Kabanata 4

3 0 0
                                    

Araw-araw magkatext at magkausap kami. Kahit minsan halos wala nang sense ang pinag-uusapan namin, hindi pa rin kami nagsasawa. Basta lang may topic kami. Basta lang may mapag-usapan. Sabi nga nila, anything under the sun.

Dati daw siyang bokalista ng isang banda. Kaya lang nadisband na ito kaya sa videoke na lang daw siya kumakanta.

Kaya naman kapag magkausap kami sa phone, pinakakanta ko sya palagi. Katulad na lang ngayong gabi. I'm asking him to sing a song for me. Actually, kanina ko pa siya pinipilit na kumanta pero ayaw niya. Nag-iinit na yung tenga ko dahil isang oras na kaming magkausap sa telepono at isang oras ko na rin siyang pinipilit kumanta pero hindi pa rin  niya ako pinagbibigyan.

Titigilan ko na sana ang pangungulit sa kaniya nang sa wakas ay pumayag na siya. Pumayag na siyang kantahan ako!

Inihanda ko ang cellphone ko. Balak ko kasing irecord ang pagkanta niya. Wala lang. Gusto ko lang paulit-ulitin. Gusto kong paulit-ulit na marinig ang boses niya.

Tumikhim muna siya bago nagsimulang kumanta...

♬♪
You always asked me those words I say

And telling me what it means to me..

Hindi ko napigilan ang mapangiti. Malamig ang boses niya at kaysarap pakinggan.

Humiga ako sa kama ko at niyakap ang unan.

Every single day

You always asked this way

For how many times I'd tell you,

I love you

For this is all I know...

Humigpit ang yakap ko sa unan. Ramdam ko ang pagmamahal niya para sa akin sa bawat pagbigkas niya ng liriko ng kanta. Ramdam ko ang senseridad sa mula sa puso niya na parang mainit na kamay na unti-unting bumabalot sa puso ko.

Come to me and hold me

And you will see

The love I gave for you still hold the key...

Every single day

You always ask this way

For how many times I'll tell you

I love you
For this is all I know....

I love you too, bae...

I love you more than words can say.....

I'll never go far away from you

Even the sky will tell you

That I need you so

For this is all I know

I'll never go far away from you....

Sana nga bae. I really hope he'll never go far away... Away from me... Kasi baka hindi ko kayanin. Dahil masyado na akong nasasanay na nandyan siya. Nasanay na akong parte kami ng mundo ng isa't-isa. At hindi ko na kayanin kapag nawala siya...

Yung mundo ko na dati ay kuntento nang mag-isa, ngayon umiikot na lang para sa kanya.
Kung dati wala akong ibang iniisip kundi ang makapagtrabaho at mag-ipon ng pera para matulungan ang pamilya ko, ngayon iba na.
Dahil nandyan na si Jon. Ngayon iniisip ko na rin ang future para sa aming dalawa.
Yung mga pangarap ko binuo ko na na kasama sya. Nakikita ko na ang sarili kong kapiling siya hanggang sa pagtanda.

Ilang buwan pa ang lumipas. Nagresign na ako sa pinapasukan kong kompanya. Uuwi na ako sa amin. Ilang buwan din akong hindi nakauwi dahil medyo malayo sa pinapasukan ko kaya naman umupa na lang ako ng matutuluyan.

Ngunit bago ako tuluyang umuwi, may isang bagay akong naisip na gawin. Gagawin ko na ito ngayon dahil baka hindi ako agad magkaroon ng pagkakataong gawin ito. Dahil pag uwi ko, makukulong na naman ako sa bahay.

Hindi naman sa masama ang loob ko sa pamilya ko kundi dahil hindi na ako basta-basta makakaalis ng bahay. Mabusisi kasi sila sa mga lakad ko. Though medyo nabawasan na nga nung mag-umpisa akong magtrabaho pero gusto ko talagang gawin ito ngayon.

Dahil gustong-gusto ko na ulit siyang makita at makasama. Sobrang miss ko na siya kahit na araw-araw naman kaming nagkakausap. Kahit naman kasi gusto niyang puntahan ako, hindi ko naman siya mapapunta dahil masyado itong malayo. Wala siyang tutuluyan dahil hindi naman siya pwede sa tinutuluyan ko.

Lalo namang hindi siya pwede sa bahay dahil hindi pa alam ng pamilya ko ang tungkol sa relasyon namin. Hindi nila alam na may boyfriend na ako. At hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila at ipakilala si Jon sa kanila kahit pa nga gustong-gusto ko nang gawin iyon. Siguro humahanap pa ako ng magandang pagkakataon. At nagpapasalamat ako dahil naiintindihan iyon ni Jon. Kaya naman gusto kong gumawa ng paraan para magkasama kami.

Maaga pa lang ay nagbyahe na ako papunta kina Jon. Gusto kong maagang makarating para mahaba ang panahon namin na magkasama. Gusto kong sulitin ang bawat oras. Gusto ko siyang makasama ng matagal.

Sinundo ako ni Jon sa terminal. Nakangiti niya akong sinalubong at gustong-gusto ko sana siyang yakapin ng mahigpit ngunit di ko magawa. Hindi ako sanay mag-pda at isa pa, nahihiya din ako. Dumiretso kami sa bahay na inuupahan ng pamilya nila. Saglit muna kaming tumambay doon matapos niya akong ipakilala sa mga kapatid at barkada niya. May maliit na karinderya ang pamilya nila at nandoon ang mga magulang niya kaya hindi ko pa sila nakikilala.

Inubos namin ang ilang oras sa pagkukwentuhan sa bahay nila. Bandang hapon na nang mag-aya siyang maglibot at maglakad-lakad sa compound nila. Tumigil kami sa tapat ng isang maliit na tindahan at umupo sa harap niyon. Bumili siya ng dalawang softdrinks at iniabot sa akin ang isa.

Nagdatingan bigla ang mga kaibigan ni Jon na hindi ko matandaan ang mga pangalan. Nagbibiruan sila at pati na ang matandang babaeng may-ari ng tindahan ay nakikisali sa biruan nila. Ako naman ay nanatiling tahimik na nakaupo at nakangiti lamang habang pinapanood sila.

Napangiti na lang ako nang magbiro ang matandang babae na nakabingwit daw ng maganda si Jon. Syempre natuwa ako. Maganda raw eh. Hehe.

Nagbiro pa siya kay Jon na bilihan daw ako ng helmet dahil baka raw mauntog ako. Tinawanan niya iyon at sinabing balak nga daw niyang bumili. Naging tampulan tuloy kami ng tukso ng mga barkada niya. Nahihiya man pero nakikitawa na rin ako sa masaya nilang biruan.

Star-crossed LoversWhere stories live. Discover now