Chapter 24: The Failed Proposal

85 3 0
                                    

                 Maagang pumunta siya Monica sa flower shop niya sa Makati dahil pinangako niya sa kanyang ninong na sabay silang mananghalian sa labas kasama ang magulang. Tinapos lang niya ang kailangang gawin at sa kanyang assistant na lamang niya ibilin ang ibang kailangang asikasuhin. Paglabas niya sa kanyang inner office ay saka niya itinugon lahat.

                "Ma'am umuulan po sa labas, may dala po ba kayong payong?" sabi ni Letty.

                "May susundo naman sa'kin. Siguradong may payong iyon. Narito na nga siguro sila." Naaninag niya sa glass wall ang paghinto ng sasakyan. Bago siya tuluyang lumabas ay tumunog ang cellphone niya. Rumehistro sa screen niyon ang pangalan ni Wesly.

                "Hi."

                "Hi Baby. How are you? I'm sorry I didn't call you. I miss you."

                "I miss you too."

                "Are you busy?"

                "Ahhm. I'm having lunch with my ninong. How about if I'll call you later?"

                "Alright. See you later then."

                "Bye."

                Pumasok si Clem sa loob ng flower shop na may dalang payong. "So this is your shop? Ang ganda at ang laki pala."

                "And these are my trusted people." Mabilis na inisa-isa niyang ipinakilala ang kanyang mga tauhan.

                "Kumusta kayong lahat." Magiliw na bati ni Clem. "Mauna na muna kami sa inyo."

                Dahil umuulan nakaalalay si Clem kay Monica upang maiwasan ang pagkabasa. Pagkatapos Makapasok si Monica sa loob ng sasakyan katabi sa driver's seat ay mabilis ring pumasok si Clem. Sa loob ng sasakyan ay ang mga magulang na naghihintay.

                "So where are we going?" Clem asked to no particular.

                "Let's go to Greenhills. Merong bagong bukas na restaurant doon. Kilala ko ang may-ari."

                "What cuisine." Si Clem.

                "Japanese. Mom loves Japanese foods. Right Mom?"

                "Anywhere will do." Cecilia answered.

                "Did you invite Wesly to join us hija? Para rin naman makilala niya itong kapatid mo. He doesn't know about Clem, doesn't he?" Her Dad asked.

                "I want us to be together as family like before. And he's doing something too." Sagot niya at bigla siyang tumahimik. Of course, she'd like Wesly to join them. She just wanted to talk to him alone first.

                "Oh wait. And whose this Wesly? What did I miss?" Clem turned and asked with curiousity.

                "He's my... you know."

                "Boyfriend." Cecilia completed. "Huwag ka nang mahiya sabihin sa kapatid mo hija. He'll be part of our family soon. You should let them meet bago tumulak pabalik itong si Clem sa Canada."

                "I was actually planning about it." She slightly smiled.

                "So tell me about him?" Tumaas pa ang kilay ng ninong habang tiningnan siya. "How and where did you guys meet?"

Love At First Shot (Accidentally In Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon