Chapter 35: Bar.

8.4K 160 0
                                    

Nandito na kami sa bar na sinasabi ni Jack. Open yung lugar. Malaya kang makakapasok at makakalabas, safe naman sya dahil may mga bouncer.

"Order na tayo sa bartender." Pagyayaya ni Coach Sarah.

"Juice lang sayo Alex." Bulong sa akin ni Stan. Hala!

Napakunot noo ako sa kanya.

"Bakit? Hindi naman ako kaagad malalasing ah." Bulong ko rin sa kanya.

"Wag ng matigas ang ulo." Bulong ulit nya.

Nakakainis! Kinokontrol na naman ako.

Habang lumalalim ang gabi. Nagiging wild na ang mga tao sa loob ng bar. Kanya-kanyang partner na sila. May sumasayaw ng sexy na parang wala ng bukas. May mga tumba na sa lamesa.

Napatingin ako sa direksyon ni Amanda, kasayaw nya si James. Mukhang masaya ang kaibigan ko ah.

Ang tagal naman ni Stan, nag cr kasi sya.

"Tequila Sunrise, please." Order ko sa bar tender.

Maya-maya lang inabot nya na sa akin yung alak.

"Hmmn." Sarap!

"Nag-iisa ka ata?" May tumabi sa aking lalaki. Napatigil ako sa pag-inum at nilingon yun.

"Hi Jack. Nasa c.r pa si Stan eh."

"Ah. So, sayaw tayo?" Nakangiti na sya ng malawak.

"Uubusin ko lang 'to."

Nung naubos ko na yung alak. Agad na hinila ako ni Jack sa dance floor. Hindi naman sya excited? Haha.

(N.p: Blurred Lines By: Robin Thicke)

Wow. Ang sexy ng kanta naman. Mapapa sayaw ka talaga.

Nakaharap ako kay Jack, alam kong medyo lasing na 'to eh.

Konting kembot lang.

"Good Girl~ I know you want it. I know you want it." Sinasabayan ni Jack ang kanta. Nakatitig sya sa mata ko.

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at ipinatong sa balikat nya, agad ko namang binawi 'yun.

"I know you want it." Hindi ko alam kong sinasabayan nya ba 'yung kanta o 'yun talaga 'yung gusto nyang sabihin sa akin.

Nginitian ko lang. Hindi ngiting natutuwa. Kundi ngiting nakakaloko. Manyak 'tong isang 'to. I know this type of man. Akala nya lahat ng babae, easy to get. Well nakahanap sya ng katapat.

Walang pasabi na hinapit nya 'yung bewang ko. Medyo nataranta ako. Napatingin ako sa table namin kanina. Naka upo na dun si Stan at umiinom ng alak, nakatitig sya sa akin. Parang hinihintay nya kung anong gagawin ko.

Alam ko iniisip ng lalaki na 'yun. Kung bibigay ba ako. I smirk.

Nilingon ko 'yung kaharap ko.

"I know you want it." Ako naman ngayon yung kumanta. Ngumiti sya. Parang gusto nyang sabihin na 'Yes! Bumigay.' Pero nagkakamali sya.

Binuwelo ko paatras ang ulo ko at agad na inuntog sa ulo nya. Head Butt!

(BAGG)

"Arggh~" Sabay naming angal. Napahawak sya sa noo nya.

Medyo masakit. Pero okay lang, ganyan din naman ginagawa ko minsan kay Kuya Alfred eh.

Biglang may humawak sa bewang ko. Si Stan.

Nakangiti sya. Seriously? Nagawa nya pang matuwa? Alam kong pinipigilan nya lang ang tawa nya. Inaya nya ako sa table.

"Masakit?" Tanong nya sa akin.

"Medyo." Napahawak ako sa noo ko. "Namumula ba?"

Tinignan nya yung noo ko. Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa. Sanay naman na ako, pero parang bigla akong kinabahan.

"O-Oo." Nauutal ko na sagot.

"Bat ka ba kasi nakipag sayaw sa kanya?" Tinignan ko sya ng masama.

"Anong gusto mong gawin ko dito? Tumunganga? Ang tagal mong mag c.r!"

"Ang bilis ko nga eh." Pagmamayabang pa nya.

"Wow ah." Napatingin ako kay Jack. Namimilipit pa rin sya sa sakit.

"Bagay lang sa kanya 'yun. Dapat dinagdagan mo pa." Sabi ni Stan.

"Bakit hindi ka lumapit kanina?" May halong pagtatampo ang boses ko.

Diba dapat yung lalaki ang lalapit sa ganung eksena. Tapos hihilain ni lalaki si babae sa nangbasto sa kanya, tapos mag-uupakan sila. Tapos sasabihin ni lalaki na. 'Touch her again, and you'll die.'

"Alam ko namang kaya mo sya. Pati alam ko naman na hindi ka kaagad bibigay. May tiwala ako sayo." Sabi nya habang hinihimas ang noo ko.

Lumapit sya sakin at niyakap ako, magkatabi lang naman ang upuan namin. Hayy.. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag yakap ka ng taong mahal mo. Humiwalay din sya, pero may mabaho akong naamoy.

Lumapit ako sa kanya at inamoy ang bunganga nya. Ang baho!

"Kailan ka pa natutong manigarilyo?"

"Matagal na 'to. Iniiwasan ko na nga eh. Isang stick na lang sa isang araw."

So kaya pala ang tagal nya kanina.

"Bat hindi ko alam 'yan?" Napapataas na ang isang kilay ko.

"Tsk. Iniiwasan ko na nga."

"Nasayo na lahat ng bisyo Stan ah." Pagbabanta ko sa kanya. Ayaw ko talaga sa lalaki yung naninigarilyo.

"Ha?" Nakakunot noo nyang tanong.

"Naninigarilyo ka, nag-iinum pa!"

"Haha. Titigilan ko na para sayo." Bulong nya sa tenga ko at akma na hahalik. Agad na umiwas ako.

"Ayaw ko sa amoy sigarilyo."

"Isang kiss lang." Pagmamaktol nya.

"Ayoko!" Sinampal ko yung pisngi nya. Mahina lang naman.

2am na ng mapag desisyunan naming umuwi. Maaga pa daw kami bukas. Kanya-kanyang aka yang mga kasama ko. Yung iba kasi halos hindi na makatayo sa sobrang lasing.

Pagdating namin sa kwarto ni Stan, diretso higa na. Nakakapagod 'tong araw na 'to. Pero okay lang dahil nag enjoy naman kami.

-------------------------------------------------------------

Maria's Note:

Ano pong tingin nyo sa chapter na 'to? May magulo po ba? Magulo po ba pagkaka type ko? Haha. Pasensya po. Hindi ko na kasi ini-edit eh.

Naipost ko na pala yung story ni Amanda. Title ay Amanda's Cry.

Read my other story :))

Love yah!

My Brutal WifeWhere stories live. Discover now