Chapter 25 √

926 62 11
                                    

[Kisses']

Nagtataka akong tumingin kay ate Mary habang naglalakad kami papuntang main gate kasama si Allia. Allia is my new friend. She's taking BSIT and in the same year as me. In-approach niya ako kanina and she told me that she wanted to join our org. She's nice and fun to be with kaya agad ko siyang naging ka-close. But it seems that ate Mary's not comfortable having her around. Kanina pa siya tahimik while Allia's talking about random things nonstop.

"May susundo ba sa'yo?" Tanong sa 'kin ni Allia pagkarating namin sa main gate.

"Ah, oo." Nakangiti kong tugon.

"Oh, paano, mauna na ako?" Aniya.

Tumango naman ako at saka naman siya lumakad paalis. Pagkalayo ni Allia ay saka ako bumaling kay ate Mary. "Sorry, ate. Hindi kita masasabayan ngayon pauwi..."

Nakangiti niya akong inakbayan. "Alam ko naman. Excited na ako para sa inyo! Balitaan mo ko kaagad, huh?"

Napahawak ako sa may bandang puso ko at saka huminga ng malalim. "Hindi kaya parang ang bilis, ate?"

Napahawak siya sa kanyang bewang habang nag-iisip. "Tingin ko naman ay hindi. Hindi naman kasi mahalaga kung mabilis o mabagal ang mga pangyayari, eh. Ang mahalaga naman doon ay kung gaano katotoo ang feelings n'yo."

Napangiti ako sa kanyang sinabi. "Hindi ko nga alam, 'te Mary, kung kailan pa lumalim ng ganito 'yong feelings ko for him, eh. Kasi parang kailan lang, crush ko lang siya tapos biglang ganito! Ganoon siguro talaga kapag nagmamahal ka. Basta na lang nangyayari - hindi mo na namamalayan."

Natatawa naman niyang tinapik ang balikat ko. "Hindi ko alam na ganyan ka pala kalalim pagdating sa love, Kisses."

Napapanguso akong napangiti, "Ang cheesy ko na ba? Hay. Excited na kong bumuo ng mga happy memories with him. Tsaka makasama siya araw-araw... Haaaay..." Tila nangangarap kong sabi.

"Hay naku. Iba na talaga 'yan. Sige na, mauuna na ako. Hintayin mo na ang prinsipe mo." Napapailing na sabi ni 'te Mary.

Napabungisngis na lang ako at nagpaalam na sa kanya. Pagkaalis ni 'te Mary ay kinuha ko na ang cellphone ko. Napakunot-noo ako nang makitang wala pa rin akong natatanggap na mensahe mula sa kaniya. Ang alam ko, mas maaga ang tapos ng klase nila kesa sa amin. Wala rin naman silang football practice ngayon.

To: Superman

Hi. Dito na ko sa main gate. Hintayin kita. :)

4:43 pm

Humanap muna ako ng maayos na upuan at saka naghintay kay Yuan. I busied myself reading a book pero laging pumapasok sa isip ko si Yuan. Nagsisimula na akong mag-alala para sa kanya. I looked at my wristwatch - 5:19 pm.

Napatayo na ako sa pag-aalala at sinubukan siyang tawagan. Panay ring lang. He's not answering his phone! Wala naman akong number ng mga kaibigan - well, wala nga raw pala siyang tinuturing na kaibigan gaya ng sinabi niya sa 'kin dati - kahit teammates man lang niya sana.

To: Superman

Nag-aalala na ko. Asan ka ba? Pls answer my call...

5:34 pm

Sinubukan ko ulit siyang tawagan ngunit hindi niya pa rin sinasagot ng tawag ko!

Biglang nag-ring ang cellphone ko at agad ko 'yong sinagot nang hindi na tinitingnan kung sino ang caller.

"Yuan!" Kabado kong bati.

Their Kind of Love | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon