tuwang-tuwa kong sabihin habang tinitignan ko yung kambal sa nursery ng hospital.

Hindi ko nga akalain na totoo na pala manganganak si Rose kagabi. Kasi naman maka-best actress wagas ehh.

Pinagalitan pa kami ni Haven na bakit daw ganun ganito.

Malay ba kasi naming apat di ba? =____=

"Oy. Huwag mo nga masyadong titigan yung mga anak ko, baka mausog."

"Ang sungit mo ever."

Kahit kelan talaga tong si Haven, hindi ko nga alam kung paano niya nabuntis si Rose ehh.

Oooops. Haha! Masyado na yata private yung nasa isip ko.

"Bakit ka natawa mag-isa dyan?"

"Mind your own business, Havs."

Wala ng umimik sa amin hanggang sa nagsalita ulit itong lalaking katabi ko, "Ready ka na ba pumunta ng Paris?"

"Ready talaga? Oo naman. Client namin yun kaya dapat lagi akong ready. Patawa ka."

"Hindi naman kasi yun."

"Huh?" Ano ba sinasabi nito? Kaya ayoko kausap to eh, puro double meaning ang sinasabi, hindi ko nga alam kung san pinaglihi to ng nanay nya ehh. Ang weird.

Ready? Baka naman nag-aalala lang sa akin to, medyo kilala ko na rin bituka nito, kunwari lang walang pakialam lagi sa amin.

I Love You, Mr. Broken (On-going)Where stories live. Discover now