♔ #UBChapter16

545 36 7
                                    

End this for…

—xx

Halos manlumo ako ng marinig ang seryosong tinig ni Ashy. Tinignan ko siya diretso. Seryoso ba siya? Bakit naman niya sasabihin—wait! Baka ito 'yung joke niya. Oo, joke nga 'to. Biro lang 'tong pinagsasabi niya.

"Weh? Seryoso?" halos pabulong kong sagot. Ngumiti ako ng peke kay Ashy, kasabay nito pagyuko ko. Tama 'yan, Zel, paniwalain mo 'yang sarili mong biro lang ang lahat nang ito—pero damn, nagpapakatanga ka na! Hindi na tama 'to, Ladesma! Stand up! Wag ka namang magpakashunga ngayon! Kaya ka na sasaktan eh.

"Hindi, biro lang," halata kong sarcastic si Ashy; kahit hindi ako sa'kanya nakatingin.

Ilang minuto ang lumipas bago ko napagdesisyonang sumagot. "Bakit...?" buti na lang at nakapaglabas pa ako ng salita. "Diba... sabi mo..." napapikit na lang ako; hindi ko na kaya. Siguro ganun nga talaga kasakim sa'kin si Mr. Kupido—teka, kanta 'yun ah!

Nabigla ako nang hawakan ni Ashy 'yung kamay ko; narinig ko rin siyang suminghap ng hangin. "Makinig ka, Dannie, makinig kang mabuti," paliwanag niya. “In a relationship, you need to use all of your senses—“

“Makikipaghiwalay ka dahil hindi ko ginagamit ang senses ko?” putol kong tanong sa’kanya. Anong hindi ko ginamit? May ginawa ba akong mali?

O baka naman ang susunod niyang sasabihin ay ang most famous break up line na: “It’s not you, it’s me,” binatukan ko mentally ang sarili ko. Zel, anong pinag-iisip mo?!!

“No, that’s not what I mean…” dagli niyang sagot. Sa tingin ko’y napakamot siya sa batok niya. “I mean, you need to listen first before you’ll react,” paliwanag niya.

Tumango ako, “Nakikinig ako…” maikli kong sagot. Napalunok ako: “Sabihin mo kung anong mali sa’ki—“

Pinatong niya sa ulo ko ‘yung kamay niya, “You’re stupid,” rinig kong sagot niya.

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko; parang napunta lahat ng dugo ko sa mukha ko. Napakagat rin ako sa labi ko, kasabay ng pagyukom ng aking kamao; pinipigilan ang kung ano mang pwedeng tumulo—damn, Dannie Hayzel! Wake up! He’s breaking up with you because you’re freaking stupid! Don’t prove him that he’s right!

Dahil sa nagkakagulo kong isipan, inangat ko muli ang tingin k okay Ash. Isang ngisi ang namuo sa mga labi ko—dala na rin siguro ng galit.

Aba, ang kapal ng mukha niyang makipaghiwalay sa’kin dahil lang sa shunga ako?! Wow! Kung dati tanggap ko pa ‘yung pangangasar niya sa’kin, ngayon hindi!

Tinitigan ko siya ng diretso; ‘yung nakakapatay. “You’ll leave me because I’m stupid?” patanong kong tanong sa’kanya. Napailing ako, “Then go! Break na tayo!” with that, bumaba ako sa sasakyan niya, habang madiin na hawak ang bag ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang hilain niya ang kamay ko’t itulak sa sasakyan niya. Ipinatong niya kanyang mga kamay sa gilid ko—sa sasakyan niya. Tumitig siya sa’kin ng ilang segundo bago ipikit ng mariin ang kanyang mga mata; para bang nagpipigil siya.

And the next thing I knew, I’m trapped. Akala ko ba break na kami, tapos ngayon pipigilan niya ako’t ikukulong; tulad ng sa movies? Napabuga na lang ako ng hangin, “Let me go…” I uttered; staring straight at him—nakapikit pa rin siya.

Minulat niya ang mga mata niya’t umiling.

Dahil sa inis ko’y itinulak ko siya ng malakas, “Layo sabi!” inis ko pang sabi.

Unexpected Boyfriend [JulQuen]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon