Incorporated? Ibig sabihin malaking kumpanya ito.

Sumandal ako sa aking likod at pumikit ng mariin. Nakatayo pa rin at hindi naalis sa pwesto si alliyah na mukhang pinapanood ang aking galaw.

Should I visit this farm or not? Wala naman sigurong masama kung bibisitahin at uusisiin ko ito. Marami pa namang options pero ito talaga ang tumatak sa akin.

"Can I have my sched for the following days. The important schedules will be my priority this day. Aalis ako bukas at sisilipin itong farm na ito"

Tumango-tango si Alliyah na pawang naiintindihan naman niya ang aking mga sinsabi. Hindi naman ganoon kahectic ang aking schedule since naghahanap pa lamang ako ng mga investors na maaring makapukaw ng pansin para lumago ang BlackSwan.

Iyun lamang dahil ang isa sa pinakaimportanteng meeting ay nakansela ko kay Mr. Huston. I don't think makikipagdeal pa siya sa akin eh hindi ako naging maayos makipag-usap. Urong-sulong ang meeting namin ni Mr. Huston. Baka hindi meant to be. 

"Try to contact Mr. Huston and reschedule the meeting" please lang umoo ka sir Huston. 

Ang swerte ko nga dahil napaunlakan ang aking hinandang partnership kay Mr. Huston pero ako naman itong hindi tumupad sa usapan na dapat ay magiging maayos na.

Haynako City. Know your priorities kasi... 

Kalaunan ay lumabas na si Alliyah at mukhang naghahanda na para sa pagbubukas ng restobar.

"Hmm. ahmmm" kinanta ko ng mahina ang kakantahin ko mamaya dahil hinahanap daw ng mga customer namin ang boses ko. Ayon kay alliyah. At dahil mas rumarami ang nadating kapag nakanta ako ay pinagbibigyan ko na lamang.

Noong unang kanta ko kasi ay dapat sub lang ako dahil wala pa akong nahahanap na vocalist kaya ako muna pero dahil nagustuhan ng marami ay nagpaulit-ulit na akong kumanta kahit na may nakuha na ako ngayon vocalist.

Okay na rin iyon dahil isa ko rin naman iyong gusto.

Mabilis natapos ang maghapon kaya mabilis rin akong nakatulog. Madaling araw pa lamang ay gising na ako at naghahanda para sa pag-alis.

Wala pang traffic ng ganitong oras kaya maaga akong nakarating sa Batangas. Ang problema ko lamang ngayon ay hindi ko alam kung saang parte ng Batangas magsisimula. Merong binigay na direksyon si Alliyah pero syempre iba pa din kapag alam ko na. Pero bahala na kung saan man ako makapunta.

Dapat pala sinama ko na lang si Alliyah pero wala namang namamahala ng restobar kung isasama ko siya.

Muli akong lumingo sa rear view ng sasakayan at tiningnan kung merong nakalagay napalatandaan dahil iyon ang magiging sign na nasa tama akong daan ngunit puro matataas na damo lamang ang nakikita ko ngayon at tanging sasakyan ko lang ang nakaharang sa kalsada.

Tunog lamang ng sasakyan ang aking naririnig. Parang anytime na lumabas ako ng sasakyan ay mapapahamak ako.

Shit. Ano ba City ang mga pinag-iisip mo? Tinatakot mo lang ang sarili mo. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili kasabay ang malakas na pagbuntong hininga. Muli kong pinaandar ang sasakyan sa mabagal na paraan at naghanap ng karatula sa paligid.

Ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin akong nakikitang karatula o kung ano mang sign patungo ang daan na ito.

Muling bumigat ang aking dibdib dahil sa kaba. Dapat talaga hindi na muna ako ang nag-aksaya ng panahon para dito. Kung siguro hindi ako tumuloy ay tapos na ang aking mga gawain sa opisina.

Hindi ko yata kayang mag-isa.

Tumingin muli ako sa paligid at pinag-aralan ang paligid. Kung kanina ay kapatagan at may ilang kubo, ngayon naman ay puro na talahibahan.

"Bakit ko ba ito pinasok? Pakshet ka Felicity Cassiopea. Masyado kang nagmamadali?" 

Mabuti na rin siguro at medyo maaga pa ngayon ngunit kung hindi ako naalis ngayon dito ay aabutin ako ng gabi. Kakaunti na lamang din ang gasolina ng kotse. Shit. Bakit ba hindi ako nakapagpafull tank.

Ako talaga ay nakakapansin na. Bakit sunod-sunod ang kamalasan ko sa buhay?

Pinatay ko ng aircon at binuksan ng kaunti ang bintana ng shotgun seat. Ayokong yung sa parte ko buksan dahil nag-iisa ako. Mahirap na baka mamaya ay may biglang manggulat o kung ano man.

Dahil kakaunti na lamang ang aking gasolina ay napagpasyahan ko ng bumalik na lamang sa syudad at pumunta na lamang sa Plantasyon.

Wala rin naman akong mapapala dito. Sumulyap muna ako sa aking cellphone. Wala ring signal sa lugar na ito kaya mas mabuti pang bumalik na lamang.

Sayang ang aking paggayak.

Palubog na ang araw ng marating ko ang Plantasyon. Bumusina ako sa matataas na gate sa harapan na mabilis namang pinagbuksan ng mataaman nilang sasakayan ko ang nakabalandra sa tapat ng gate.

Pinark ko ang aking sasakayan sa gilid ng mansion pero sa aking pagtataka ay may isa pang sasakyan na nakapark sa parking. Umuwi na ba sina mommy? Pero wala naman kaming ganitong sasakyan. Bagong bili.

"Holy cow!" napanganga ako habang tinititigan ang sasakyan. Maganda rin naman ang aking kotse ah bakit parang biglang lumuma ang Patrol ko. I fantasize these kind of cars. Masyadong mahal kaya hindi ko pa afford and I have my priorities espeacially that Timothy is going to school now.

And shit! Isa lang naman itong sports car. Limited edition pa. Bumababa ako sa sasakyan at pinatunog muna ito bago sinilip ang sasakyang katabi ng sa akin. Napakagat ako sa labi dahil gusto ko ng mahawakan ito pero baka may makakita sa akin at magalit pa pero bakit ba kasi narito ito? 

Kanino ba ito?

Lumakad ako paikot sa sasakyan at sinuri ng maayos ito. Tatagalan ko na at baka hindi na ako muli makakita ng ganitong sasakyan. Damn it! Ang sarap siguro nitong idrive.

Wala ring nagawa ang aking pagpipigil dahil nahawakan ko na ito. Abala ako sa pagsilip sa loob dahil masyadong tinted ang sasakyan nang biglang may nagsalita na siyang nagpatalon sa sakin sa gulat.

"What are you doing?" baritonong saad. Napalunok ako ng wala sa oras at kinagat ang labi bago humarap sa lalaki. 

Biglang nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig ng makita ko siya.

Pakshet na malupit. Ang gwapo!

Scattered (EDITING)Where stories live. Discover now