Kabanata 6

2 0 0
                                    

Unti-unting lumalim ang halik niya. Hanggang sa kusa na ring kumilos ang aking mga labi at pilit na sumasabay sa paggalaw ng labi niya. Humigpit ang yakap niya at lalo niyang idinikit ang kaniyang katawan sa akin. Naramdaman ko ang marahang paghaplos ng kamay niya sa likod na nagdulot sa akin ng kakaibang pakiramdam. Pakiramdam ko'y nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan ng marahan niyang pisilin ang aking beywang saka muling ibinalik ang paghaplos sa aking likod.

Naghahabol ang hininga namin pareho ng pakawalan niya ang aking mga labi at ilipat ang halik niya sa aking pisngi, tracing the line of my jaw until he reached my neck. He left feathery wet kisses on my neck that made me shiver for  the sensation.

Sinalubong niya ang mga mata ko ng malamlam niyang mga titig. I felt him unclasped the hook of my bra and my eyes widened when I felt the warmth of his hands covering my chest.

Tuluyan na niyang hinubad ang damit na suot ko pati na rin ang bra ko saka niya muling sinakop ang mga labi ko. His kisses again trailed my jawline until it reached my neck. I'm not even aware that my hand is already in the back of his head at marahang hinahaplos ang kanyang buhok.

I arched when his mouth covered the peak of my chest while his hand is playing with the other. I bit my tongue for the lingering sweet sensation I'm feeling at the moment.  Nahihilo ako sa ginagawa niya sa katawan ko. Bahagya akong nanigas ng unti-unting bumaba ang halik niya papunta sa tiyan ko. Nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa balikat niya when his lips almost reach there.


"B-babe..." mahina kong sabi.

Hindi ko alam kung anong hitsura ng mukha ko ang nakita niya ng iangat niya ang tingin sa akin. He looked at me with his bloodshot eyes for a few seconds until his lips formed a smile.

Hinila niya ang kumot at ibinalot sa akin saka siya humiga sa tabi ko at muling ipinulupot ang braso sa akin. He kissed my cheek saka bumulong.


"I love you babe.. so much."


Napangiti ako at niyakap siya.


"I love you too, babe.."


More than you'll ever know..

Hinatid niya ako sa sakayan pauwi samin kinabukasan. I really hate the parting time pero wala akong magagawa. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalinlangan nang magpaalam na ako sa kanya. I would love to stay by your side pero di na pwede. Di bale, alam ko may next time pa naman.

And like that, lumipas ang ilang buwan na cellphone lang ang tangi naming communication. Until one day, isang magandang oportunidad ang aking natagpuan.


Inaya ako ng mga dati kong classmate na mag'apply sa gaganaping job fair sa aming bayan. Syempre sumama naman ako dahil ilang buwan na rin akong nakabakasyon. At swerte namang maituturing na natanggap kami ng mga kasama ko sa isang kompanya sa kabilang probinsya. Ang parehong probinsya ni Jon. Magkaiba man ng bayan ang pupuntahan ko at ang bayan nila Jon, at least mas malapit na yun kumpara dito sa probinsya namin.

Di ko maipaliwanag ang excitement na nararamdaman ko ng umuwi ako at ibalita sa mga magulang ko na natanggap ako sa inapplyan ko sa kabilang probinsya. Ngunit ganun na lamang ang panlulumo ko ng hindi pumayag ang aking ama na umalis ako. Sinabi pa niyang kaya ko lang daw gustong pumunta dun ay dahil taga-roon daw ang boyfriend ko.

Bahagya akong nagulat dahil hindi ko alam kung paano nila nalaman na may boyfriend ako at alam rin nilang taga-roon pa. Pero pinagpilitan ko na gusto ko lang magtrabaho doon at kaya ko naman ang sarili ko. Ngunit matigas ang desisyon ng aking ama na huwag akong payagan.


Hindi na ako nakipagtalo pa ngunit masama ang loob ko dahil sa nangyari. Hindi ko maintindihan kung bakit tumututol siya na umalis ako. Ano naman kung nandun din ang boyfriend ko? Hindi naman ako mag-aasawa kundi magtatrabaho kaya pupunta dun. Bonus na lang na malapit kay Jon at mas may chance na magkita at magkasama kami.

Ilang araw kong hindi kinibo o kinausap ang aking ama dahil sa sama ng loob. Hindi ko alam kung nakumbinsi ba siya ng aking ina ng mag-usap sila o dahil sa pagtatampo ko kaya bigla eh pumayag na siyang umalis ako. Sobra akong natuwa dahil sa nangyari ngunit hindi ko iyon ipinahalata sa kanila para di nila pagdudahan ang kagustuhan kong umalis. Sinabihan lang ako ng aking ina na may tiwala daw siya sa akin at mag-iingat daw ako.


Magkakasama kami ng mga dati kong kaklase ng lumuwas at pati na sa tinutuluyang bahay ay magkakasama rin kami. Hindi ko ipinaalam kay Jon ang ginawa ko kahit na lagi din kaming magkatext at magkausap.


Ilang araw na ang nakalipas nang magtanong si Jon kung wala daw ba akong sasabihin sa kanya. Kinabahan ako nang tanungin niya ako kung nasaan daw ako. Ayoko namang magsinungaling kaya sinabi ko na din ang totoo at nagsorry na lang sa kanya. Pero mukhang ikinasama niya ng loob na naglihim ako sa kanya. Baka daw ayaw ko syang makita kaya hindi ko sinabi na nandun na pala ako sa probinsya nila.

Ipinaliwanag ko na lang na gusto ko sana siyang surpresahin kaya ko inilihim at babawi na lang ako kapag nagkita kami. Mabuti na lamang at tinanggap niya ang paliwanag ko. Nalaman daw niya ang pagpunta ko sa probinsya nila dahil sa facebook post ng isa sa mga kasama ko.

Wala kaming pasok ng sabado at linggo at nagkataon pa na holiday ng lunes kaya nagdesisyon kaming dalawa na magkita at pumunta ulit sa kanilang bahay. Medyo mahaba-haba ang mga araw na walang pasok kaya masusulit namin ang mga sandali na magkasama kaming dalawa.


Nagkita kami sa isang mall nang sunduin niya ako nung araw na yun. Malapad na ngiti ang ibinungad niya sa akin saka kinuha ang bag na dala ko. Gentleman di ba? Haha

Habang nasa biyahe ay sinabi niya sa akin na lumipat na daw sila ng bahay ngunit malapit lang din dun sa dati nilang bahay na napuntahan ko na. Malapit na kaming bumaba ng banggitin niya sa akin na may napanaginipan daw siya. Isang masamang panaginip.

Nakita ko ang pangamba sa mga mata niya kaya tinanong ko siya kung anong klaseng panaginip yun at kung gaano kasama. Ikinuwento niya sa akin ang panaginip niya na sana... sana hindi na lang niya ginawa.


Nakita raw niya ang sarili niya sa loob ng isang kabaong. Buhay pa raw siya ngunit nakahiga na siya sa loob nito habang may kandilang nakapatong sa ibabaw nito. Nakikita raw niya ang mga mahal niya sa buhay na umiiyak at nagdadalamhati pero buhay pa raw siya. Buhay pa siya ngunit habang unti-unting nauubos ang kandila ay unti-unti rin, parang nauubos ang hangin sa paligid niya. Habang tumatagal daw ay hindi na siya makahinga.

Kinabahan ako sa kwento niya. Natakot. Hindi ako nagsalita o nagreact sa kwento niya ngunit ramdam ko ang takot na bumalot sa puso ko. Nakangiti pa siya ng lingunin ako dahil sa pananahimik ko. Hindi ko alam kung nakita ba niya sa mukha ko ang takot kaya kinabig niya ako at niyakap saka sinabing..


"Wag kang mag-alala, hindi mangyayari yun. Panaginip lang yun. Hindi ko hahayaang mabalo ka. Di pa nga kita asawa mababalo ka na agad." saka siya tumawa.

Pinilit kong balewalain ang kwento niya. Tama siya, panaginip lang yun. Sabi nga nila di ba, kabaligtaran lang ang panaginip.

Star-crossed LoversWhere stories live. Discover now