⚜ Stage 4: Wait.. What? ⚜

83 9 25
                                    



LUCIAN

8:31 AM


[Roberto Manansala?] tila nalito ang lalaking kausap ko sa kabilang linya. [Sino naman 'yan at gusto mong malaman ang background niya?]

"Don't ask questions. Ibigay mo na lang." humigpit ang pagkakahawak ko sa phone. Umiling-iling naman agad ako sa mga batang haharangan dapat ako para pagbilhan ng sampaguita at nilampasan sila.

[I don't want to..] naiimagine kong naka-nguso na ngayon ang isip batang kausap ko na 'to. [Mag-'HI!' ka muna kay Anthony~]

Napahinto ako sa paglalakad at napapikit na lang sa inis.

"Vince.. Don't make me come over there and kick the shit out of you together with your oh so precious cockroach." pakiramdam ko ay nauubusan na ako ng oras dahil sa engot na 'to. Ipapakausap ba naman ako sa alaga niyang ipis. "Wait for me. Bibili lang ako ng Baygon."

[Sige na! Wag mo lang sasaktan si Anthony. Masaya na siya sa garapon niya.] what the-- [Medyo matatagalan 'to dahil baka may mga kapangalan ang Roberto Manansala na 'yan. Hintayin mo na lang. I-se-send ko sayo lahat ng information na makukuha ko.]


Ibinaba ko na ang tawag at nagpatuloy sa paglalakad sa malawak na parking lot ng simbahan na pinagdasalan ko kanina. Tsk. Kailangan ko na ng ligo.. Ang langsa ko na.. Baka mamaya lapitan na nga ako ng mga Anthony.

Mabuti na lang ay may spare clean T-shirt si Manong na nag-kasya sa'kin. Nakita ko 'yun sa jeep niya at saka itinapon ang coat at long-sleeves kong nabahiran ng pagkarami-raming dugo.


Yes, I know. Hindi ako mang-mang para hindi ma-realize ng tuluyan ang nagawa ko sa matandang Jeepney driver. Nagawa ko pang pumasok sa isang banal na lugar sa kabila ng malaking kasalanan kong 'yun.

May hindi lang talaga ako maintindihan. Ano bang droga ang nahithit niya at bigla na lang siyang umakto ng kakaiba? Nagkahalu-halo na ang mga tanong sa utak ko. Naisipan ko nang sumuko sa mga pulis pero may kailangan muna akong konpirmahin.


Masama ang kutob ko dito.


Tch. Bakit ba hindi ko ma-contact si Seijuro?!



"NALALAPIT NA ANG KATAPUSAN!" napatigil ako sa paglalakad ng makita ang isang lalaking pulubi na may hawak-hawak na malaking karton. Nakasulat dun ang 'ANG ARAW NG PAGHUHUKOM'. "HINDI PA HULI ANG LAHAT UPANG TAYO'Y MAGBAGO!"


Araw ng paghuhukom? Pinagmasdan ko siyang mabuti mula ulo hanggang paa bago ako lumapit sa kanya ng nakapamulsa. "Pa'no mo naman nasabi?"


I caught his attention. Mukhang nagulat siya na may taong nag-abalang pansinin siya. "Ho?"

"Pa'no mo nasabing nalalapit na ang Judgement day?" tumigil ako sa harapan niya at pinag-krus ang mga braso. "Manghuhula ka? Nakikita mo ang future?"

"Ah.. Eh.." base sa mukha niya, nag-aalinlangan siya kung sasagutin niya ba ang tanong o hindi.

I smirked. "Eh magkano ang binayad ng taong nag-utos n'yan sa'yo?"

Living in a Shitty WorldWhere stories live. Discover now