Chapter 38: Ikaw lang talaga.

8.4K 163 8
                                    

Alex's POV

"Ako na naman ang may k-kasalanan(sniff). Malay ko bang nandun 'yung Misa na 'yun?(sniff). A-Alam nya na mag sspike ako tapos dun pa sya pumwesto sa likod ni blonde girl."

Ako na baliw. Kinakausap ko ang sarili ko habang naglalakad. Kanina pa ako dito palakad-lakad. Para na akong nawawalang bata.

Destiny ba talaga kami? Soulmate ba talaga kami?

Para ba kami sa isa't-isa?

Ewan ko kung bakit biglang pumasok yan sa isip ko.

"Ang dami nyang kasalanan sa akin. Mas nauna pa 'yung ibang babae na masuot 'yung damit nya. Mas nauna pa 'yung ibang babae na buhatin nya kesa sa akin." Napahawak ako sa pisngi ko. Basa ng luha.

Ang sama-sama ng pakiramdam ko ngayon. Yung luha ko pa ayaw tumigil sa pagtulo.

"Miss?" Napatingin ako sa nag salita. Nilagyan nya ako towel sa likod. "I saw you walking and you're talking to yourself? Is there a problem? Maybe I can help you." Ngumiti sya.

Pinahidan ko muna ang luha ko at binalot ang sarili ko ng towel.

"Thanks for this. I can handle myself." Naglakad na ako at nagulat ako ng sumabay sya sa akin. Humarang sya sa harap ko dahilan para mapahinto ako.

"I'm Bryan. And you are?" Nakangiti nyang sabi sabay lahad ng kamay.

"Alex." Nakipag shakehands na ako.

"Unique name." Ngumiti lang ako.

"Keep smiling." Sabi nya ulit.

"Alex!!" Napatingin kami pareho sa baliw na sumisigaw.

"Bakit?" Tanong ko kay Jc ng makalapit sya amin.

"K-Kanina ka pa namin hinahanap." Hingal na sabi ni Jc.

"Hindi naman ako nawawala." Mataray kong sabi.

Napatingin naman si Jc kay Bryan.

"Sino sya?"

"Ahh. Bryan, this is Jc. Jc, si Bryan." Nag shakehands sila.

"I have to go. Nice meeting you Alex." Sabi ni Bryan at umalis na.

"Kaibigan mo 'yun Alex?"

"Hindi. Nakilala ko lang sya dito. Binigyan nya ako ng towel."

"Sumbong kita kay Stan, sabihin ko nakikipag-usap ka sa strangers."

(BOGS) Binatukan ko sya.

"Aray ko naman!"

"Strangers-strangers ka pang nalalaman! May nangyari bang masama sa akin? Ayusin mo buhay mo Jc ah! Mainit ulo ko!" Litanya ko sa kanya at nauna ng maglakad.

Nakarating na kami ni Jc sa lobby ng hotel at sinalubong kaagad ako ni Amanda ng napaka higpit na yakap. Para namang nawala ako ng 10 years.

"Alex! San ka ba nagpunta?! Kanina pa kami nag-aalala sayo." Nakayakap pa rin sya sa akin. Lumapit na rin sa amin yung iba naming kasama.

"Amanda naman. Saglit lang naman ako nag lakad-lakad."

Napalayo sya sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso.

"Anong saglit? Saglit ba yung two hours?" Galit nyang sabi.

"Two hours?" Nagulat kong tanong.

"Oo martin. Two hours ka lang naman nawala." Biglang nagsalita si Coach Sarah.

"S-Sorry po."

"Ayoko na maulit 'to Martin ah. Bigla kang umaalis." Pangaral ni Coach.

"O-Opo."

My Brutal WifeWhere stories live. Discover now