Sixthy-One

94 5 5
                                    

Miyu's POV

Nagbibihis ngayon si Yoongi dahil pupunta siya ngayon sa office ni Pd Nim.

"Dito ka lang ah? Tatawagan kita kapag uuwi na ako."

"Wag papagabi ah?" Sabi ko habang kumakain ng mansanas.

"Opo, ano nga pala gusto mo?"

"Kahit anong masarap na lang, or kahit anong madaanan mo."

"Paano kapag nadaan ko? Sementeryo? Bibilhin ko?"

"Paano kung ang pangalan mo nakaukit na dun? Gusto mo?" Ngumiti lang ito at hinalikan na niya ako sa lips saka sumakay na sa kotse.

Hays mag isa nanaman ako.

Anong gagawin ko dito?

Hays!

Umakyat na lang ako ng kwarto ko para magbihis.

Kinuha ko ang isang kotse na SUV fortuner at nag drive papunta office.

"Maam! Akala ko ba? Day off niyo?"

"Wala kasi akong magawa eh." Pumunta na ako sa office ko at may mga papeles na agad sa table ko na kailangan pirmahan.

Ilang minuto na rin bago mag lunch ng pumasok ako.

Buti na lang wala masyadong gagawin ngayon kaya lumabas ako ng office at pinuntahan ang secretary ko.

"Psst! Debi! Nah lunch na kayo?"

"Maam hindi pa po, lalabas pa lang po kami, bakit po maam?"

"Ahh...order ka nga ng..siguro..5 family bundle yung may pizza ah? Yung kakasya din saatin? Tapos kapag may nahanap ka order ka ah?"

"Sige po maam." Bumalik na ako sa office at sumilip na lang sa malaking glass window sa likod ko.

Kita kita ko ang magandang tanawin, yung Han river, yung Namsan.

Ang ganda nakaka walang stress.

After 30 minutes...

Ang tagal naman ng pagkain!

Nagugutom na ako!

Lumabas ako ng office at pinuntahan si Debi.

"Ano na? Asan na yung order?"

"M-maam on the way na raw po, medyo traffic." Hay nakakapagod maghintay.

15 minutes later...

"Maam, andito na po yung order niyo." Nagmamadali akong lumabas.

"Okay so..eto ang pa lunch ko sa inyo? Okay?"

"Thank you Maam!" Pasasalamat nila.

"Pero wala kayong sweldo ah?"

"Ano?"

"Charot lang hehe, sige na kain na kayo." Kumuha na ako ng pagkain a kumain na, nagugutom na talaga ako, mansanas lang kinain ko kanina, kawawa naman ako. ㅠㅠ

Pagtapos kong kumain ay nagpahinga lang ako at uuwi na rin.

"Debi ikaw nang bahala diyan ah? Uuwi na rin ako."

"Sige po maam, tumambay ka lang talaga dito eh, hehe." Sabi ni Debi habang nagaayos ako ng gamit.

"Pack all your things and get the hell out of my sight! 'Coz you're FIRED!" Sigaw ko.

"M-maam?"

"Kung ayaw mong matulad kay Stacy, ayus ayusin ang mga salita mo, hindi kita tropa." Pagtataray ko at kinuha na ang bag ko saka iniwan siya.

Mood swing nga naman haaaaays.

Pagdating ko sa bahay inaakala ko na andiyan na si Yoongi pero wala pa siya.

Kaya naligo muna ako at naghintay sa sala.

Nagisip isip muna ako.

Bigla naman naalala ko yung bahay namin.

Bukas ko na lang dadaanan tinatamad na ako.

Tumingin ako salamin at nakitang ang taba ko na punyeta!

Hindi na maganda ko!

"Takaw takaw kasi ni baby eh." Sabi ko at hinimas ang tummy ko.

Kinabukasan...

Paggising ko naramdaman kong wala akong katabi, ay nakatulog pala ako sa sofa, pero dapat nasa kwarto na ako kapag andiyan si Yoongi.

Asan naman kaya yun?

Ginawa ko muna ang routine ko saka sumakay sa kotse.

"Hello Debi? Andiyan ba si Yoongi?"

[Si Sir Yoongi po?]

"Hindi try mo check tatay mo baka andiyan. SI YOONGI NGA!"

[W-wala po si Sir Yoongi dito.]

"Ahh..sige." Binaba ko na ang linya ko saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

Bumaba na ako sa harap ng Dorm nila at sakto na wala sila roon, at may flight pala sa Japan.

Kaya wala akong pupuntahan ngayon kundi sa bahay namin dati, kung naalala niyo ba?

Pagbaba ko ng kotse nagulat ako nang may lumabas sa bahay, at teka? Bahay ko pa ba to? Ang ganda ganda ganda na!

"Krishna?" Sabi ko sa babaeng lumabas at may kasamang lalaki.

"Uy Miyu! Hehe Hi."

"Anong ginagawa mo diyan sa bahay ko?" Tanong ko.

"Ah..eh..ih..oh..uh..joke lang hehe, d-dito na kami nakatira hindi mo ba alam?"

"Hindi! Sino nag benta sa inyo? At bakit hindi nakarating saakin?"

"B-baka n-na traffic kaya hindi nakarating sayo heheheheheh."

"Ang weird mo talaga! Sige ingatan mo yung bahay ah?" Sumakay na uli ako sa kotse ko at umuwi sa bahay.

Hay Yoongi nasaaaaaaan kaaaaaaaa?!

Habang naka higa sa kama dito sa bahay nila mama.

Bigla na lang may tumwag sa Phone ko kaya napatayo ako at si Jimin lang pala.

[M-miyu.]

"Jimin! Asan si Yoongi? Kasama mo ba?"

[M-miyu s-si H-hyung......] Halos hindi ako makagalaw sa narinig ko.









-----------------------------------------------------

Dahil nag comeback mge bebe ko ahihihi UD si ako.

Heheh sensya na maiksi.

Labyu.

-tetengmalupetXD-

Sweg..[Yoongi FF.]Место, где живут истории. Откройте их для себя