"Mabuti nagpagupit ka?" He started the conversation tapos umusog pa ng konti sakin. Sobrang dikit na tuloy kami.


Sarap lang sagutin na "NAGPAGUPIT AKO PARA MAKAMOVE ON AKO SAYONG GAGO KA!"


"Wala naman. For a change." Tipid kong sagot atsaka nginitian sya.


"Wala ka ba sa mood?? Inaantok ka?" Sunod sunod nyang tanong.


Ayan nanaman sya sa mga ganyan nya!


Urgh!


Elai wag kang magpapadala!!


"No I'm fine." Sagot ko.


"Are you sure?" Tanong pa nya.


As if he really care huh?


"Yes Glenn. I'm totally fine." Sarcastic at may hugot kong sagot.


He just looked at me then smiled.


Naramdaman ko nalang na pilit nyang kinukuha yung kaliwang kamay ko.


Tinitigan ko sya at sinamaan ng tingin sabay bawi ng kamay ko sa pagkakahawak nya.


Ano bang ginagawa nya?!


"Glenn, kamusta naman pala kayo nung girlfriend mo?" Biglang tanong sakanya ni Aly.


"Wala na kami." Malamig nyang sagot.


So I get it. Kaya naman pala ganito nanaman sya sakin kasi wala syang girlfriend. Psh!


Something stung in my heart.


Putangina ang sakit lang masampal ni reality.


Isinandal nya yung ulo nya sa balikat ko at inaamoy amoy yung pabango ko.


"Ano bang ginagawa mo?? Can you just stop?!" Pabulong pero gigil kong suway sakanya.


"I missed you. Please let me sleep in your arms." Inaantok nyang sabi.


Ano?? Sakin nanaman sya babalik kapag iniwan sya nung taong mahal nya?


Ako lalandiin nya kapag wala na syang choice. Shit lang.


Napangiti ako ng mapait.


Naluluha narin yung mga mata ko.


Hinayaan ko nalang syang makatulog at hindi na muling umimik pa hanggang sa makadating kami sa pupuntahan namin.

Bestfriends (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora