Chapter 56: Date.

7.7K 125 4
                                    

Short update :))

-----------

Chapter 56: Date.

Alexandra's POV

Dinala ako ni Stan sa hindi ko alam na lugar.

"Nandito na tayo." Sabi nya. Sya na ang nagtanggal ng seatbelt ko.

"Buti naman. Feeling ko nakadikit na yung katawan ko sa upuan."

"Ang hirap kasing maghanap ng walang tao na lugar."

Hinawakan nya yung kamay ko habang naglalakad kami.

"Ano ba 'to? Gubat?"

Actually, hindi naman talaga sya gubat. Mukha lang.

May mga puno sa magkabilang gilid, tapos may kalsado naman na pwedeng lakaran.

Nakakarelax ang paligid. Makakalanghap ka talaga ng sariwang hangin. Green na green ang kulay ng puno.

Narating namin ang dulo, may nakahanda na table for two.

Overlooking ang pwesto namin. May mga puno, bundok, at sa dulo ay ang malawak na dagat.

Malapit na mag gabi kaya kulay orange na ang paligid.

"Ang galing kong pumili ng lugar 'no?"

Nginitian ko lang si Stan.

Maya-maya lang ay may nagserve na sa amin. May maliit na kubo pala sa gilid.

Habang kumakain kami ni Stan ay mag tumutugtog sa gilid. A thousand years na instrumental.

Ang romantic ng lugar.

.

.

.

.

Nung natapos na kaming kumain ay naglatag si Stan ng sapin sa damuhan at nahiga kami dun.

Gabi na kaya kita na ang mga Stars.

"Salamat sa date na 'to." Pag-uumpisa ko.

"Nagustuhan mo ba?"

"Oo naman."

"Sana maraming date pa tayong pagsasamahan."

"Oo naman, at gusto ko lagi akong mag-eenjoy."

"Sige ba. Happy Valentines Babe."

"Happy Valentines din."

Tahimik lang naming tinignan ang malawak na langit.

Sana kahit na maging busy kami sa trabaho namin ay hindi pa rin magbabago ang pagmamahalan namin.

Sana hindi kami magsawang intindihin ang isa't-isa.

Sana maging matatag pa kami.

Sana kahit na anong pagsubok ang dumating sa amin ay kayanin naming harapin ng magkasama.

At kung dumating man yung araw na magkapamilya na kami, sana magawa namin ng mabuti ang tungkulin namin bilang magulang.

-------------------------------------------------------------

Maria's Note:

Wooh~ Hingang malalim muna! Malapit ng matapos!

Unti-unti ng nagiging mature si Alex! Haha.

Love Yah!!

My Brutal WifeWhere stories live. Discover now