IX- Freezing Confidence (Part One)

Start from the beginning
                                    

"Enough with your jokes na kasi," pagtataray muli ni Cassy sabay hampas ng ulo sa kawawang nilalang.

Nasa tabi kami ng rebulto na hinuha ko ay iyon ang founder ng Raphaelio nang mapansin namin na may kausap si Joenell na isang babae. Mukhang nagsisimula nang bumanat ang isang 'to.

"Hi, Miss, from Raphaelio ka ba?" tanong niya sa babae. Kung tutuusin, napakaganda at napakaaliwalas ng kaniyang mukha, isama pa ang balingkinitan nitong katawan. Aba! Naka-iskor na nga ang aming katoto!

"Yes po, bakit?" Iyon nga lang at may pagka-mataray ito habang sumasagot sa tanong ni Joenell. At doon nagsimulang gumuhit ng isang nakakalokong ngisi nito. Kung pupuwede lang sigurong ikaila naming kasama namin ang isang 'to.

"In fairness, ha..." Medyo presko ang pagkakasambit niya noon. "Ang laki ng ano mo..." Pansin pa nga namin ang pasimple niyang pagtingin sa kaniyang hinaharap, kaya nagsimula nang mamula sa inis 'yong babae.

"...Ang laki ng school mo." At matapos noon ay inirapan na lang siya nito at saka umalis. Kawawang Joenell.

"Nakakahiya ka talaga, Joenell!" komento ni Cassy pag-alis noong babae. Naroon din 'yong pagkarindi sa pananalita niya.

"Bruh, okay lang iyan! There are plenty of fish in the sea." At nag-comfort naman itong si Joenell na mukhang iiyak na sa ka-drama-han.

"Eh, sa lahat ng isda, siya lang ang katangi-tanging sirena..." Aba't nagawa pang mag-monologo ng isang 'to kahit pinagtitinginan na siya ng ibang tao.

"Baka naman kasi siyokoy ang destined para sa iyo," sambit ko naman sa kaniya. Kita mo nga naman, kinakabahan na, nagawa pang magbiro ng isa riyan.

"Guys, sunod na kayo sa barracks natin." At bigla na kaming tinawag ni Sir Lysandre.

"Anyways, kumusta ka na ngayon, Yoseff?" tanong na may kuryosidad ni Sir Lysandre sa akin habang naglalakad sa may corridor. At dahil doon, napabuntong-hininga na lang ulit ako.

"Kabado pa rin po, Sir. Hindi ko na po alam ang mangyayari sa akin ngayon." Hay... Bahala na talaga!

"Sus, huwag mo kami, Yoseff!" pagtutol ni Joenell sa mga sinabi ko habang tinatahak ang isa sa corridor ng paaralan. Nasa third building pa raw ang aming barracks. May nakatalagang barracks o mga classroom na inokupa sa bawat paaralang kasali sa Press Con.

"Alam naman naming mananalo ka ngayon sa Press Con!" segunda naman ni Cassy na maaliwalas pa sa sikat ng araw ang tono ng pananalita.

"See? Kahit sila ay may tiwala sa iyo? Para saan pa ba ang mga natutunan mo sa ilang weeks na training?" Sa ilang linggong iyon na puro pagpapahirap, hindi ko lubos aakalain na makaaabot pa ako rito. Kung may best pang natitira sa akin, baka iyon na muna ang aking gagamitin, manalo man o matalo.

At sumingit muli si Cassy: "Masu-survive natin 'to, 'di ba, Sir Lysandre?"

"We will. And hindi lang survival, we will be on top. Kaya good luck... Sa ating lahat." Positibo ang tugon na iyon ni Sir Lysandre. Malaki ang tiwala niya sa bawat isa sa amin... Kaya napagtanto ko ring hindi ito ang oras para magmukmok na lamang.

Ngunit habang naglalakad malapit sa third building, may umagaw ng atensiyon sa amin: "Lysandre!" pagbati niya sa aming EIC.

"Oh, Hamilton! It's nice to see you again." May katangkaran ito, moreno, at chinito. Mag-aaral din ito sa Raphaelio dahil ang badge ng logo ng paaralan ang nakalagay sa uniporme nito. Nakipagkamay rin ito kay Sir Lysandre.

Kung titingnan, waring matagal nang magkakilala ang dalawa, at napakalalim na ng pinagsamahan.

"Kumusta na rin sa isa sa mga bagong EIC ng The Graphophiles' Joint? Umaasenso na tayo ngayon, ah!"

"Actually, hindi kami sabay na pumunta rito. So maybe nasa barracks na siya."

Kung titingnan, kaming tatlo ay para nang mga anak, si Sir Lysandre ang nanay, at si Hamilton naman ang kumareng na nakitang muli sa isang mall. Eh, sa haba ng diskusiyon nila ay halos mabagot na kami.

"Guys, oo nga pala, meet Hamilton Enriquez. He's the editor-in-chief of Beyond Horizon na school paper publication ng Raphaelio Colleges." At ipinakilala nga kami ni Sir Lysandre, kita naman namin ang aliwalas sa mukha ni Sir Hamilton.

"Oh, sila ang mga future editorial staff ng Joint? It's nice to meet every one of you." Bigla naman akong inubo sa sinabi niyang iyon habang nakikipagkamay sa amin. Future editorial staff... Napakalabo naman iyon. Mukhang imposible.

Si Sir Hamilton din ang siyang nag-assist sa amin patungo sa aming barracks. At habang tinatahak namin ang daan patungo sa third building ay napadalas ang pagkukuwento noong dalawa. Doon ko napagtantong malaki rin pala itong Raphaelio at nakakaligaw rin. Magaganda rin ang mga pasilidad at estruktura ng mga gusali, ngunit 'di hamak na mas malaki pa rin ang USF (kung maze na nga ang mga daan ng Raphaelio Colleges, mas nakalilitong labyrinth naman ang sa USF).

"And... We're here!" Hindi namin namalayang narating na namin ang barracks na nasa bandang ikalawang palapag ng Baltazar building. Bale dalawang classroom ang inookupa ng bawat representative na paaralan. Pagpasok sa loob ay bumungad na sa amin ang iba sa aming mga kasamahan na abala sa kani-kanilang mga gawain. Nakadikit din ang mga silya sa mga sulok ng silid-aralan. May nakasulat pa nga sa pisara na malaking calligraphy na ginamitan ng chalk. At ang nakasulat dito ay:

"GOOD LUCK, CAMPUS JOURNALISTS AND GOD BLESS!

From: 9-St. Rose of Lima"

At iyon nga... Nagsisimula pa lang ang giyerang susuungin ko. Mapagtatagumpayan ko kaya ito?

See next page...

The Graphophiles' Joint | Volume OneWhere stories live. Discover now