Ten

236 11 6
                                    

Miyu's POV

|3 weeks and 69 days later|

(Jk lang yung 69 days! Tangina ni Miyu eh! Pauso!)

"Miyu tara na hatid na kita?" Sabi ni Mingyu at kinuha yung bag ko.

"Diba may laro ka pa?" Sabi ko at binawi ang bag ko.

"Ay oo nga no!"

"Saan ka ba pupunta?" Tanong nya at naglakad na kami.

"Kay Krystal, isasasuli ko lang yung notebook nya." Malapit lang dito sa school ang bahay nila Kate.

"Malapit dun yung court kung saan kami maglalaro, hatid na kita."

"Sino nga pala makakalaban nyo?"

"Sabi sila Yoongi daw eh." Tumango ako, konting lakad na lang tanaw mo na ang bahay nila.

"Dudurugin ko sya! Maliit naman sya eh!" Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis sa sinabi ni Mingyu.

"Wag naman ganun! Hindi porket matangkad ka." Sabi ko at inirapan sya.

"Oh bakit parang pinagtatanggol mo sya?" Tanong niya habang nakakunot ang noo.

"Hindi ko sya pinagtatanggol!"

"Oh eh ano?!" At tinaasan na niya ako ng boses.

"Kung makapagsalita ka kasi ng 'dudurugin ko sya!' Parang ang galing mo naman."

"Bakit ka ba nagagalit?"

"WALA!! MAGLARO KANA DUN! DURUGIN MO AH?!" Sabi ko at nauna nang maglakad.

"MIYU!!" Sigaw nya.

"ULUL!"

Nakakabwisit!! Akala mo kung sinong magaling!

Nakarating na ako sa bahay nila Kate at nakita ko naman na lumabas ng bahay nila si Kate at Krishna kasama ang boypren nila na naka jersey

"Si Krystal?" Tinuro nila yung loob ng bahay at umalis na sila, pag pasok ko sa bahay nila rinig ko na agad ang sigawan nila sa kwarto.

"EH KUNG HINDI KA NAMAN MALANDI EH HINDI AKO MAGAGALIT SAYO?!" Sigaw ni Krystal, naupo muna ako sa sofa at pinakinggan ang away nila.

Baka naman hindi nagaaway yan? Baka may ginagawa na?
Baka iba na?
Baka---okay tama na!

"HINDI KO NAMAN SYA NILALANDI EH!! NILALANDI NYA AKO!"

"SO GUSTO MO NAMAN?!" Rinig kong boses ni Krystal.

"KRYSTAL ANG LIIT NA BAGAY!!" Parang height niyo! Hehehe

"OH TALAGA? MALANDI KA KASI KUNG HINDI KA LANG KASI NAGPALANDI DUN SA PUTANGINANG BABAENG YUN? EH DI SANA HINDI TAYO NAG-AAWAY!" Paulit si Krystal, naubusan na ng line.

"Alam mo Krystal nagseselos ka lang eh."

"MUKHA NAMAN DIBA?!"

"EWAN KO SAYO!!" Nakita ko naman lumabas na si Jimin sa kwarto na naka jersey rin, magbabasketball din sya?

Seryoso?

Hindi joke yun?

April fools?

(Tanga December na April pa rin?!)

Pinuntahan ko si Krystal sa kwarto at nakita ko syang nakadapa sa kama, nilapitan ko sya at....umiiyak? Hindi tumatawa na tears of joy sa away nila ni Jimin! Bobo ko rin eh!

Sweg..[Yoongi FF.]Onde histórias criam vida. Descubra agora