Shoot. Anak ako ni Aphrodite at boses ko ang kapangyarihan ko.

"Nga pala... ba't di mo sinabi sa'kin na dalawa pala yung deities mo?" iniba ko ang topic.

Nang makita ko ang black lightning manipulation niya, nakita ko rin kung bakit may ability siyang ganyan.

"You never asked." maikli niyang sagot.

Totoo naman eh. So hindi nalang ako aangal. Tinanguan ko nalang siya.

"Trev? We're here." tawag ng isang gamma sa kanya.

Sumunod ako sa kanya at sabay kaming pumasok sa yate. Kinuha ko na ang bag ko gayundin si Thea. Natawa pa nga ako kasi dumami yung ink sa mukha niya.

"Huh?" nagtaka siya.

"Wala. Tara na nga." aya ko sa kanya.

Pero nawala ang ngiti ko nang wala akong naririnig na heartbeats na naghihintay sa'min.

Akala ko ba hihintayin nila kami?

Paglabas namin, kapansin-pansin ang katahimikan. Wala akong nakikitang demigod na nakatayo.

Asan ba sila?

"Yo- teka. asan sila?" napahinto si Thea nang makitang wala ngang tao.

Unang bumaba si Trev. Sumunod ang mga gamma. Nagtataka rin sila.

Bababa na sana kami nang hinila ako ni Thea pabalik sa yate. Saka niya ako hinatak pababa sa likod ng bintana.

"B-bakit?"

sinenyasan niya ako na tumahimik. Mayamaya, dahan-dahan kaming sumilip.

Isang babae ang nakatayo sa likod nila. Siningkit ko ang mga mata ko at nakitang ito yung witch na nagsupply sa'min ng sun stones. Nung niligtas namin yung boys mula sa mga Sirens.

"Kanina pa ba siya jan?" bulong ko kay Thea.

"Nakita ko nalang sa repleksyon na bigla nalang siyang lumitaw sa kinatatayuan niya ngayon." sagot niya.

"Looking for them?" bumalik ang mga mata ko sa matandang babae nang magsalita na siya. Agad rin silang napatingin sa pinanggagalingan ng boses.

"You?" bakas sa boses ni Trev ang irita.

Eh syempre sino ba namang hindi magagalit. Ang dami nang pinagdaanan namin tas sabik na sabik pa nga kaming makauwi sa Academy.

At ngayon. May susulpot na naman.

"Magkakilala sila?" nanlaki ang mga mata ni Thea habang nakasilip sa labas.

Wala akong sinabi at nagpatuloy nalang sa pakikinig sa usapan nila.

"Where are the rest?" seryosong tanong ni Trev. Unti-unting dumilim ang kalangitan.

Napasinghap ako nang bumulagta ang lahat ng mga gamma. Wala na silang malay nang bumulagta sa lupa.

"your turn." nakangising sambit ng matanda.

Bago pa mawala si Trev sa mga mata ko, nakita ko siyang tumingin sa direksyon na tinataguan namin.


"tangina!" napasigaw si Thea nang maglaho na sila. Mabilis siyang tumayo saka ginulo ang buhok niya.

Dumiretso ako sa maliit na lounging area ng yate at napaupo hawak-hawak ang ulo ko.

Bumagsak si Thea sa tabi ko at nagbuntong-hininga. Rinig na rinig ko ang mabibilis na tibok ng puso niya.

"Hahanapin natin sila." tugon ko.

"sa'n ba tayo magsisimula? Bakit? May platform ba sa ilalim katulad nalang ng mga magic tricks sa TV kaya nawala sila ng ganun ganun lang?" naguguluhan niyang sabi.

Tahimik lang ako habang nag-iisip ng mga lugar kung saan mahahanap namin sila.

"Baka nasa bahay nung witch..." sabi ko sa sarili ko. "o nasa Seirenes' islands.." dagdag ko.

"Kailangan natin silang mahanap." tumayo ako at tinignan si Thea na lumilipad na siguro ang utak sa kung saang lupalop ng universe.

"Thea!" sinigaw ko ang pangalan niya na siyang ikinagulat niya.

"Marunong akong magmaneho!" ako na naman yung napaatras dahil sa boses niya.

"Kumalma ka kasi!"

"Sabi ko nga!"

"Ano pa bang hinihintay natin?!"

"Edi tara! Tangina! Yun lang pala!"

"Wag kang praning!"

Sa ngayon nagsisigawan pa rin kami ni Thea habang naghahanap ng masasakyan. May nakita kaming auto na nakapark. Hinijack nalang ni Thea yung sasakyan para umandar ito. Wala namang tao na nakasakay sa loob.

"Asan ba?" tanong niya.

Tinuro ko sa kanya ang lokasyon na pinuntahan namin noon. Sana nga andun sila.

•••

"Ba't parang walang tao?"

Nasa bahay na kami ng witch pero tila walang tao sa labas... at sa loob. Sinipa ni Thea ang flower vase na nakapatong sa bato.

Huminga ako ng malalim.

Ano bang gagawin namin?

Lumabas mula sa nabasag na flower pot ang isang paru-paro.

"Alam ko na kung asan sila." saka ko sinundan ito.

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now