08: God Of Dreams

Começar do início
                                    

I closed my eyes and see nothing. I can only see darkness. Kadiliman, ganitong-ganito 'yong nilakbay sa loob ng mahabang panahon.

"Hindi ka natulog." Agad akong napadilat nang marinig ko ang sinabi ni Morpheus.

"A-ano po bang nangyari kay Ina sa loob ng isandaang taon?" Tanong sa kan'ya ni Adonis.

"Hindi ko alam kung ano, pero inakala lang ng lahat na tulog sya..."

What does he mean?

"...naglakbay s'ya at nasa ilalim s'ya ngayon ng isang napakalakas na salamangka."

Agad na kumunot ang noo ko nang marinig kong nasa ilalim ako ng napakalakas na salamangka.

"A-ano pong klaseng salamangka ito?" Tanong pang muli ni Adonis.

Tumahimik nalang ako dahil wala akong alam sa salamangka. Mga spell lang ni Harry Potter ang alam ko.

"Hindi ang kapangyarihan ko bilang diyos ng mga tulog at panaginip ang nagpatulog kay Proserpine. Maaaring 'to ay gawa ng ibang diyos."

Gawa ng ibang diyos? Ibig n'ya bang sabihin posibleng kinulam si Proserpine ng kapwa n'ya dyos o diyosa?

I'm not sure. But why?

"Maaari po ba na-" hindi na naman natapos sa pagsasalita s Adonis nang makaramdam kami ng isang napakalakas na pagyanig, dahilan para mahulog ang mga libro na nasa ibabaw at para mahilo kami.

Nakita ko namang gumuhit ang isang ngisi sa labi ng matandang si Morpheus na medyo natatabunan ng mahaba at makapal na balbas.

"Makapangyarihan parin s'ya" 'yan ang huling katagang narinig ko mula kay Morpheus bago s'ya matabunan ng napakaraming libro at mawala sa paningin ko. Hindi parin tumitigil ang malakas na pagyanig. Sh!t!

"Adonis tulungan na-"

"Guguho na po ang gusaling ito ina" natatarantang saad ni Adonis habang hinihila ako at pilit na pinipigilan na puntahan ang natabunan na si Morpheus.

Hindi pa kami nakakalabas ni Adonis sa madilim na silid na'to nang umalingawngaw at marinig naming muli ang tawa ni Morpheus.

"Ahahahahahahahahaha" walang humpay n'yang tawa habang hindi parin tumitigil ang pagyanig.

Napakaimposible nya, kahit na sa ganoong sitwasyon siya nagawa niya pang tumawa.

He's a crazy god.

"INA!" Rinig kong sigaw ni Adonis.

Hindi ko alam kung nakalabas na ba kami sa silid na'yon nang maramdaman ko nalang ang pagtigil ng pagyanig.

Sa isang kisap mata lang ay nadito na kami ulit sa loob ng impyerno, malapit sa malaki at kinakalawang na gate.

"Si Morpheus?" Hinihingal na tanong ko kay Adonis.

"Isa po s'yang diyos, kaya n'ya po ang sarili n'ya."

Hindi parin matanggal ang kaba sa dibdib ko hindi lang dahil sa pagyanig, kundi dahil narin sa gulat nang mapagtanto kong may hawak ako ngayong maliit na papel.

Sobrang bilis ng mga pangyayari at hindi ko lubos na maalala ang bawat detalye nito. Fvck it!

"Ano ho 'yan Ina?" Gulat na tanong ni Adonis.

"Hypnos" basa ko sa nakasulat sa maliit na papel. Sunog ang gilid ng papel na para bang sinadya pang sunugin.

"Hindi ko po alam kung ano ang ibig sabihin n'yan Ina."

Hypnos? Wala akong naaalalang may nabasa akong ganito noon sa mga libro ko tungkol sa Greek Myths.

Hindi ko rin alam kung ano ang ibig sabihin nito.

"Mga hangal ahahahaha" agad kaming napalingon ni Adonis ngayon sa babaeng bigla nalang nagsalita sa labas ng gate. Umaalingawngaw ang ingay ng kan'yang tawa

Nakahawak ang mga kamay n'ya sa dalawang mahahabang bakal sa gate at diretsong nakatingin sa'min na sinasadyang palakihin ang kan'yang mata para sindakin kami. She's so creepy.

"Mga hangal ahahahaha" tawa n'yang muli.

Napalunok nalang ako ng laway sa sobrang kaba nang maalala ko ang huling beses na nagkita kami ng babaeng 'to. Para s'yang baliw na mangkukulam, pero hindi parin mabubura sa mukha n'ya ang angkin n'yang ganda. What do I expect, she's a goddess.

"Hecate" rinig kong bulong ni Adonis.

"Where is her twin torch?" Tanong ko nang mapansin kong hindi n'ya ito hawak.

"Mangyayari ang dapat na mangyari." Seryosong saad nito at agad akong tinignan at lalong nilakihan ng mata. Damn! She's fvcking creepy.

Hindi pa kaya siya napupuwing niyan?

"Kukulamin ko kayo" Muling wika nito habang hindi parin inaalis ang tingin n'ya sa'kin, bigla nalang s'yang nawala sa paningin namin pero patuloy parin naming nariring ang lakas ng kan'yang tawa.

"Ahahahaha" tawa nito na unti-uting humihina.

"Mahal na reyna." Agad akong napalingon sa likod nang marinig ko ang boses ni Sterope.

"Why?" I asked.

"Hinahanap ho kayo ng mahal na hari." Magalang n'yang saad.

Ugh, that Hades! Why does he keep on looking for me?

"Where is he?" I just asked.

"Nakaupo po ngayon sa trono."

"Dalhin mo ako sa kan'ya." Seryoso kong saad. I'll ask something about that Hades.

Napatingin ako ngayon kay Adonis na nakabaling ngayon ang paningin sa labas nitong impyerno na puno ng mga patay na punong kahoy.

"Ina, aalis na ho ako.... Sana po malagpasan ho ninyo ang kahit anong pagdadaanan n'yo." Nakangiting sabi ni Adonis at niyakap ako ng sobrang higpit.

I just can't believe that someone like Adonis would call me 'Mother.' Para lang naman kaming magkapatid at sa totoo lang para ko pa s'yang kuya.

"Mag-iingat ka." 'Yan ang sinabi ko sa kan'ya at maya-maya pa ay dumating ang kabayo n'yang itim.

"Opo ina"

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Onde histórias criam vida. Descubra agora