Spoiled Brat Bitch

17.1K 382 28
                                    


Maaga pa lang nandito na siya sa isang mamahaling boutique kasama ang mommy nya para bumili ng dress na susuotin niya sa party mamaya.

"What about this honey?" Turo sa kanya ng mommy nya sa isang mamahaling dress na kulay pink pinasadahan niya lang ng tingin iyon at sumimangot.

"No way mommy that's too common! Wala nabang ibang unique na dress dito? Everything is so ugly! Ayoko nyan!Ayoko nyan!" Inis na niyang sabi at saka nag martsa palabas ng boutique na iyon.

Hinabol naman siya ng mommy niya at parang baby na inalo.

"Okay okay baby pumunta na lang tayo kay Janine baka meron siya doong bagong napakagandang dress"

Si Janine ay isang sikat na modistata na paborito ng mommy niya, napangiti na siya dahil doon.

Pagkatapos mamili ng bagong damit, alahas at sapatos, excited na niyang pinahanda iyon sa personal maid niya sa kanyang silid. Meron siyang personal walk in closet na halos kalahati din ng silid niya ang laki punong puno iyon ng mga mamahaling damit. Bukod bukod ang mga iyon ayon sa klase, ang mga alahas naman nya ay nasa isang maliit na kwarto sa loob din niyon na may security lock ang pinto.

Sa kabuuan para siyang may sariling shop sa dami ng mga gamit nya. Sanay siyang nakukuha ang lahat ng gusto dahil lahat ng hilingin nya ay binibigay ng mommy at daddy niya. Hindi  pwedeng tumanggi ang mga ito sa kanya dahil oras na ginawa ng mga ito iyon maghapon siyang nagwawala sa kwarto nya.

Tulad ngayon kadarating lang ng daddy nya galing sa isang business meeting sa Paris at nagpabili siya dito ng pabango na nakalimutan nitong bilhin. Kaya naman ngayon lumilipad na inihagis niya ang isang mamahaling vase na galing pa ng Florida sa nakasarado niyang pinto, basag basag iyon ng tumama doon.

"I hate you Daddy! I hate you!" Galit na hiyaw niya habang nakatingin sa nakasaradong pinto na tila ba nakikita niya ang daddy niya na nasa kabila noon.

"I'm sorry sweetheart.. Nakalimutan talaga ng daddy, kasi naman sobrang busy ang daddy doon"

"Ang dami mo ng broken promises sa akin daddy I hate you!" Parang batang umiiyak sabi nya.

Narinig niya ang marahang pagbukas ng kanyang pinto at nakita niyang pumasok ang daddy nya kasama ang mommy nya, hawak nito sa kanang kamay ang duplicate ng susi ng kanyang pinto. Iniwasan na lamang ng mga itong matapakan ang basag na vase doon.

Inis na pinukol niya ng tingin ang daddy nya at binato ito ng malaking teddy bear na nasa kama nya, natatawang sinapo lamang nito iyon saka pilit siyang niyakap at hinalikan sa noo.

"Wag ka na magalit sa daddy my princess meron ngang surprise ang daddy sayo" natigil sa pag iyak na na-curious siyang napatingin dito. She love surprises.

Mula sa bulsa nito dinukot nito ang isang pulang kahon ng alahas na parihaba ang hugis at nakangiting binuksan nito iyon sa harap nya. Tumambad sa kanya ang isang kwintas na punong puno ng batong ruby, napaka ganda niyon! Napangiti talaga siya sa ganda ng alahas na marahang isinuot sa kanya ng daddy nya habang ang mommy niya ay inakay siya sa harap ng malaking salamin ng kwarto nya.

"Look baby napakaganda mo, siguradong babagay ang necklace na yan sa dress na susuotin mo mamaya. You know what, your dad personally designed that" Napangiti siya sa sinabi ng mommy nya.

May pagawaan ng alahas ang parents niya pwera pa sa malalaking business nila. Parehas na hilig kasi ng mga ito ang mag disenyo ng alahas na minana din niya. Hilig din niya ang mga alahas at nakakagawa na rin siya ng mga simpleng bracelet at kwintas.

My Sweet Bitch Girlfriend Where stories live. Discover now