Chapter 8: Camarines Sur

182 9 0
                                    

Naroon ang mga mata ni Monica nakatingin sa ganda ng dagat sa Cam Sur. Naroon sila ngayon ni Wesly upang tunghayan ang kasalan ng matalik na kaibigan ni Wesly sa High School.

                Two days ago, Wesly personally invited her but she didn't give him an answer. One night she was surprised when he went at their house and asked her parents if she could come with him. He didn't give her any choice. Sa kabilang banda nama'y lihim siyang nasisiyahan dahil meron siyang maibibigay na rason kay Stephen kung tumawag o magtext man ito.

                Sasabihin na lang niyang mawawala siya for month upang hindi ito maghanap sa kanya.

                Ngayo'y isang engrandeng beach wedding ang naganap. Isa si Wesly sa mga abay sa kasal. Hindi niya ito kinakausap simula nung umalis sila sa Maynila. Nagkunwari siyang napipilitang sumama rito kahit sa loob niya'y mabuti iyon.

                Tahimik lang siyang nakaupo habang nanonood sa seremonya. Katabi niya si Wesly na kanina pa siya kinukulit dahil sa pagiging tahimik niya. Sinabihan niya itong doon umupo sa linya ng mga abay ngunit hindi ito nakinig kaya hindi na lang niya pinilit.

                Kasing-ganda ng tanawin ang nasaksihan niyang pag-iisang dibdib. She almost cried during the ceremony. Hindi niya alam kung bakit. Alam lang niya'y masaya siya sa dahil mahal ng ikinasal ang isa't isa. Hindi na niya natunghayan ang kabuuan ng kasal dahil nahihiya siyang makita ng mga tao na umiiyak siya.

                Nakaupo siya sa isang cottage kung saan tanaw niya halos kabuuan ng dalampasigan ng resort. Sa totoo lang ay naiiyak siya sa tuwa ngunit mas naiiyak siya dahil pangarap niya rin ang maikasal at sa buong akala niya ay si Stephen na ang taong iyon ngunit hindi.

                "Hey. Did I miss something?" Isang pamilyar na tinig ang narinig ni Monica mula sa kanyang likuran.

                Hindi niya namalayang naluha siya sa isiping sawi siya sa pag-ibig. And too bad, mukhang napansin ito ni Wesly na lumapit sa kanya.

                "What happened? Why are you crying?"

                "Hindi ako umiiyak. Napuwing lang ako."

                "C'mon, that's so elementary. Please tell me."

                "I'm happy for them. I was once dreaming of a perfect wedding but I think it won't happen."

                Nabigla siya ng biglang yumakap si Wesly sa kanya.

                "Don't worry. I'll give you a perfect wedding." Sambit nito saka hinalikan ang kanyang sentido.

                Kaysarap pakinggan ang mga salitang binitawan nito. Sana nga magiging perpekto ang magiging kasal nilang dalawa. Sana nga matutupad ang pangarap niyang kasal. At sana nga ay tutuparin nito ang sinabi sa kanya.

                Parang nabuhusan si Monica ng malamig na tubig na kumawala nang mawari niyang nakayakap siya ng mahigpit kay Wesly. Ang ulo niya'y nakasandal sa dibdib nito at nakapikit ang mga matang binigyan ng kahulugan ang mga sinasabi nito kanina.

                "I'm sorry." Nahihiya niyang sabi.

                "You can hug me whenever you want. I'll be more than willing to oblige."

                Sa kahihiyan ay hindi niya matingnan ito ng harapan.

                Tumangka siyang umalis sa kinauupuan ngunit nahila ni Wesly ang kamay niya at napaupo siya sa kandungan nito. Malapit ng madikit ang mukha niya sa mukha nito at isang galaw lang niya ay magkakalapit ng ang kanilang mga labi.

Love At First Shot (Accidentally In Love)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن