Ep 10; Goodbye

1K 29 16
                                    

Uy may update! Mag diwang! :3 ps; paki basa ang SUPER-DUPER-ULTRA-MEGA IMPORTANT A/N ko sa dulo. Wehehehe.

btw,ang dahilan ko kung bakit hindi ko na papasalihin ang mga nag cameo na sa PMB?

dahil MAGKA-COMEBACK SILA DITO SA WGM! Korak kayo ng basa! Babalik sila dito kaya hindi na pwede. *winks*

_______________________

{ 3RD PERSON'S POV }

[Play the song at the MM para feel mo. Paki-ulit hanggang sa matapos ang chapter :---)))]

"Dyo bitiwan mo na ako! Nasasaktan ako!" tuloy pa rin si Dyo sa paghatak kay Kana. Kahit na nakalayo na sila sa cafe at wala nang mga sumusunod sa kanila ay tuloy pa rin sa paghatak si Dyo.

"DYO NASASAKTAN AKO!!!" at sa pagsigaw na iyon ni Kana ay nahinto sa paglalakad si Dyo. Marahas siyang lumingon kay Kana habang may luhang tumutulo sa pisngi niya, "AKO RIN NAMAN KANA EH! NASASAKTAN NA DIN AKO! SOBRA SOBRA!" mabuti na lang at walang tao sa iskinitang dinadaanan nila ngayon dahil siguradong panibagong issue muli ito.

Natahimik si Kana. Hindi niya lubos maisip kung bakit nasasaktan din si Dyo. Wala naman silang problema,wala namang problema kaya't bakit naman masasaktan si Dyo? Magsasalita pa lang sana si Kana nang nagsalita na agad si Dyo, "Hindi...Hindi ka naman susunod kay Anj,diba?" tumingin si Dyo kay Kana gamit ang mga malumanay nyang mga mata. Akalain mo nga naman,kahit na malaki ang mata niya ay sumisingkit ito pag umiiyak siya.

Napayuko na lang si Kana. May parte sa kanya na kailangan niyang layuan si Dyo para rin sa ikabubuti nila pero hindi niya na ulit kakayanin kung mawawala pa ito sa kanya. Ayaw niyang lumabas ang mga litrato,ayaw niyang matapos na lang basta basta ang career nila. Kaya naman niyang hintayin si Dyo hanggang sa matapos ang No Dating contract nila para maayos ang lahat pero---kakayanin niya ba mag hintay ng 5 years? 

Muli ay pumatak ang luha ni Kana, "H-Hindi ko alam....." naiyukom niya ang sariling kamao. Hindi niya alam kung papayag siya o hindi. Kung papayag siya,kapalit nito ay ang paglayo sa taong mahal na mahal niya at ang pagtuloy naman ng career niya. Kung hindi siya papayag,kasama niya pa rin si Dyo pero tapos na ang career nila. "Kana,wag ka sumuko please. Alam ko'ng pagsubok Niya lang 'to. Please..." Hinawakan ni Dyo ng mahigpit ang kamay ni Kana. Alam niyang palaban na tao si Kana at alam niyang kahit na masungit siya at pala-mura ay matalino ito at mag de-desisyon kung anong tama.

Nakayuko lamang si Kana at tuloy pa rin ang pag-agos ng luha niya. (A/N: habang tinatype ko 'to pinapakinggan ko yung Tongue Tied. >_>) habang si Dyo naman ay mahigpit ang hawak sa kamay ni Kana at umiiyak pa rin. "Hindi ka bibitaw diba?" pangumbinsi muli ni Dyo. Sa loob loob niya ay sobrang naiinis na siya. Kailan ba kasi magiging tama ang lahat sa kanila ni Kana? Kailan ba magiging maayos ang lahat sa kanila? Kailan tutugma ang tadhana sa kanila? Pagod na pagod na siya. Minsan na siyang iniwan ni Kana at ayaw niya na ulit ito mangyari ng basta basta pero dahil lang sa isang sasaeng fan ay masisira muli sila.

With The Idiots (EXO FF) + Sequel InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon