Ep 3; I can't

1.4K 32 15
                                    

Happy Birthday Xiumin!

__________________________

{ DYO'S POV }

"ITS DYO OPPA!! KYAAAAAH!!!"

"DYO OPPAAAA!!!!!"

Napatingin ako sa mga fans na nagtatyagang antayin kami sa labas ng SM building umaga't gabi. Minsan naiisip ko,kumakain pa ba sila? natutuwa naman ako dahil nandyan sila para sa'min pero hindi ba dapat iniisip din nila ang sarili nila? 

Nang makasakay ako ng van ay binaba ko saglit ang bintana nito at ngumiti sa mga fans, "Mauwi na kayo. Late na din oh saka kumain na din kayo" ngumiti ako sa kanila. As usual,may tumitili,may tumatalon sa kilig at may kumukuha din ng litrato. Halos lahat sila may dalang dslr para makuhaan kami ng litrato. Mag isa lang ako uuwi ngayon dahil nagpaiwan ako para mag practice pa. 5am na din at wala pa akong tulog. Gusto ko sana ma-perfect ang sayaw namin para sa comeback kaya't late na akong umuwi. "Oppa,napagod ka ba?" tanong ng isang fan sa'kin. Iba sa kanila ay nakababa na ang camera na tila ba gusto na lang makipag-usap sa'kin.

Tumango ako sa tanong niya at ngumiti, "pero okay lang kasi nandyan kayo. nawala na pagod ko." sana lagi nalang ganito ang mga fans sa labas ng building. yung ba'ng walang gulo para makapag usap kaming lahat ng maayos. Natatakot kasi ako para sa mga babaeng ito dahil minsan nagkaka-rambulan pa dito sa labas. Napasinghap nalang ako nang may makita akong mga regalong nasa harap ng mukha ko. may mga nakalagay sa paper bag,yung iba cupcakes,yung iba teddy bears. Kinuha ko ito isa isa mula sa kanila at nagpasalamat. "Oppa,please rest more! Fighting!" napangiti ako ng sinigaw nila lahat yan ng sabay sabay. Tumango nalang ako at sinara na ang bintana upang maka-uwi na rin.

Nang maka-uwi ako sa dorm ay gising pa silang lahat. Yung iba ay nakaupo sa sofa na tila ba inip na inip at yung iba ay nakahiga sa sahig. "Oh,bat gising pa kayo? diba sabi ko matulog na kayo pagka-uwi?" binaba ko ang gamit ko pati ang mga regalo ng mga fans sa'kin kanina at umupo sa tabi ni Baekhyun na naka-upo sa sahig. "Eh kasi nag-aalala kami sayo hyung. Umaga na wala ka pa rin" napahikab agad si Suho ng sabihin nya yun. Hectic kasi ang schedule namin ngayong month na 'to dahil mag ka-comeback na kami at sunod sunod pa ang endorsements namin.

"yung iba nasan?" tanong ko. Nagtataka ako kasi kulang kami ng tatlo dito. "si Chanyeol nasa kusina,nagkakape. si Tao natulog na kasi ayaw na daw nyang lumala yung eyebags nya. si Kai nasa kwarto nya. Narinig ko yung kanta natin na pang-comeback sa kwarto nya eh,baka nag pa-practice." Luhan. Tumango nalang ako. Nilabas ko yung mga cake at cupcakes na binigay sa'min ng mga fans at kinain namin ng sabay sabay. Matapos din nun ay naghanda na kami para matulog na.

With The Idiots (EXO FF) + Sequel InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon