♔ #UBChapter17

634 30 10
                                    

Review pa more

—xx

Madiin akong napalunok nang biglang hinawakan ni Ashy ‘yung magkabila kong braso. Diretso’t matatalim na titig ang binato niya sa’kin. “Do you really want to pass the test?” he uttered.

Mabilis akong napatango, “Oo!” Nandito kami ulit sa gazebo; mag-rereview ulit, dahil ilang tulog na lang araw na ng mga test. Huhuhu, naiiyak ako sa sobrang excitement! Maaga pa naman, mga 9:30 siguro. Ang first class ko kasi ngayong Thursday ay 12 noon pa.

“Why? Are you really serious on taking the exam?” he asks, as he throws sharp gazes on me.

“Di lang seryosong-seryoso, seryosong-seryosong-seryoso! Para mapasa ko na rin ‘yung project!!” puno ng energy kong sagot.

Mas mabilis pa sa inaakala ko ang galaw ni Ashy. Umupo siya, pero hindi na kagaya ng way ng pag-upo niya dati. Kung dati, parang tinatamad, ngayon, parang pinupush niya talagang mag-aral ako. Hihi, me is so kilig, hart hart!!

Umupo ako sa tabi niya’t napatulala na lang sa’kanya, “Eh… Ashy, anong gagawin na natin?” tanong ko.

Nakita kong inirapan niya ako, “We’ll review again, but now, let’s start from an easy question.” tuloy-tuloy niyang sabi. Napatango na lang ako. “What is the probability of rolling a four with three dices?” diretso niyang tanong. “Can you do it?” pahabol niya pang tanong.

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang tanong niya. Napadiin ang hawak ko sa pencil, at dahan-dahang tumango, “Easy as a piece of cake…” halos pabulong kong sagot, napapikit ako; pano ko nga ba sasagutin ‘tong tanong? Nabanggit niya ‘to sa’kin nung isang araw. ‘Yung probability something na may F.

“Hmm, good for you, but that doesn’t mean you should stop reviewing. This one is really easy, even four year old kids can answer this...”

Waaa~ mas lalo akong nastrestress! Baka magkapimple na ako! Me is cry. Dahil sa pagkataranta ko, nagsimula ng magsulat… mag-drawing ng kamay na nagroroll ng tatlong dice.

“Ladesma, I’m telling you, you should really pass this exam, I mean if you won’t I’ll stop courting you, and you would be the one courting me…” tuloy niya pa ring sabi.

Napalingon ako sa direksyon niya, “Anong pinagsasabi mo? Bat kita liligawan?” sigaw ko sa’kanya.

Nag-shrug siya, “Just motivating you…” huli niyang sabi. Dahan-dahan rin siyang lumapit sa’kin at ngayon ay titig na titig sa drawing ko, “What the hell is th—“

Mabilis akong nagsalita, “Ano kasi… Ashy… mahirap ipaliwanag… pero ‘yung dice… tatlo sila diba? Tapos… kukunin ay four… tapos probability… probability something F…. at… at… kela—“ napatigil ako nang pitikin ni Ashy ‘yung noo ko. “Aray, hanuba?!” reklamo ko.

Napakamot siya sa batok niya, “Ahhh!! Let’s just change the question. This one is beyond your comprehe—“

“Hindi ah!!” putol ko sa’kanya. “Madali lang siya! Kaso…” napatango ako. “kelangan ko pang ilabas ang powers ko—Ashy masakit na!” sigaw ko ng batukan niya ako.

“Ladesma, don’t play around!” puna niya.

Napacross arms ako, “I’m not playing around!!” sigaw ko. Umayos ako ng upo’t tinignan siya ng diresto. Napabuntong hininga ako’t, “Hindi ko lang talaga maintindihan ang math. On the first place, sino ba namang may pake sa probability na makukuha sa three na dices? Wala naman! Bakit pa kasi ginawa ‘yang math?!” pagmamaktol ko.

Unexpected Boyfriend [JulQuen]Where stories live. Discover now