Chapter 28 √

900 67 10
                                    

[Kisses']

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang paglapat ng isang kamay sa noo ko. I slowly opened my eyes at bumungad sa 'kin ang nag-aalalang mukha ni Mommy.

"How are you, anak?" She asked me.

I actually feel better. Though I still feel heavy and my head's still aching, mas umayos pa rin ang pakiramdam ko. Unlike kanina na sobrang nilalamig ako at nakatulugan ko na lang ang pananakit ng katawan ko.

Bahagya akong napaubo. Napangiwi ako nang parang kidlat na kumirot ang ulo ko.

"Hija?" My mom called me worriedly.

Bahagya akong ngumiti sa kanya. "I'm fine, Mom." Sabi ko, paos ang boses. "Headache lang pero mawawala rin 'to. Don't worry."

"Doctor Domingo went here kanina. He checked up on you. You need to drink your vitamins, hija!" She sat beside me and held my hand. "I'm sorry, sweetheart, for being an irresponsible mother." Sabi niya, mangiyak-ngiyak. "Ni hindi ko man lang napansin that you're losing weight and you looked stressed!"

Bahagya akong natawa kay mommy. Madrama talaga siya minsan!

I smiled at her warmly, "You know you're the best Mom in the whole world, right?"

Her face softened as she caressed my cheek, "And you're the best daughter in the whole universe." Masuyong hinawakan ni Mommy ang kamay ko. "I know it's not that easy to become an only child. Madalas, we're so strict on you. But please don't pressure yourself, huh? We're always proud of you." Malambing niyang sabi. "And I know that Candy's so proud of you, too."

My eyes glistened with tears. I always do my best in everything I do para mapasaya ang parents ko at para maging proud sila sa 'kin. Nag-aaral ako ng mabuti at laging sinusunod ang mga sinasabi nila. I want them to feel that I am enough. Hindi ko sinusubukang alisin ang pangungulila nila sa namatay kong kapatid na si Candy. I love Candy so much at 'yong mga panahong kasama ko siya are the best moments of my life. But I know that Candy wants us to be happy that's why I do everything to make my parents happy - because I know that it'll make Candy happy, too.

I reached for my mom and hugged her. "Thank you, Mom. I love you and Dad. And I missed Candy so much." I croaked.

She gently rubbed my back and kissed the side of my temple, "We missed her, too. But you know that Candy wants us to be happy right? And I'm sure she wants you to stay healthy, too. So please, sweetheart, take care of yourself, okay?"

"I will, mom." I said with a smile.

Bumitiw sa pagkakayakap sakin si Mommy at magiliw na ngumiti. "I'll go downstairs muna. Kukunin ko lang ang breakfast mo, ha?"

I smiled and nodded. She kissed me on my cheeks first bago lumabas ng kwarto ko. I sighed nang mapag-isa ako. I reached for my phone and went to my gallery. I searched for our picture. Kahit blurred ang litrato naming dalawa, malinaw pa rin ang sayang naramdaman ko nong mga sandaling 'yon. I'm longing for him. I missed him so much. How I wish to be with him right now...

But if he's really happy right now, kahit pa ibang babae ang dahilan ng kasiyahan niya, then I'm happy for him. It hurts me but what important is that he's happy. Makakamove on din naman siguro ako sa sakit na nararamdaman ko. Mawawala rin 'tong nararamdaman ko para sa kanya. Not because I'm hurting right now will mean that I want to hurt him, too. No. I don't want to be selfish. Lalo na sa kanya. Ayokong magdulot ng sakit sa kanya.

Yeah, Kisses. That's life. Learn to accept and move on. Iiyak mo lang ng iiyak ngayon. Lilipas din yan.

Their Kind of Love | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon