Naweweirdohan na ako ah.

"Bakit po kayo napadalaw ng ganitong oras?" deretsa kong tanong habang parehas na kaming nakaupo sa sofa. Buti na lamang at laging may tubig akong inilalagay sa lamesa kasama ang isang malinis na baso kaya inangat ko yung baso at nagsalin ng tubig bago inabot kay tita Jessie.

"I shouldn't be here because the marriage was off" mahina nitong saad pero rinig na rinig ko pa rin. My chest twist a bit trying to suffocate me. Kaya nag-iwas ako ng tingin kay tita at nagkunyaring hindi ko narinig ang kanyang sinabi dahil kinuha ko ang bowl ng cereals at tumayo para dalhin sa kusina.

Pumewesto ako sa may likuran ni tita Jessie at doon sa mahabang sofa umupo dahil naiilang ako. Kahit na close kami ay naiilang na ako ngayon sa kanya.

"What tita?" taka kong tanong na parang pinapaulit sa sinabi niya.

"It's about Frederick"

Fred na naman?

"What about it, Tita? All I know is wala na po kami" deretsa kong sabi. Hindi ko alam kung maiinis ko o hindi dahil si fred na naman. But Tita Jessie is like my second mom since my parents are busy on Plantasyon while I'm at Manila.

"I am sorry to disturb you but wala na talaga ako mapuntahan" kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Humarap ito sa akin dahil nga sa likod ako nakapwesto. Tumayo ito at umupo sa aking tabi.

Hinawakan niya ang aking dalawang kamay na nasa aking hita. Siguro ay napansin niya ang manlalamig ng mga kamay ko dahil napatingin ito sa akin.

Mabilis kong binawi ang mga kamay ko at nag-iwas ng tingin.

"Please come with me, kailangan ka ni Frederick. Wala makaawat sa kanya" sinalubong ko ang sinseridad sa mga mata ni tita Jessie pero muli ay umiwas ako.

Ayaw ko na sanang maungkat pa sa kanila pero mukhang sadyang kailangan dahil hindi pa rin ako tinatantan ng tadhana.

"But kung hindi pwede, okay lang din." Saad niya at tumayo na sa pagkakaupo sa tabi ko. Halatang aalis na siya dahil wala rin naman akong sagot.

Ano ba kasing nangyari? Atsaka hindi naman siguro mawawala roon si Mira sa tabi ni fred dahil nga buntis ito?

"What happened po tita?" huminga ako ng malalim bago tumayo. Humarap sa akin si Tita Jessie at ngumiti ng mapait bago umiling.

"I shouldn't be here dahil wala na kayo ni fred but Frederick wants to see you. Felicity, he's begging me and as a mother, I know you will do everything for your son. Lalo na kung si timothy ang nagsabi sayo" mahina pero ramdam ko na ang pagkadesperado nito.

Biglang pumasok sa isip ko si timothy. I will give timothy everything because he deserves it. Pumikit ako ng mariin bago nagpasya.

This is for Tita Jessie. I will do this for her. Marupok na ba ako kasi isang malumanay na sabi lang sa akin ay oo na kaagad ang sgaot ko?

"Kukuha lang po ako ng jacket" saad ko at mabilis na pumasok sa aking kwarto at naghalungkat sa cabinet ng isang mahabang jacket.

Kinuha ko wallet at phone ko bago lumabas. Natagpuan ko si tita na nakatingin sa aking wall picture, naroon kasi ang halos lahat ng litrato na bumubuo sa buhay ko. Isa na rin iyon sa motivation ko.

"Tita" saad ko. Medyo nagulat ito pero nakabawi rin kaagad.

Ngumiti siya sa akin bago bumaling sa mga litrato sa huling pagkakataon. Nauna na itong maglakad at sinundan ko na lamang siya. I should bring my car but tita Jessie insist dahil ihahatid na rin daw niya ako matapos kaming makapag-usap ng anak niya.

Scattered (EDITING)Where stories live. Discover now