Chapter 8

16 5 0
                                    

Iginiya ako ni Jonathan patungo sa kotse niya. "Bakit ka nga pala nandito?" Nagtataka lang ako. Hindi naman kasi 'to kumakain dito sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko.

"May ka-meet kasi ako kanina dito kaya naisip kong hintayin ka." Ngumiti siya sa akin kaya napangiti din ako.

He opened the door for me. Pumasok ako habang siya ay umikot na papuntang driver's seat. Nawala ako sa mood dahil sa nakita ko kanina pero hindi naman tamang hindi ko pakisamahan si Jonathan. He's one of my true friends.

"Ayos ka lang ba? Parang matamlay ka?" Saglit niya kong sinulyapan habang nagmamaneho siya. I heaved out a sigh. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya.

Ang mahirap kasi talaga para sa akin ay ang mag open-up sa ibang tao. Natatakot akong mahusgahan. Ayokong may masabi silang masama sa akin. Sa mga kaibigan ko, tanging kay Jessa lang ako nagsasabi ng problema.

"Wala naman..." ngiti ko sa kanya. Actually, Jonathan was my biggest crush when I was a kid. Natutuwa talaga ko kapag nakikita ko siya lalo na ang kanyang dimple kapag ngumingiti siya. He's so caring and good to me. Lagi siyang nandiyan para sa akin.

"Talaga? Kunwari ka pa. 'Wag ako ang lokohin mo, Paris." Bumagal ang takbo ng sasakyan at tumigil sa tabi ng isang park. Maraming tao doon at maraming tinda sa kalye.

"Anong gagawin natin dito?" Imbes na sagutin ako ay ngumiti lang siya at lumabas ng kotse. Nagtanggal ako ng seatbelt at sumunod sa kanya.

It's been a long time since I last went to a place so happy like this. Madaming mga ilaw at mga batang tuwang tuwa sa paligid. The scene sent happiness in me. Namiss ko bigla maging bata.

Then Jonathan blocked my view. Nakangiti na naman siya at may hawak na ice cream na nilalahad niya sa akin. Tinanggap ko 'yon nang natatawa. Ang weird kasi dahil nakangiti siya na parang ewan.

"Anong nakakatawa?" Ngumuso siya at dinilaan ang ice cream niya. Para talaga siyang bata. Ang gwapo pa naman sana.

"Wala. Kumusta na kayo ni Aril? May development na ba? Hahaha!" I started eating my ice cream. Sa totoo lang I'm not really a fan of ice creams. Pero si Jonathan, mahilig talaga dito.

Inirapan niya ako kaya masa lalo akong natawa.

"That girl. Ayaw pang umamin na gusto niya din ako." Nakasimangot na sabi niya. Si Aril ay ang babaeng nililigawan niya. Nilakad ko siya doon pero parang hindi siya type ni Aril dahil may pagka-playboy type si Jonathan.

"Ayaw ka nga kasi niya! Kapag ayaw sa 'yo, 'wag mo nang pilitin." Sabi ko sa kanya.

"Tsk! Pansin ko talaga na gusto niya ko. Lagi nga 'yon nakatingin sa akin." Ubos na yung ice cream namin at naglalakad na kami ngayon pabalik sa sasakyan. Iyon lang talaga ang ginawa namin sa park.

"Hay naku! Assuming will hurt you more, tantan. Iwasan mo ang umasa na gusto ka niya dahil sa huli, kung hindi naman pala, ikaw ang masasaktan." Seryosong sabi ko. Binilisan ko na ang lakad at naunang pumasok sa kotse.

Nang nasa biyahe na kami ay wala siyang imik. Siguro ay pinag iisapan ang sinabi ko kanina. Totoo naman, 'di ba? Aaminin kong umasa na ako noon sa isang tao. Masakit 'yon lalo na't wala siyang pakialam sa akin. Pero wala namang masasaktan kung walang aasa.

Sinabihan ko siya na sa bahay ni Jessa ako ihatid. Nagtaka siya pero sinunod din ako. Nang makarating sa bahay ay tinapik ko siya sa balikat.

"'Wag mo kasing awayin! Fighting!" Sabi ko sa kanya at lumabas na ng sasakyan. Tinapik ko ng dalawang beses ang sasakyan niya at saka pa lang siya umandar. Sinundan ko ng tingin ang papalayong kotse niya at pumasok na sa bahay.

DominantDove le storie prendono vita. Scoprilo ora