Chapter 16 : Sorry.

9.1K 195 3
                                    

Naaawa ako sa itsura ni Felix kanina kaya sya yung nilapitan ko.

Hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa kanya. Hindi ko mapigilan eh.

Nandito na ako sa bahay namin.

Pagpasok ko sa kwarto, wala akong stan na nakita.

“Do you really love that man?”

“Answer me Alexandra! Do you really love him? Or you just used him to forget me?”

Rinig na rinig ko pa rin yung tanong ni Felix sa akin. Hindi ko naman ginamit si Stan para makalimutan si Felix, kasi in the fist place, ayoko talagang magpakasal sa kanya. Pero ngayon, mahalaga na rin sa akin si Stan, hindi ko masasabing love na to, masaya lang ako kapag kasama ko sya.

Natatakot ako sa mukha ni Stan kanina, kanina ko lang sya nakitang ganun. Puno ng galit.

Lumipas na ang oras pero wala pa rin sya.

.

.

.

.

( Ding Dong )

Si stan na siguro yun, pero bakit pa sya ng doorbell kung meron naman syang susi ng bahay?

Pagbukas ko ng pinto.

“Kuya?”

Akay-akay nya ang tulog na si Stan.

“Ano? Haharang ka na lang dyan? Tulungan mo ako.”

Inakyat namin si Stan sa kwarto.

Bumaba na rin kami ni Kuya. Naupo kami sa sala at inabot ko sa kanya yung kape.

“Grabe! Taga hated na lang ba ako ng lasing?”

“Kuya salamat.”

“Grabe yang asawa mo! Wala atang balak umuwi. Inaaway pa yung barista ko.”

“Pagpasensyahan mo na kuya.”

“Nga pala. Nagkita na kayo ni Felix?”

Napatungo na lang ako.

“You choose felix over stan?”

“Kasi naman kuya, nabugbog ng sobra si Felix. Naawa ako.”

“Eh kay Stan hindi ka naawa?”

“Kuya hindi naman sya masyadong napuruhan eh.”

“Hindi yun ang tinutukoy ko Alex. Sa feelings nya? Nasaktan sya emotionally.”

“Kuya alam mo naman kung gaano ko nun kamahal si Felis diba? Hindi pa ako gaano nakakapag move on, kaya hindi ko mapigilang maawasa kanya at tulungan sya.”

Kwinento ko na rink ay kuya yung about sa mommy ni Felix.

“Iniisip ni Stan na rebound mo lang sya.”

“Hindi noh!”

“Good to hear that, ayusin nyo to.”

“Sige. Salamat ulit kuya.”

“Sabihin mo kay Stan bukas nya na lang daanan sa bar yung kotse nya.”

“Sige po.”

Umakyat na ako para asikasuhin ang lasinggero kong asawa.

Kawawa rin pala sya. May galos din sa mukha.

Papalitan ko muna yung damit nya.

“Stan.. Stan..”

“Hmmn..”

“Umayos ka. Papalitan natin damit mo.”

Umupo naman sya.

Wow~ Abs!

Nung natapos ko ng palitan yung damit nya, pinunasan ko lang muna yung galos nya at nilagyan ng gamut.

“Stan.. Sorry.”

I kiss him on his cheek.

My Brutal WifeWhere stories live. Discover now