Thirteen

221 12 2
                                    

Yoongi's POV

Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako sa lap ni Miyu.

Hindi muna ako tumayo at nag stay muna ako sa lap ni Miyu na maputi ihhhh!

(Yak! Manyak!)

MANYAK AGAD?

"Yoongi uwi na tayo." Walang ganang anyaya ni Miyu.

Tumayo na ako at umunat unat, tumayo na rin siya at nagsimula na kaming maglakad.

"May problema ba Miyu?" Umiling lang siya.

Bigla na lang ako nakaramdam ng patak ng tubig, hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan.

"Miyu silong tayo dito!" Sigaw ko kay Miyu na ngayon ay nasa gitna ng ulan habang nakayuko.

Hinawakan ko siya sa braso para hatakin upang sumilong.

Yak makata!

Makata is no Sweg!

Bigla niya akong hinatak.

"Ligo tayo!" Sabi ni Miyu habang nakangiti.

It's nice to see Miyu Happy.

(Nabasa lang ng ulan umi-english na!)

So eto kami basang basa sa ulan, hindi ako kumakanta! Literal na na basa kami!

Habang pinapanood si Miyu na naglalaro sa gitna nang ulan, naupo muna ako sa tabi at naghilamos ng mukha.

Nagulat na lang ako at nasa tabi ko na si Miyu na nakatitig saakin.

"B-bakit?" Hindi sumagot si Miyu at patuloy pa rin sa pagtitig saakin.

Ang ganda talaga ni Miyu, yung mga mata niya kumikinang, yung labi niya kissable.

"Yung noo mo ang lapad!" Sabi niya at pinitik noo ko.

"Uwi na tayo mahina na rin yung ulan." Nagsimula na kaming maglakad pauwi.

"Ikaw pa lang nakakita ng noo ko ah?"

"Bakit yung ibang members hindi pa?"

"Nakita na! Pero ikaw pa lang ang unang babae na nakakita ng noo ko."

"Bakit nanay mo hindi?" Nainis na ako kaya nauna akong naglakad.

Pilosopo!

"Uy! Joke lang! Beastmode agad eh!" Nagulat ako dahil bigla siyang kumapit sa braso ko.

"Yan ba epekto mo kapag naliligo ka nang ulan? Dapat pala lagi kang naliligo sa ulan para lagi ka lang nakakapit sa braso ko at wag nang bumitaw pa."

"Bulong ng bulong! Parang bubuyog!" Sabi niya.

"Umuwi ka na nga! At baka magkasakit ka pa!" Sabi ko at pinagtulakan si Miyu pauwi sa kanila.

"Opo! Umuwi ka na rin ah?" Sabi saakin ni Miyu.

"Opo." Ngumiti siya saakin at tumalikod na, pero bago siya tuluyan pumasok sa bahay niya hinatak ko siya papalapit sa hinalikan siya sa noo.

"Ayaw kong magkasakit ka, kaya pagtapos mo maligo uminom ka nang gamot okay?" Hindi siya makapag salita at tulala lang.

"Huy!"

"H-huh? O-oo." Sabi niya at pumasok uli sa bahay nila.

Yes! Nakakailang points na ba ako? Hehehe

Sweg..[Yoongi FF.]Where stories live. Discover now