Chapter 42 √

492 35 10
                                    

Yuan Eduardo:

Good morning.

Napanguso ako nang mabasa ang text n'ya. Nakakapanibago lang na bumungad sa 'kin ang text n'ya. Ilang buwan na rin kasi nang huli akong makatanggap ng text sa kanya except syempre 'yung sa kagabi.

It's too early yet gising na gising na ang mga butterflies sa stomach ko. Geez. I think I'm going to eat cheese for breakfast!

Me:

Morning, too.

Hindi ba parang ang cold ng reply ko? Hay! 'Di bale na nga.

Pero nakatapos na akong mag-almusal at lahat, there's still no reply from him. Para tuloy may gumuho sa kalooban ko.

"Kisses?"

Napalingon ako kay Ate Karen nang tawagin n'ya ako.

"Yes, ate?"

"Naghihintay na 'yung boyfriend mo sa labas." Anunsyo nya na halos ikatumba ko.

"Boyfriend po?" Imagine how surprised I am! "Si Yuan?"

She frowned. "May iba pa ba?"

Alanganin akong tumawa. "Di ko pa siya boyfriend, ate."

Napatawa na rin siya. "Nandun s'ya sa may labas. Pinapapasok ko nga pero tinanong lang n'ya kung nandito ba sila Ma'am at Sir. Nung nalaman na wala eh 'wag na daw, hihintayin ka na lang daw n'ya dun." Mahaba n'yang explanation.

"Ate, you're joking, right?"

Nagtataka na naman siyang tumingin sa 'kin, "Huh? Bakit naman ako magbibiro?"

Napasinghap ako at nagkukumahog na pumunta sa kwarto ko para kunin na ang bag ko. Ni hindi ko na na-check kung ano ba ang itsura ko.

I'm not excited to see him, okay? Nahihiya lang talaga akong paghintayin siya!

Yeah right, Kisses.

Geez. Tingin ko malapit na talaga akong mabaliw!

Napahinto ako nang matanaw ang sasakyan niya sa labas ng gate namin. Hingang malalim, Kisses. Wooh!

Agad siyang lumabas nang mamataan ako. He looks serious even when he offered me a small smile.

"Hi." Bati niya.

"Uh, hi. Bakit ka nga pala nandito?" Naiilang na tanong ko. Here he is again with his intense stare. Gosh!

"Gusto lang sana kitang makasabay papuntang school."

Bahagya akong natigilan. The last time na nangyari 'to, he ended up hurting me.

"You sure?" Seryoso kong tanong. Halata ang pagkalito sa mukha niya. Iniwas ko ang tingin ko. "Baka kasi mamaya, you're acting like that tapos biglang magbabago na naman ang ihip ng hangin. You'll turn cold again."

Napasinghap ako nang maramdaman ang mainit niyang kamay na dahan-dahang bumalot sa kamay ko.

"I'm sorry." He whispered. "Let's go?" Masuyo niyang sabi na halos ikalusaw ko.

How dare he to make me follow his commands?! How dare he to have that effect on me?

How dare you, self, for letting him have that effect on you.

Tahimik akong sumakay sa kotse n'ya. Familiar feeling. Familiar scent. It's suffocating yet very refreshing.

"What's your plan for today?"

Their Kind of Love | √Where stories live. Discover now