Kabanata 1

14 1 0
                                    

Ako si Jana. At ito ang kwento ko....

Nagsimula ang kwento ko isang hapon, habang nag-iisip ng magandang pampalipas oras. Tambay kasi ako ngayon sa bahay. Nasa second year college na dapat ako ngayong pasukan at nag-aaral ngunit sa kasamaang palad, kinailangan kong huminto dahil sa kadahilanang wala na kaming pera..

Labag man sa kalooban ko, wala na akong nagawa. Kaya ngayon, heto ako, pansamantagal na tambay.

Isang text ang narecieve ko galing sa pinsan kong si Krizel. Isa iyong gm. Uso kasi ngayon ang text clan at ang pinsan ko ay kasali sa isa sa mga iyon. Nagtext siya sa akin ngayon at pinapasali ako sa clan nila. Nalaman kasi niya na tumigil ako sa pag-aaral at kasalukuyan ngang tambay ngayon kaya naman hinihikayat niya akong sumali sa clan nila. Maganda daw kasi iyong pampalipas oras.

Ayokong sumali. Bukod kasi sa magastos sa load, tamad din akong magtext. Ano ba naman kasi ang mapapala ko kung makikipagtext ako sa kanila eh hindi ko naman sila kilala.

Pero napasali ako ni Krizel. Ang tindi kasi mangulit. Araw-araw maraming nagtetext sa akin mula ng sumali ako. Mga GM. GM na hindi ko talaga maintindihan kung sinong nag-imbento. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangang isend pa sa lahat lalo na sa akin ang mga messages nila na hindi naman para sa akin.

Pero nasanay na rin ako. Ganun daw kasi talaga yun. Kaya nga daw Gm eh. Hmp.

Hindi lahat ng nagtetext at naggGm ay nirereplayan ko. Bakit? Dahil wala silang sense kausap. Alam nyo yung boring? Tsk. Ang alam lang nila ay manlandi at maghanap ng magiging girlfriend o boyfriend gamit ang kanilang mga cellphone.

Seriously? Ganun ba katindi ang pangangailangan nila para sa syota?
Na kahit yung taong hindi mo pa nakikita ay syosyotain mo just for the sake of it?

Jeez. Hindi ko maimagine ang sarili ko sa ganoong sitwasyon. Simply because I'm not that cheap.

Mataas ang standards ko pagdating sa lalaki. Lalo na para sa magiging first boyfriend ko. At hindi ko pinangarap na ang first boyfriend ko ay isang textmate lamang. Like duh. I'm not that cheap. No offense meant para sa mga natamaan pero iyon ang opinyon at paniniwala ko. Hindi pa ako ganun kadesperada. At hindi ko kailangang maging desperada.

Maganda raw ako, sabi nila. Hindi ako maputi. Morena. Hindi katangkaran sa height na 5'2". Sapat lang para sa edad ko. Natural ang light na waves ng buhok ko na lampas balikat ang haba.

Though sa edad na seventeen ay hindi pa ako nagkakaboyfriend, hindi naman ako nagmamadali katulad ng iba.

Isa kasi akong hopeless romantic. At isa akong fan ng mga romantic stories and novels na may mala-fairytale na ending. Yung tipong 'and they live happily ever after'.

Pero ayoko ng love story na may tragic na ending. Iyakin kasi ako. At ayokong ang istorya ng pag-ibig ko ay maging katulad ng istorya ng mga magulang ko. Ayoko ng love story na may sad ending. Mas maganda nga kung wala nang ending, hindi ba?

Ilang buwan na akong miyembro ng clan ng pinsan ko. May mga nakilala na rin akong mga kaibigan. Naging addict tuloy ako sa pagtetext. Halos araw-araw may load ako. See? I told you, gastos ang pagsali sa clan na iyan. Tss.

For the past months na nakakatext at nakakausap ko sila, may nabuo nang kakaibang bond sa amin. Especially to someone named Jon.

Jon is a guy who is 2 years older than me pero ang nakakatuwa, nagkakasundo kami. Pareho kami ng gusto, ng mga hilig at maging ang mga opinyon namin sa mga bagay-bagay ay magkapareho o magkatugma.

Nag-enjoy ako masyado sa bond na nabuo namin at sa presence niya sa everyday life ko. Hindi ko napansin na masyado na akong napapalapit sa kaniya at nasasanay sa presensiya niya sa buhay ko.

Nawala na lahat ng mga katext ko for the last months. Isa na lang ang natira, si Jon. Hindi ko alam kung bakit at kung paano pero hindi nawala ang komunikasyon namin. Kahit na nung mag-umpisa na akong magtrabaho.

Tuwing may free time nagtetext ako. Sa umaga pagkagising, siya agad ang una kong babatiin. Bago kumain at sa gabi bago matulog. Ganun rin naman siya sa akin.

Lumipas ang ilang buwang pagtatrabaho ko sa ibang lugar ngunit hindi nawala ang komunikasyon namin. Natapos na ang kontrata ko para sa kompanyang pinasukan ko kaya napagpasyahan kong umuwi muna sa probinsiya namin.

Napag-usapan namin ni Jon na magkita sa terminal kung saan ako sasakay ng bus pauwi sa probinsiya. Malapit lang kasi ang terminal sa tinitirahan niya. Madaling araw ang alis namin ng kaibigan ko kaya maaga pa lang ay magkatext na kami ni Jon. Ayaw kong sayangin ang pagkakataon na to kaya inihanda kong mabuti ang sarili ko para sa unang beses naming pagkikita.

Habang nasa byahe papuntang terminal ay magkatext kami ni Jon. Nandun na raw siya at naghihintay na sa akin. Kinakabahan ako pero hindi ko maitago ang matinding excitement na nararamdaman ko. Sa wakas, makikita na rin kami!

Napaisip ako. Gwapo kaya siya? Wala akong ideya sa itsura niya dahil kahit sa picture ay hindi ko pa siya nakikita. Pareho kasi kaming walang social accounts. Walang facebook, twitter, instagram, flicker, tumblr o foursquare. Kaya ngayon sana ang unang pagkakataon na makikita namin ang isa't-isa.

SANA.

Dahil hindi nangyari ang inaasahan naming pagkikita. Sa hindi malamang kadahilanan, wala akong nareceive na text galing sa kaniya mula ng dumating kami sa terminal. Alam kong nandito na siya dahil nasa byahe pa lang kami ay nagtext na syang nandito na siya.

Ngunit bakit nga ba wala akong marecieve na text galing sa kaniya. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid sa pag-asang may makikitang lalaking nakawhite shirt, black pants at white shoes. Itinext niya kasi sa akin kanina ang suot niya.

Nakabili na kami ng ticket at pasakay na ng bus nang maisipan kong tawagan siya. Pero kung minamalas ka nga naman, hindi ako makacontact.

Bakit parang hinahadlangan ata ng tadhana ang pagkikita namin? Bakit?

Nanlumo ako ng magsimula nang umandar ang bus palayo sa terminal. Sinulyapan ko ang paligid sa huling pagkakataon. Sorry bae, hindi na tayo nagkita.

Star-crossed LoversWhere stories live. Discover now