Chapter 43: Alak pa.

8K 136 3
                                    

Alex's POV

Nag mix muna ako ng inumin nila at nilagay sa ref.

Nagluto na ako ng dinner at pulutan nila mamaya.

Napatingin ako sa relo. 5.45pm. Maliligo muna ako.

Maya-maya nakarinig ako ng paghinto ng sasakyan. May pumasok sa kwarto.

"Babe?"

"Yes? Naliligo pa ako."

"Nandito na sila James, baba ka na lang pagtapos ka na."

"Sige." Kahit labag sa loob ko ay binilisan ko na maligo.

.

.

.

Naabutan ko sila sa sofa na nanunuod.

"Bakit hindi pa kayo kumain?" tanong ko sa kanila.

"Si Stan kasi. Sabi ko mauna na kami eh, nagugutom na ako." Parang bata na nagsusumbong si Jc.

"Sige, tara na." Pag-aaya ko sa kanila.

Ang ingay nila. Kwentuhan ng kung ano-ano.

Nung natapos na kaming kumain, syempre ako tong yaya ngayon. Niligpit ko ang pagkarami-raming plato sa lamesa. Si Manang kasi, wala na atang balak umuwi. Ang bad ko talaga. Haha.

Sinunod ko na sa kanila sa terrace yung iinumin nila. Tignan ko lang kung makatayo pa sila. BWAHAHA~!

"Enjoy your drinks boys."

Napatingin sa akin si James.

"Dinuraan mo 'to no?" Tanong nya sa akin.

(Boink) Batukan ko nga.

"Aray~" Angal nya.

"Ba't ko naman duduraan yan?"

"Sige nga! Ikaw nga unang uminom!" Paghahamon sa akin ni Jc.

Tinagayan ako ni Stan at inabot. Isa pa 'to.

Ininum ko naman.

"Hmmn~ Ang sarap talaga." Sabi ko at napapapikit pa. Masarap naman talaga.

"Ok, wala ngang dura o kaya lason." Sabi ni Jc at tinikman na.

"Ubusin nyo yan ah." Pumasok na ako sa kwarto.

Aasikasuhin ko muna lahat ng project. Binuksan ko rin ang website na matagal ko ng minaman-manan.

Maria's School of Criminology.

Isang public school, hindi 'to masyadong kilala. Sa manila lang din.

Matagal ko ng chinicheck tong school na to. Dito ko balak mag-aral.

Maya-maya may narinig akong kalabog sa labas. Napatayo agad ako at pumunta sa labas.

Nakita ko si Jc, nasa baba na at hinihimas-himas ang likod. Hula ko nalaglag 'to sa hagdan.

"HAHAHAHA~!!" Humagalpak agad ako ng tawa bago ko sya lapitan.

"What happen?" Tanong ni Stan, nakalapit na sila sa amin.

"N-Nalaglag si Jc. A-Ano Jc? Haha~ Alak pa?" Pang-iinis na tanong ko. Hindi na ako makapag salita ng maayos kakatawa.

Inalalayan nila si Jc para ipasok sa guest room.

"HAHAHA~~" Hindi ko pa rin mapigilang tumawa.

"Stop laughing Alexandra." Suway sa akin ni Stan.

"S-Sorry."

Nung nakarating na kami sa kwarto ay pabagsak nilang binaba si Jc, wala na syang malay. Haha!

Si James naman ay humiga na rin sa tabi ni Jc, nahihilo na daw sya.

Napatingin naman ako kay Stan.

"Gusto mo alalayan kita babe?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Ano bang ginawa mo sa alak?" Tanong nya.

"Wala. Pinagtimpla ko lang kayo." Inosente kong sabi.

Inirapan nya lang ako at dumiresto na sa kwarto. Haha! Ang cute nya. Haha.

Sinundan ko sya, dumiretso sya sa c.r mag s-shower siguro.

Hindi pa man sya tumatagal dun ay may narinig akong kumalabog.

"Stan.." Kumatok pa ako.

Lumabas naman sya, nakahawak sya sa braso nya.

"Anong nangyari sayo?"

"Nahihilo na ako Alex." Umakbay sya sa akin. Tinulungan ko naman syang makahiga sa kama.

"Weak pala kayo eh. Haha~" Pang paasar ko pa.

Wala pala sila eh! Haha!

.

.

.

.

Umaga.

Maaga akong nagising para ipaghanda sila ng makakain.

Unang lumabas si James.

"Good morning James." Bati ko sa kanya.

"Good morning." Sabi nya habang nakahawak sa ulo.

"Upo ka na dito."

Inumpisahan nya ng kainin yung niluto ko.

"Ahmmn. James?" Umupo ako sa tapat nya.

"Bakit?" Tanong nya habang kumakain.

"Seryoso ka ba kay Amanda?" Napatingin sya sa akin.

"O-Oo. Kaso, wala syang tiwala sa akin." Nakita kong lumungkot ang mukha nya. "Hindi sya naniniwalang nagbago na ako." Pagpapatuloy nya.

"Hindi mo naman masisisi si Amanda. James, hindi sya kagaya ko na matigas, na kapag nakita ko si Stan na may kaharutan ay inaaway ko talaga. Iba si Amanda, napaka lambot nya. Ingatan mo sya na parang babasagin na baso."

Napatungo lang sya.

"Wag mo syang sasaktan." Dagdag ko pa.

Nakita kong lumapit na rin sa amin si Stan.

"Good morning guys."

"Upo ka na dito." Kiniss nya muna ako sa noo.

Sunod ng lumabas si Jc na nakahawak sa likod nya. Ang sama ng tingin nya sakin.

"Good morning Jc!" Masiglang bati ko sa kanya.

"I hate you Alex. Ang sakit ng likod ko." Sabi nya.

"Aba! Kasalanan ko bang weak ka uminom? Umupo ka na dito."

Binigyan ko sila ng tig-isang gamot.

"Oh. May natira pa kayong alak kagabi?" Sabi ko sabay pakita sa kanila.

"Ayoko na." Sabi ni Stan.

"Mahal ko pa ang katawan ko." Sabi naman ni Jc.

"Ahhm. Wala akong balak malaglag sa hagdan." Sabi ni James sabay tingin kay Jc.

"HAHAHAHA~!!!" Humagalpak kami ng tawa.

Hayy...

----------------

Maria's Note:

Naipost ko na po ang story ni Georgia at john. You and me ang title.

Pati rin yung kay Amanda at James. Amanda's Cry.

Enjoy!

Love yah!

My Brutal WifeWhere stories live. Discover now