Kabanta 5

2 0 0
                                    

Nakilala ko na rin ang mga kapatid niya. Si Jon ang panganay sa kanila. Sumunod sa kanya si Jane na agent sa isang mobile network. Sumunod si Jeff na college student, at sina Jack at Jessie na parehong nasa high school. Samantalang nasa elementary naman ang dalawa pa, sina Jecka at Jasmine.

Nakakatuwa dahil ang dami nila. Magulo ngunit masaya kapag magkakasama sila. Unlike samin na apat lang kami sa bahay dahil isa lang ang nakababata kong kapatid, si Anna.

Dahil wala akong ibang matutuluyan ay sa kanila ako nagpalipas ng gabi. At dahil marami sila ay wala akong choice kundi matulog sa kwarto ni Jon.

Hindi sila mayaman kaya hindi kalakihan ang bahay nila. Sapat na tirahan lang para sa isang pamilya.

May negosyong kainan ang mga magulang ni Jon kaya dun na kami naghapunan. Abot-abot ang kaba sa aking dibdib nang sabihin niya na ipapakilala niya ako sa kanyang mga magulang.

Alam ko naman yun. Matic na yun kasi dinala niya ako sa kanila. Pero hindi pa rin ako makapaniwala. Syempre first boyfriend ko siya kaya ito ang unang beses ko na maipakilala sa parents ng boyfriend ko.

Busy ang mga magulang niya nang dumating kami sa kainan. Marami kasing customers dahil gabi na. Maraming bumibili ng ulam at barbecue.

"Ma, anong ulam?" ani Jon pagkapasok.

"Pumili ka na lang diyan." sagot ng mama niya na busy sa isang customer.

Kinagat ko ang labi ko nang hinawakan ni Jon ang kamay ko at hinila ako papasok. Alanganin pa akong sumunod sa kanya.

Ok Jana. This is it. Meet the parents part. Normal lang yan. Natural yan. Kailangan mong pagdaanan yan. Go, fighting!

"Si Jana nga pala, Ma, Pa. Girlfriend ko."

Magkasunod na lumingon ang mga magulang niya sa gawi namin. Huminga ako ng malalim at saka ngumiti. Syet lang, feeling ko lalabas na yung puso ko sa rib cage ko sa sobrang kaba.

"Hello po. Magandang gabi po." nahihiya kong sabi.

Pinagmasdan muna ako ng mga magulang niya saka sila marahang tumango at ngumiti.

"Kumain na ba kayo? Kumuha ka na ng makakain niyo diyan." baling ng mama ni Jon sa kaniya.

Pinaupo niya ako sa isang table at nagpaalam na kukuha  muna ng makakain namin. Nakahinga ako ng maluwag ng nakaupo na ko. My Ghaaad. Nakakapanlambot ang meet the parents part na to ah.

Malapad ang ngiti ni Jon nang bumalik at may dala na siyang pagkain para sa aming dalawa. Nagpaalam siya na mag-iinuman daw sila ng dalawa niyang barkada. Wala namang problema yun sakin kaya pumayag ako.

Pagkatapos kumain ay sakto namang dumating ang dalawa. Isang lalaki at isang lesbian. Tumatawa ang dalawa ng dumating na may dalang alak.

"Seryosohan na ba yan 'dre?" anang lalaki na nalaman kong Kenneth ang pangalan.

"Oo naman!" nakangiting sagot ni Jon at inakbayan ako.

"'Nak ng tinapa 'dre, nagseseryoso ka pala?" sabi naman nung lesbian na Jez ang pangalan.

"Pakyu 'dre. Matagal na akong seryoso." natatawang sagot ni Jon.

Nagkatinginan yung dalawa niyang kaibigan saka sabay na nagtawanan.

Nakangiti lang ako habang pinapanood silang nagtatawanan. Nakakatuwa lang dahil mula pa kanina ay marami na akong nakilalang kaibigan niya. Nung ipinapasyal nga niya ako sa lugar nila kanina ay maraming bumabati sa kaniya. Maraming kakilala at kasundo. Perks of having a friendly boyfriend. Aawardan ko na ba siya ng Mister Congeniality? Natawa ako sa naisip.

Star-crossed LoversWhere stories live. Discover now