Chapter 1

799 30 2
                                    

SENDY'S POV

Time Check 7:48am

Nakakatamad bumangon bakit ko pa kasi kailangan sumama sa kanila sanay naman ako na iniwan dito sa bahay.

"Gising na pala ang feeling princesa." Ang aga naman mambweset ng bruhang 'to.

"Tigilan mo ako Avery.." 

"Aba't sumasagot kana ngayon--"

"Pwede ba kayong dalawa tumahimik na kayo lagi nalang ba kayong ganiyan nagbabangayan. Hindi niyo ba mabuo ang isang araw na hindi nagbabangayan." Galit na sabi ni Mommy

"Eh kasi ito eh, aga-aga nambubuweset na naman kita ng kagigising ko lang." panguso kong turo sa kapatid ko.

"Huwag ka kasi magbuhay princesa dito kita mo anong oras na ngayon oras pa ba ng tamang paggising tanghali na."

Aish! Hindi talaga buo ang araw niya 'pag hindi niya ako nasermonan. Paulit-ulit nalang nakakabingi at nakakasawa na. Kung hindi ko ang siya kapatid matagal ko na siyang sinabunutan sa sobrang inis ko sa kaniya.

--

"Mom? Nasaan tayo?" Tanong ko

"Pumasok kana-- sila na ang bahala sa'yo." Sabi niya pagkalabas namin sa kotse.

Ano bang lugar ito. Puro puno nasa gubat ba kami? nakatulog kasi ako kanina habang nasa byahe kaya hindi ko napansin kung nasaan na kami. May dalawang matandang babae na nakaabang sa isang malaking gate. 

Gubat?tapos may gate? saan naman kaya kami pupunta e puro puno lang nakikita ko dito. Ang weird ah! 

"Teka Mom--" Paglingon ko ay wala na sila Mommy

"Nasaan na sila?" Tanong ko sa dalawa, pero sa halip na sumagot ay tinalikuran nila ako saka naglakad papunta sa gate. 

Iwanan ba naman ako dito sa gitna ng gulat. Hala! katakot kaya. Kaya sumunod nalang din ako. Pumasok kami sa isang malaking gate.

"Mula ngayon dito kana mag-aaral hindi ka pwedeng lumabas hangga't hindi ka naka-graduate.  Isa iyon sa patakaran dito. Si Jera na ang bahala sa'yo.." Saka naman kami iniwan ng matanda pagkatapos niyang maghabilin

"Ah Miss..Sino ba iyon?" Tanong ko sa kasama ko na kasama din ng matanda kanina

"Siya si Senyora huwag mo siyang tawagin sa pangalan niya maliban sa Senyora." tumango nalang ako

Saka niya ako hinatid sa kwarto ko. May dorm daw sa loob ng school. Ang bongga naman may ganoon sa loob, Pero nawewerdohan ako sa kanila. Ang pormal kasi nila magsalita kagalang-galang talaga. Ibang-iba ito sa school na pinasukan ko noon. At ang pinagtataka ko bakit masiyadong tahimik ni wala akong nakikitang studyante o tao man lang sa labas e maaga pa naman tansiya ko ay mag-alas sais pa lang ng gabi pero ang tahimik na ng paligid. Hanggang sa makarating kami sa kwarto na sinasabi niya. Nagtaka ako bigla ano ba naman kasing klaseng kawarto ito wala laman.

"Ah Miss ito na ba ang kwarto ko? Where's my bed? at bakit walang bintana?" sa tatlong tanong ko wala siyang sinagot sa halip ay tinulak  niya bigla ang isang wall na nagsilbing dingding ng kwartong ito.

Sa pagkabigla ko ay napakunot nalang ako ng noo. What the hell? seryoso ba ito as in kwarto ba talaga ito? mula labas hanggang dito sa loob ay hindi ko lubos maisip na may ganito kagandang kwarto. Hello? wala kasi sa lugar namin 'to and never ako nakatry mag-aral sa dormitory school katulad nito.

"Ilan po ba kami sa room na'to?"

"Apat kayo, mamaya darating ang ibang kasama mo. Maiwan na kita ayusin mo na ang mga gamit mo. Bukas ang start ng pasok mo alas syete ng umaga, alas sais y medya naman ang agahan kaya dapat maaga kang magising. Kapag nalate ka ng isang minuto sa breakfast hindi kana pwedeng pumasok sa Dinning Hall." 

SAVE ME FROM HELL ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon