Sixthy-Three

103 8 6
                                    

Jin's POV

Naglalakad kami ngayon papunta sa kwarto ni Yoongi.

Kung titignan ko kagabi si Miyu kawawa naman siya.

Habang naglalakad parin kami, sa kalayuan may nakita akong familiar na mukha.

Hays! Akala ko hindi na siya babalik.

"SEOKJIIIIIIIIIN!" Sigaw ni Jisoo ng makita kami.

Lumapit siya saakin at niyakap ako, kaya niyakap ko naman siya pabalik.

"Miss na miss na kitang bakla kaaaaa!" Yakap saakin ni Jisoo.

"Oo na! Ikaw naman! Bitawan mo muna ako." Bumitaw naman siya saakin.

"Alam na ba nila?" Tanong niya saakin.

"H-hindi pa."

"Ang sama mo naman! Hindi mo ba ako kaya ipagmalakaki? Di porket malaki yang ano mo hehe."

"Teka nga! Hindi namin kayo maintidihan!" Reklamo ni Hoseok.

"Hihihihi kami na ni Jin!" Sigaw niya.

Napasampal naman ako sa noo ko.

"Hyung? Lalaki ka na?" Tanong ni Taehyung, kaya naman inambahan ko siya.

Mag eexplain sana ako nang mapatabi kaming lahat dahil sa nurse na tumatakbo habang tulak tulak ang isang strecher.

"Excuse me!" Takbo nila.

"Tara na hyung! Kawawa naman si Miyu sa kwarto hindi pa raw natutulog eh." Naglakad na kami papunta sa kwarto ni Yoongi at nakita itong nakabukas.

Kaya agad kaming pumasok at nakita ang mga nurse na inaasikaso si Miyu.

"Excuse me? What happend to her?" Tanong ni Namjoon.

"We just found her unconscious on the floor." Nang maayos na si Miyu at tinabi nila ito sa tabing kama ni Yoongi.

"Are you some kind of relatives of Mrs.Min?" Tanong ng isang doctor.

"Yes."

"Gusto ko lang sana kayong paalalahanan na buntis po si Mrs.Min kaya dapat po hindi napupuyat at nalilipasan ng gutom si Mrs."

Buntis?!

"Buntis po siya?" Tanong nilang lahat.

"Yes, kaya po pakibantayan po siya ng maayos okay? And lilipat narin po namin siya ng ibang kwarto and we will just contact her parents." Nilabas na nila si Miyu at ilalagay sa isang kwarto.

"Hyung kawawa naman si Miyu." Sabi ni Taehyung.

Nilapag na nila ang pagkain saka kumain.

Nilapitan ko naman si Yoongi para ayusin ang kumot niya nang mapansin kong basa ang magkabilang gilid ng mata niya.

"Yoongi wag ka nang umiyak, pag nalaman ni Miyu yan lalo siyang malulungkot, laban lang Yoongi magigising ka rin, at saka hindi mo sinabi saamin na magiging tatay ka pala uli? Two points ah!"

"Ikaw hyung? Kela ka magiging nanay este tatay hehe." Sabi ni Jungkook.

Ibabato ko sana si Yoongi kaso naalala ko naka coma pala hehe.

Baka patayin na ako ni Miyu niyan hehe.

Miyu's POV

Unti unti kong minumulat ang mata ko at wala akong nakita kung hindi puting ilaw.

"Miyu gising ka na!" Nakita ko naman sila Kate at mga anak nila sa tabi nila.

"Si Yoongi?" Tanong ko.

"Nasa kabilang kwarto." Krystal said.

Tatayo na sana ako nang bigla nila akong awatin.

"Hindi ka pa pwedeng tumayo, or mapagod, masama yan sa baby mo."

"I don't care, i want to see Yoongi." Tumayo na ako at kita ko naman na kinuha ni Krishna ang dextrose ko.

Naglakad ako papunta ako sa kwarto ni Yoongi, pero kita kong naka coma parin siya.

Nilapitan ko siya.

"Grandpa hindi ka pa rin gigising?" I said with a teary eyes.

"Wake up already, malulungkot si baby pag nakita ka niyang ganyan." Nakita ko naman na may tumulong luha sa mata niya.

Pinunasan ko naman iyon.

"Fighting lang grandpa, miss na kita." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

Bigla naman may humawak sa braso ko at nakita ang nurse na hawak na ang dextrose ko.

"Maam sa kabila na lang po tayo, may sasabihin daw po si Doc." Binitawan ko na ang kamay ni Yoongi at bumalik na sa kwarto ko.

"Goodmorning Mrs.Min, i want to congratulate you because your baby is a healthy baby boy." Hindi ko alam kung masaya ba ako eh.

Bigla na lang ako naiyak ng sobra dahil naalala ko yung sinabi ni Yoongi saakin na kapag baby boy, agree siya.

"Miyu wag ka nang umiyak buhay pa naman si Yoongi." Comfort saakin Krystal.

"Kalahating paa nga lang nasa hukay na." Sabi ni Krishna kaya naman bintukan siya ni Kate.

"It's normal to a pregnant lady to be very emotional, so please excuse us." Lumabas na ang doctor at naiwan na bukas ang pinto.

Nagulat kami nang may sumulpot na mukha, si Jisoo.

"Hi Miyu!" Bati niya at pumasok sa loob.

"Congrats ah? Pasensya na rin kung hindi ako nakapunta sa kasal niyo." Ngumiti na lang ako ng mapait.

Naupo ito sa paanan ng kama ko.

"Buti na lang nagising ka, halos mag i-isang linggo ka nang tulog."

"One week?"

"Magiisang linggo pa nga lang!" Sabi ni Krishna kaya naman nakatanggap siya ng batok uli.

"Putangina niyo kanina pa kayo ah!" Sigaw ni Krishna pero nagtawanan lang ang dalawa.

Mga gagu!

"Pero seryoso? One week?"

"Oo kaya, sabi ni mommy masyado kang stress kaya ganun kahaba ang tulog mo." Napahilamos naman ako sa mukha ko sa sinabi niya.

"Sino nga pala mommy mo?" Tanong nila Kate.

"Yung kanina mong kausap."

"Yung doctor?!"

"Heheh yep!" Jisoo said.

"Ang pagkakaalam ko rin ikaw may ari neto diba?"

"Hehehe yep yep yep! Ay oo nga pala ikakasal na kami ni Jiiiiiiiin hihihi enebe." Andami kong hindi nalaman ah.

"Attend kayo ah?" Tumango ako.

"Hintayin ko muna magising si Yoongi."

"According kay Mommy si Yoongi ay medyo matatagalan pa sa pag ka coma." Malungkot na sabi ni Jisoo.

"B-bakit?"

"Sobra kasi yung pagtama sa kaniya nung truck and muntik na siya ma internal bleeding." Naiiyak nanaman ako.

Bakit kasi kailangan pa niyang tumakas?!

Kung hindi siya tumakas edi sana nasa tabi ko siya ngayon.

Sana masaya kami.

Hays Gising na Yoongi and daming naghihintay sayo.

Lalo na ako.

Sweg..[Yoongi FF.]Where stories live. Discover now