Kabanata 2

14 0 0
                                    

Hindi ko maitatanggi ang lungkot at panghihinayang na naramdaman ko dahil sa pangyayaring iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit tila may humahadlang sa pagkikita namin.

Ilang minuto matapos umalis ng bus sa terminal ay sunod-sunod na text messages ang narecieve ko galing sa kaniya. Nagtatanong kung nasaan na daw ba ako at kung bakit hindi ako nagtetext. Lalo akong naguluhan. Halos malowbat na nga yung phone ko sa kakatext at tawag sa kaniya tapos hindi niya pala narerecieve?

Nangamba akong baka nagalit na siya. Baka iniisip niyang pinaglaruan ko lang siya at pinaasa para sa pagkikita naming ito. Pero hindi. Hindi ko iyon magagawa sa kaniya. Maging ako ay umasa para sa pagkakataong ito. Alam ng Diyos iyon.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ako makareply sa takot na tuluyang masira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa simpleng bagay na ito. Baka masyadong mababaw ang pinagsamahan namin at kaunting pangyayaring katulad nito ay maging dahilan para mawala iyon.

Kasabay ng takot na iyon ay ang realisasyon. Hindi lang ako natatakot na magalit siya at masira ang pinagsamahan namin. Ang totoo, natatakot akong mawala siya. Natatakot akong maging dahilan ito para manlamig siya at mawala na sa buhay ko.

Bumigat ang pakiramdam ko. Ganun ba talaga kababaw ang pinagsamahan namin? Ang pagkakaibigang mahigit isang taon na ay mawawala na lamang ba ng ganun kadali?

Mahigit isang taon na siyang parte ng buhay ko. Mahigit isang taon ko na siyang itinuturing na bestfriend. Sabi niya yun din daw ang turing niya sa akin. Isang bestfriend na babae. Tuwang-tuwa pa siya noon dahil ngayon lang daw siya magkakaroon ng bestfriend na babae. Ganun din naman ako.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Huminga ako ng malalim bago buksan ang message niya. Nagtatanong pa rin siya kung bakit hindi na raw ako nagtext. Baka nasa terminal pa rin siya at hinihintay ako. Muling bumigat ang dibdib ko.

Nagreply ako.
Sinabi ko sa kaniyang nakasakay na ako at nasa biyahe na. Na sorry dahil hindi kami nagkita. Wala nga kasi akong narecive na text galing sa kaniya. Na sorry dahil nasayang ang effort niya at naghintay siya sa wala pero hindi ko ginustong ganun ang mangyari. Na ilang beses akong nagtext sa kaniya at sinubukan siyang tawagan pero wala talaga eh.

Matapos kong maisend ang paliwanag ko, pumikit ako. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya pero kailangan kong ihanda ang sarili ko sa kung ano mang magiging reaksyon at desisyon nya. Hindi ko naman siya mapipigilan kung yun ang gusto niya.

Kinakabahan kong binasa ang reply niya. Ok lang. Nakahinga ako ng maluwag at napangiti. Ok lang daw. Late na daw nagdatingan yung mga text message ko. Siguro raw hindi pa talaga oras para magkita kami. Next time na lang daw.

Para akong nabunutan ng tinik. Ang saya lang. Kung ganun, hindi pala ganun kababaw ang pagkakaibigan namin. Siya pa rin ang Bae ko.

Sa mga panahong nagdaan, ilang beses niya akong biniro na baka daw naiinlove na ako sa kaniya. At sa tuwing sinasabi niya iyon, ang palaging sagot ko sa kaniya ay 'ewan ko sayo' o kaya naman 'asa ka!'

Hindi ko maitatangging kinikilig ako at natutuwa kapag binibiro niya ako ng ganun. Ang sarap sa feeling kahit pa sabihing biro lang yun.

Masaya ako. At hindi ko maitatanggi sa sarili ko iyon. Dalawang taon na kaming magkatext at naging magkaibigan. Dalawang taon. Wala kaming ibang relasyon kundi magbestfriend. Mahigit isang taon na rin siyang walang girlfriend, sa pagkakaalam ko. At ako, kahit may manligaw sa akin, hindi ko ineentertain. Bakit? Ewan ko. Pero hindi ko maramdaman sa iba ang nararamdaman ko para kay Jon. Weird, right? Ni hindi pa nga kami nagkikita eh.

Pero kahit ganun, masaya pa rin ako kahit na siya lang ang lalaki sa buhay ko. Isa pang weird. Bakit masaya ako at nakukuntento sa ganitong sitwasyon? Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko.

Pero isang gabi, nagbago ang lahat. Not in a way na nakasama pero kabaligtaran nito. Hindi ko alam kung paano napunta sa ganun ang usapan namin. Siguro dahil noong una ay nagbibiro siya at sinasakyan ko naman ang biro niya. Anong biro? Eh di as usual, na mahal ko na daw siya.

May parte sa akin na gustong sumagot ng oo pero natatakot ako. Natatakot ako dahil baka seryoso na ako pero biro pa rin para sa kaniya. Kaya tinatawanan ko lang siya at nakikisakay sa pagbibiro niya.

Hanggang sa magseryoso siya. Kung paano ko nalamang seryoso na yung text niya? Basta alam ko lang. Sa ilang taon ba naman naming pagkakakilala at pagkakatext, hindi ko pa ba malalaman kung kelan siya seryoso at kung kelan hindi?

Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng sabihin niyang bakit hindi raw namin subukan. Kung hindi magiging maganda ang kalalabasan, eh di balik sa pagiging bestfriends. Pero kung maging okay daw naman, eh di mas maganda. Pero hindi raw mawawala yung pagkakaibigan namin.

Sounds tempting, right? Natutukso akong sumagot ng oo. Pero may isang bagay na pumipigil sa akin. Kakainin ko ang sinabi ko noon na hindi ako magboboyfriend ng isang textmate. Pero hindi siya basta textmate ko lamang. Bestfriend ko siya. Hindi man kami nagkikita, sa puso ko, may lugar na siya.

Kaya pikit-mata akong sumugal. Isinugal ko ang puso ko sa kaniya. Isinugal ko ang buhay at kaligayahan ko. May kaunting doubt akong naramdaman pero pinalis ko iyon. They say love is a gamble. And I guess they're right.

Lumipas pa ang ilang buwan at nakahanap ako ng trabaho sa kabilang bayan.
Ilang buwan na rin akong nagtatrabaho dito at kung minsan ay inuutusan ako ng boss kong magpunta sa mga bangko.

Kagaya ngayon, kailangan kong pumunta sa main branch para sa isang training seminar na gaganapin doon.

Pero hindi lang iyon. Excited akong pumunta dun dahil ang lugar kung nasaan ang branch na pupuntahan ko ay katabing bayan lamang ng bayan ni Jon. Ibig sabihin, malaki ang chance na maaari kaming magkita. Tinext ko sya na pupunta ako sa bayan na iyon at hindi nga ako nagkamali. Gusto niyang magkita kami.

Magkikita kami pagkatapos ng training ko at excited na akong magkita kami ng boyfriend ko. Oh di ba, level up? May boyfriend na ako!

Star-crossed LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon