Fourty-Four

122 11 3
                                    

Miyu's POV

Nagising na lang ako dahil may liwanag na tumtama sa mukha ko.

Naupo na ako sa kama at nag unat unat.

Tatayo na sana ako nang makita ko sa mesa dito sa gilid ng kama ang isang tray ng breakfast at isang kape na may letter pa.

"Breakfast muna! Wag mong kalimutan inumin ang coffee mo ah?
-A.D"

A.D?

Bigla naman sumakit ang ulo ko.

"Ingat palagi.- A.D."

Ingat saan?

Hindi ko na lang pinansin yun at kinuha ko na ang tray saka kumain, pagtapos kong kumain ay bumaba na ako para hugasan ang pinagkainan ko.

Nagtataka lang ako bakit walang tao? Asan sila?

Pagtapos kong maghugas ay nakita ko na may letter sa gilid ko.

"By the way! Nag po-photoshoot lang kami babalik din kami sandali, Love you. -A.D."

Ayan nanaman siya sa love you niya.

Tangina kinikilig ako!

Namo konsensya!

NAMO TALAGA!

Dahil magaling na agad ako naligo na lang muna ako bago lumabas ng cabin house.

Pagtapos ng lahat ay lumabas muna ako at sa may kalayuan nakita ko silang na po-photoshoot.

At sakto naman paglabas ko si Yoongi na ang kinukuhanan.

Kung paano siya umanggulo lalong nagpapatibok ng puso ko at nagpapasakit ng ulo ko nanaman.

Nang makita na ako ni Yoongi bigla naman siyang tumakbo sa pwesto ko.

"Good morning!" Bati niya at ngumiti.

Yung gilagid niya talaga eh.

"Magaling ka na ba?" Sabi niya at hinawakan ang noo ko.

"O-okay na ako, Salamat." Sabi ko at hindi parin umaalis ang mata ko sa kaniya.

"Sige diyan ka lang ah? Matatapos na rin kami." Umalis naman siya at ako naman naupo lang dito sa hagdan.

Pinapanood ko lang siyang magphotoshoot hanggang sa may lumapit na babae sa kaniya.

Tinignan ko ng mabuti yung babae at siya yung kausap ni Yoongi kahapon ah?

Bakit kasama niya?

Tumingin saakin si Suran at ngumiti ng para bang nangiinggit.

Sa inis ko ay pumasok na lang ako sa loob at nahiga sa sofa!

Piste!

Pakshet!

Letse!

Punyeta!

LAHAT NA LANG!

Habang nagpagulong gulong sa sofa bigla na lang silang pumasok.

"Hays! Nakakpagod maging pogi!" Sigaw ni Jimin.

Kilala ko na silang lahat.

Si Jimin - Bansot na Macho aka Bulldog hehe.

Si Jin - Mas maganda pa sayo!

Si Namjoon - Tahimik na badjao, Matalino.

Si Jungkook - Golden Maknae nila na maaga naging ama aka Bagito.

Sweg..[Yoongi FF.]Where stories live. Discover now