Nakita ko si Jessa na nasa sala at nanonood ng TV. Wala pa daw ang parents niya kaya nagpaalam ako na aakyat na ko sa kwarto.

Pagdating sa kwarto ay agad akong nagpalit ng damit at dumiretso sa kama. Saka ko lang naramdaman ang pagod. I checked my phone for a text from a person but I found none. Pumikit ako ng mariin at tinabunan ng unan ang mukha ko.

What the fuck, Paris! Ang galing mong mag-advice sa ibang tao pero hindi mo maapply 'yong advice mo sa sarili mo! Wake up! Hindi ka magugustuhan no'n.

Dahil siguro sa pagod ay nakatulog ako.

*

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Walang pasok ngayon kaya hindi ako nag-alarm. The clock on the table says it's 9:07 in the morning. Isang unregistered number ang tumatawag.

"Hello?" Umupo ako at hinintay sumagot ang nasa kabilang linya.

"H-hello? Pwede bang makausap si Paris Delavin?" Sagot ng nasa kabilang linya. Isang babae ang sumagot na sa tantiya ko ay nasa mid-30's ang edad.

"Ako po si Paris. Sino po sila?"

"H-hija? Ikaw na ba 'yan, anak?!" Sigaw niya. Kumabog ang dibdib ko at kumunot ang noo. Sino ba ito? Ang pagkakaalam ko wala na akong ibang kamag-anak pero bakit niya ako tinawag na anak?

"Hija, si Tita Grace mo ito... Kapatid ako ni Selena, ng mama mo..." nanginginig ang boses niya habang nagsasalita. Kilala niya ang mommy ko? Unti unting namuo ang luha sa mata ko. Totoo ba 'to?

"K-kapatid po kayo ni Mommy? Pero... Saan niyo po nakuha ang number ko?" Hindi ko maiwasang magduda.

"Kaibigan ng anak ko si Jonathan. Minsang dumalaw dito sa bahay si Jonathan ay nakita niya ang litrato mo noong bata ka. Sinabi niyang kahawig daw ng kaibigan niya. Tinanong ko kung sinong kaibigan at nang marinig ko na binanggit niya ang pangalan mo kaya't hindi na ako nagdalawang isip na hingin ang contact number mo, hija. Nagbakasakali lamang akong ikaw nga ang pamangkin ko at hindi nga ako nagkamali!" Tuwang sabi nito.

Hindi ko din mapigilang mapaluha. Napakasarap sa pakiramdam na malaman na meron pa pala akong kamag-anak.

"T-talaga po?" Pinunasan ko ang luha ko.

"Oo, Paris. Kung papayag ka ay sana magkita tayo. Ipapakita ko sayo ang mga litrato niyo ng mommy niyo noong bata ka pa."

Pumayag akong makipagkita kay Tita Rosanna. Napagkasunduan naming magkita mamayang hapon sa malapit na mall. Nalaman kong dito din sila nakatira sa maynila.

May kumatok sa pinto kaya tumayo na ako para buksan iyon. Nang mabuksan ko iyon ay bumungad sa akin ang nakangiting si Jess.

"Good morning!" Bati niya at pumasok sa kwarto. Dumiretso soya sa kama at umupo doon. Sumunod ako sa kanya.

"Morning. Nasaan sila Tita?" Tanong ko habang nagtatali ng buhok. Nagbabalak akong magpagupit dahil medyo humaba na ito. Halos nasa baywang ko na.

"Wala sila. May business kasi sila sa Cebu. Doon sila dumiretso kagabi kaya baka matagalan sila." Sabi nito.

"Jess... Aalis pala ako mamayang hapon."

Bigla siyang napaupo at tumingin sa akin na parang excited.

"Bakit? Hala! Date? Oh gosh! Kailangan kitang ayusan. You need to look beautiful--- not that you're ugly, ah? Pero siyempre dapat mas maganda ka, friend!"

DominantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon