Chapter 13: Party II

109 6 1
                                    

Continuation....

                Kanina pa gustong makawala ni Wesly sa tatlong babaeng kasayaw niya. Noong naroon pa sila ni Monica sa disco floor ay tinitigan niya ito sa mga mata. Sa pamamagitan ng pagtitig niya rito, nagbaka-sakali siyang mabasa nito sa kanyang mga mata na gusto niyang tulungan siya nitong maiwasan ang tatlong babae. Ngunit umalis lang ito bigla. Akala niya'y pupunta lang sa rest room ngunit hindi na ito bumalik pa.

                Nakita niya itong muling nakaupo na sa mesa na kanilang inaakupa. Ang sunod niyang nakita ay nayuko ito at sapo nito ang ulo na parang nahihilo kaya nilapitan niya agad. Pagtingala nito sa kanya ay bigla itong nahilo kaya niyakap niya bigla.

                Ang sarap ng pakiramdam ni Wesly habang yakap niya sa mga bisig si Monica. Ang lambot ng katawan nitong nakadikit sa kanya. Hindi ito nagsasalita hanggang sa umupo sila. Gusto lang niyang mahawakan ang dalaga lagi.

                "I think I'm fine now." Kumawala si Monica sa pagkakayakap niya.

                "Are you sure? I really don't mind you leaning on me."

                "Why don't you go back there. Mukhang hinihintay ka na nilang bumalik dun." anito.

                "I got bored so I'll just stay here... with you."

                She dropped a bored look at him. "Why don't we order a drink then."

                "I saw you taking these kanina," sabay turo sa walang lamang maliliit na baso. "..kaya mo pa ba? Baka mas lalo kang mahilo?"

                "Don't worry, epekto lang iyon ng agad kong pagtayo. Can you order another set of tequila for me?"

                Kinuha niya ang pansin ng waiter and ordered ten sets of tequila. Five for each of them.

                "I used to be with my friends and our boyfriends in this kind of place when I was in college. Nakakamiss din pala noh? Well I'm here again but this time hindi na kasama ang dati kong mga kaibigan." Kumuha ito ng isang shot. "Come on. Cheers!"

                He's just looking at her lovely face. The face he'd like to stare at everyday without getting tired. Sa isip niya'y bakit kaya ito uminom bigla. May naaalala ba itong bagay na siyang dahilan ng pag-inom nito.

                Kumuha ulit ito ng dalawang shot at sunod-sunod na ininom. "Do you know that we met here first?" She sighed. "Shit! Bakit ko ba siya naiisip?" Bumaling ang paningin nito sa kanya. "Do you like Henny?"

                He met her eyes and looked at them with so much admiration. "What do you think?" He answered a question back and slowly moved his face close to hers. He wanted to kiss her lips right there and then.

                All of a sudden she laughed sarcastically. "I can't read your mind. Hello?" She said while avoiding his stare.

                "You don't need to read my mind. Just look at me and tell me what you think." He challenged her.

                She looked back at him without blinking. She bit her lower lip and he heard her took a deep breath. "This is ridiculous." Umiwas ulit ito ng tingin at kinuha ang natirang dalawang baso ng tequilla. Pagkatapos ubusin ay pumikit ito at napangiwi sabay sipsip sa katas ng lemon. "Mag-order pa tayo."

                "No. You're already drunk."

                "I'm not. Come on. I still want to drink."

Love At First Shot (Accidentally In Love)Where stories live. Discover now