♔ #UBChapter08

1K 25 5
                                    

 

Meet & Greet

—xx

Uwaaah. Paano ko ba ipapakilala si Ashy, kay mom at dad? Sheteng walo! First boyfriend ko siya! Si bakla kasi may unexpected-unexpected pang nalalaman. Ajuuu. Kinapa-kapa ko yung bulsa ko.Teka... bakit ang daming laman? Bat ang taba ng bulsa ko? Hala, may nakain ba siya? Hindi na siya sexy, Ajujujuju.

"What's the problem, girlfriend?" biglang tanong ni Ashy at hinawakan yung braso ko.

Nilingon ko siya at nagpout. "Yung bulsa ko tumaba..." malungkot kong sabi.

Lumaki yung mata niya, "What the heck are you saying?" parang di naniniwala niyang tanong.

Tinuro ko yung bulsa ko na nasa right na part. Syempre, yung nasa left zipper. Diba ganun yung skirt? Hindi naman baliktad yung palda ko. "Ito oh..." pinindot-pindot ko yung bulsa ko. "Tumaba siya. Marami atang nakai—aray. Ang mean mong boyfriend!" inis kong sabi, pano pinitik na naman yung noo ko.

"Stupid girlfriend, maybe you just placed a lot of things there!” inirapan niya ako. Kaynis to. Kanina lang nanglalambing, tapos ngayon namimitik ng noo! Mean. Mean. Bully!

Inirapan ko rin siya. Hmp. Kala kung sino. Pinasok ko yung kamay ko sa bulsa ko at kinapa yung laman. Isa-isa kong nilabas yung laman ng bulsa ko. "Wallet na pink na may design na hello kitty!" tinaas ko yung wallet at winagay-wagay. 

"Tss..." umiling si Ashy. Tinignan ko lang siya ng masama. Di kami bati! Heh.

"Cellphone kong Samsung duos na may pink na jelly case." Tumawa ako ng mahina. Tapos winagayway-wagayway ko pa. Nakahawak ako dun sa design na nakasabit sa phone. Ano ba tawag dito? Aish.

"Tss, isn't it obvious?” bigla niyang sabi. Inirapan ko siya ulit. Kala niya.

Kinapa ko ulit yung bulsa ko. "Panyo na pink, na amoy… pabango!" inamoy-amoy ko yung panyo ko. Yung parang ginawa ni Chichay after maglaba. Pinalaki. Pinalakiiiii. Pinakamalakiiiii!

Unexpected Boyfriend [JulQuen]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon